Chapter 32: You melt my knees

262 8 3
                                    

Bea's P.O.V

"Wahhh! Hayy salamat at natapos ko narin to" pagod na pagod kong sabi habang inaayos ang mga documents na kanina ko pa tinatype. Grabe bakit kasi di nalang nila i-direct na itype sa computer yung mga ginagawa nila? Hindi yung nakasulat sa ballpen. Anong silbi ng mga computer nila sa building? Hayss mga walang utak din eh..

Habang inaayos ang mga papel ay napansin kong maggagabi na pala. Hindi kaya ako mabulag sa kakababad ng mga mata ko sa computer? Naku! Kasalanan na ni bakla yun pag ako nabulag =_= . Napatingin ako sa may bandang kanan ko at nakita kong abala rin ang Boss ko sa laptop niya. Grabe nga eh, after sa laptop magbabasa naman sya ng mga unchecked files tapos balik laptop nanaman at minsan nahuhuli ko ring nagsusulat sa plan list nya. Parang napahiya tuloy ako sa pagrereklamo kanina.

T^T Ang sipag ng Boss ko. Feeling ko sya ang mabubulag saaming dalawa eh. Kanina pa sya dyan simula nung pagkarating nya. Tatanungin ko pa nga sana sya kung san sya galing pero naisip kong sino nga ba ako para magtanong? Eh crush lang naman ako ng crush ko. Literal na namula ang mukha ko sa iniisip ko >\\\<

"Staring is rude." Rinig kong sabi bya na hindi man lang ibinabaling sakin ang tingin nya kasi abala sa laptop.

"A-Anong staring!? Aba a-assumero ka pala? Naku masama yan! Kita mong may ginagawa ako eh" agad akong pumulot ng kung ano man sa mesa at nagkunwareng basahin ito.

"Pfft- doing what? Reading a book that is currently upside down?" Dun ko lang napansin na nakabaliktad nga yung librong napulot ko. Shet nakakahiya ka Bea >< uso naman kasing tingnan muna bago basahin diba?? Hayss

"Uso kasi ito! Nagbabasa ka ba ng mga update sa social media? Malamang hindi kasi lagi kang busy dyan. Tsk tsk tsk" palusot ko at agad na ibinaba ang libro aaka tiningnan sya na nakataas ang isang kilay.

" So maghapon mo pala akong pinapanood?"

Now that made me dumbfounded. Wahh anong sasabihin ko? Eh hindi naman yun totoo! Napaka-assumero ng baklang ito kala mo naman gwapo. Pero gwapo naman talaga sya eh. Atsaka pasulyap sulyap lang naman ako sakanya >< hindi ko naman sya tinititig eh. Well medyo lang, shhh wag kayong maingay ha!

"Hindi no! Wag ka ngang assuming. Tsk, labas lang ako.. nauhaw ako eh" dali dali akong tumayo at lumabas ng working room niya saka agad na pumunta sa kusina at kumuha ng isang baso ng malamig na tubig saka agad agad itong ininom.

"Bwesit na Ralph na yun. Pinapalambot tuhod ko. Aiishh!"

"What?"

"AHY TUHOD NA MALAMBOT NA MUKHANG BUTIKI!! - tae naman Ralph eh!! Bakit ka ba nanggugulat!?"

Bwesit! Manggulat ba naman? Pano nalang kung may sakit ako sa puso? Eh di naatake na ako? Wala ding utak tong Ralph na to eh =_=. At teka.... n-narinig ba nya??

Rinig ko ang malakas na tawa nya kaya naman masama ko syang tiningnan. Tamo to, tatawa tawa pagkatapos akong gulatin. Ibuhos ko sakanya ang basong malamig na tubig na hawak ko eh.

"Oh my- Hahahaha! God- ahaha. D-Did you just say tuhod na malambot na mukhang butiki? Hahaha!" Sabi nya sa gitna ng pagtawa nya with matching hawak sa tyan nya na akala mo ay di na makahinga.

"Oh tapos? Anong tinatawa tawa mo dyan?" Pagsusungit ko sakanya. Tawa parin sya ng tawa kaya naasar na ako at ibinato sakanya ang kutsara na malapit lang sakin. Mabuti nalang naiwasan nya kasi kapag tumama yun sakanya for sure babakat yun.

"Chill, pft- I was just asking and then you yelled out of nowhere hahaha" Well, may point naman sya. Pero kahit na!

"Nagulat parin ako!"

Falling In Love With My Gay BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon