Chapter 37: BROKEN

231 10 3
                                    

Bea's P.O.V

Shit! Kanina pa ako kinakabahan dito sa sasakyan at halos malukot na ang laylayan ng dress ko sa sobrang kaba. Makikita ko nanaman sila. Magsisinungaling nanaman kami sakanila. Shit! Pano kung sabunutin ako ng Mama nya? O di kaya bugbugin ng Daddy nya? Eh last kong naalala na nakasama ko sila is noong Party nila Ralph at Kelly. And I swear I know na ayaw sakin ng pamilya nya.

Paulit ulit kong kinagat ang ibabang labi ko habang  nakatingin sa daan. Negative thoughts starts to cloud my whole mind.

Imagination!

"Oh hello ija!" Masayang bati ng mama nya pero halatang peke ito. Wahh halata naman kasi eh "We're so glad that you're here" madiin nitong sabi at hinila nya ako palapit sakanila. Nakangiti lang ako habang pinipilit na alisin ang kamay nya kasi feeling ko babaon na yung kuko nya sa balat ko.

"A-Ah I-Im glad din po" nauutal kong sabi.

"Great! Is she look cute darling?" Nakangisi niyang tanong sa Daddy ni Ralph pero bigla nyang hinila ang buhok ko at ginupit ito. Wahhh!! "Ano pong ginagawa nyo!"

"We're cutting your hair duhh!" Malanding sagot ng mama nya na ikinatigas ko sa kaba.

"Bitawan niyo ko!!!!" Naiiyak na ako kasi pinagtatawanan nila ako. Tapos si Ralph walang magawa kasi syempre magulang nya sila kaya ayun nanonood lang.. huhuhu whyyy

......

Wait..  di ko keri. Atsaka pag ginawa nila yun. Syempre magagalit si Lola diba? Tapos alam ko namang di ako pababayaan ni Ralph.

"We're here" napatingin ako sa isang malaking bahay na nasa tapat namin. Holy Shit... Ang laki! Mas malaki pa ito kesa sa unang bahay nilang napuntahan ko. Ganun ba sila kayaman?... nakakapanliit tuloy.

"Hey, you okay?" Tiningnan ko si Ralph at ang kamay naming magkahawak. Di ko pala namalayan na hinawakan nya yung kamay ko. Nakakakilig pero mas umaapaw yung kaba ko. Pano kung di nila ako nagustuhan? Nung last ko ata nakausap ang mga magulang nya halos ikaladkad na ako palabas kasi umalis si Kelly..

"O-Oo naman" kahit na kinakabahan pinilit kong ngumiti para hindi mag-alala si Ralph. Pero wahh!! Sobrang kinakabahan na akooo. Andaming what ifs na lumulutang sa isip ko tapos anlakas pa ng pintig ng puso ko. Mamamatay na ba ako? At bakit feeling ko may hindi magandang mangyayare...

"Everything's gonna be alright. I promise" napangiti ako nang dalhin niya yung kamay ko sa labi nya at halikan. Gosh! Wag kang ganyan Ralph kinikilig ako at baka di ko mapigilan reypin kita dito. >< Ahy hutek ano ba tong pinagsasabi ko. Kadiri ka Bea. Ewww.

"Okay. Sabi mo eh." Huminga ako ng malalim at bumaba na kami ng sasakyan. Ano ba ang pinangangambahan ko eh kasama ko si Ralph. Hindi nya ako pababayaan. And I trust his words that everything will be alright... tama

"Bea iha! You're here!" Napangiti ako ng malapad ng yakapin ako ni Lola pagkapasok na pagkapasok namin sa may likod ng bahay nila. Napakaluwang ng bahay nila, parang mansyon na nga ito eh. Siguro pag di ko kasama kanina si Ralph. Nawala na ako or naligaw. Ehhh ang laki kasi at ang lawak pa.

"Hello po Lola" nahihiyang bati ko.

"Mabuti naman at nakapunta ka. *tumingin kay Ralph* Why don't you take her and explore the whole hacienda iho. Wala pa kasi ang Mama at Papa mo dito pati narin ang iba. " tumango naman si Ralph at nagpaalam na kami kay Lola.

Hacienda pala nila to. Akala ko simpleng bahay lang na may malawak na garden ><. Bea ang ignorante mo talaga! Nakailang liko kami bago namin mapuntahan ang pinakalikod ng bahay nila.

Falling In Love With My Gay BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon