Chapter 10: Transformation.

473 14 0
                                    

Bea's P.O.V

Kakarating ko lang sa office at mukha agad ni Kuya Aaron ang nakita ko. "Oh? Bat parang kinakabahan ka na natatae?" Nanigas naman siya nung sinamaan ko sya ng tingin nang sabihin niya yun at dire-diretsong pumunta sa upuan ko at umupo ng padabog. Wala ako sa mood para makipag-asaran kay Kuya Aaron. Napansin naman ako ni ate Cait na abala sa kape nya. Magaling na pala sya, mabuti naman.

"Ba't parang masama ata ang timpla ng araw mo ngayon? Coffee gusto mo?"

"Ayoko." Malamig kong sabi at binuksan na ang computer ko saka nag-umpisa nang i-encode ang mga drafts na naiwan ko kahapon at di natapos.

"Psst! Anyare dyan?"

"Ewan, bad vibe ata"

"Bakit naman? Eh kahapon parang nakainom yan ng apat na kahong enervon sa sobrang active at energy" nabubulungan ba sila o pinaparinig lang sakin ang sinasabi nila?😑 narinig kong napatawa si Cait ng mahinhin sa huling sinabi ni Kuya Aaron.

"Di na ako magtataka kung ganun si Bea."

"Kung magbubulungan kayo pwede yung mahina? Rinig na rinig kasi eh" pagsusungit ko. Ugh! Asar na asar ako ngayong araw na to kaya please lang wag na sana nilang dagdagan pa dahil baka mag-rage lang ako. Naalala ko nanaman yung kagabi -.- ang ganda ganda na nga ng tulog ko tapos may maninira.

Flashback:

Kuhang kuha ko na yung tulog ko nang biglang nasira lang dahil sa putek na tawag ng tawag sa phone ko. Akala ko phone alarm pero tuwing pinapatay ko to eh ring parin ng ring.

"Bwesit! Sino ba tong hayop na to!?- *sinagot ang tawag* HELLO!?"

"What the-? Hoy lesby you just broke the first rule!" Huh? Tiningnan ko kung sino yung tumawag sakin. At first blurry pa yung vision ko pero unti-unti kong nabasa yung pangalan. 😑BOSS BAKLA😑 bat to napatawag?

"Boss? Grabe naman oh! Ansarap sarap na ng tulog ko eh" reklamo ko sa tonong bagong gising at halatang tamad na tamad magsalita.

"Impakta! Natanggap mo na ba yung gown na susuotin mo sa party mamayang gabi?"

"Ayokoooooo! Ang pangit pangit ng binili niyo boss!"

"Wear it. That's my order! Ikaw na nga binilhan ikaw pa namimili? Aba impakta ka talaga eh no?" Walang hiya tinawag akong impakta!? Pangalawa na nya yan -.-

"Di ko naman po kasi pinapabili sainyo BOSS! AT PWEDE PO BA!? SA GANDA KONG TO IMPAKTA!?" Narinig ko siyang napa "tsk!" Sa kabilang linya. Tamo to sya din lang pala ang maaasar.

"Later my make up artist's assistant will arrive there at your house at exactly 2 pm. Magaling yun mag-ayos kaya kahit wala ka nang ibubuga maayos ka parin niya" aba naman! Ang aga aga nitong mambwesit! Sa sobrang inis ko ay in-end ko agad ang tawag at humiga na.

"Bahala ka sa buhay mong bakla ka-"

Toot! (End call)

"Hello!? He-"

Aba naman. Pinatayan ba naman ako? Ang sama talaga ng ugali ng baklang to. Ibaba ko na sana yung phone ko pero tumawag ulit ang bakla.

Bzzzzzzzt!

Bzzzzzzzt!!

Bzzzz-

"HELLO!?"

"P.S MALIGO KA OKAY?- (toot toot toot)"

What the!? Aghh!!! Di ako aattend sa bwesit na parting yan! Ang sarap sarap na nga ng tulog ko iistorbohin niya? Manigas sya kakahintay sakin sa party nya! Mas maganda ngang ikasal sila nung Gluta girl na yun para tapos na ang problema. 😑😑 bwesit.

Falling In Love With My Gay BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon