Bea's P.O.V
Nasaan ako? Bakit parang nakatali ang mga kamay ko? Sinubukan kong alisin ang nakatali sa kamay ko pero sobrang higpit nito. Ano bang nangyayare!? Bakit nakapiring ako!?
"Gising ka na pala?" Rinig kong sabi ng isang lalaki. Feeling ko medyo may edad na ito dahil sa boses niya.
"Sino ka!? At bakit mo ko kinidnapped!? Mahirap lang ho kami! Wala kaming yaman kaya pakawalan mo na ako!" Sigaw ko sakanya kahit hindi ko siya nakikita. Langya mahirap na nga kami kinidnapped pa ako. Lord Why!?
"Heh tumahimik ka! Hindi pera ang habol namin sayo" naramdaman kong inalis ang pagkakapiring saakin. At first blurry ito pero unti-unting lumiliwanag na ang paningin ko.
Isang lalaking mataba na nakasumbrero ang sumalubong sa paningin ko. Mukha syang adik na nakainom ng maraming tubig sa laki ng tyan niya. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong may tatlo pang lalaki sa may tabi ng pintuan.
Sinubukan kong alisin ang tali pero ayaw talaga eh. "S-Sino ka!? Anong kailangan mo sakin!?" Pagtayanong ko. Tumindig lahat ng balahibo ko nung ngumisi ito sakin. Huta nagtotoothbrush ba to!? Dilaw na dilaw ang mga ngipin eh.
"Kami wala. Pero ang boss namin meron." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Boss nila? Sino naman ang Boss na tinutukoy nila.
"Glad you're awake bitch" galit kong tiningnan ang taong kakarating lang at kakapasok lang sa pintuan. Akala mo isang anghel dahil sa ganda niya pero may tinatago palang kademonyohan sa loob loob niya.
"Bakit mo ako pinakidnap ha Kelly!? Ganun ka na ba kadesperadang solohin ako!?" Sigaw ko sakanya. Tumawa siya ng malandi, yung tipong mabwebwesit ka sa tawa niya. Asar! Pakawalan niyo ko bibigyan ko lang itong babaeng ito ng uppercut!
"I told you that we're not done yet right? *lumapit sakin at hinila ang buhok ko na nagpaaray saakin* I will give you a chance to be free but leave Ralph alone and drop your job as his Personal Secretary. Deal?"
Ang kapal din ng make up at pagmumukha ng babaeng ito. Kung iiwasan si Ralph kaya ko pero ang magresign!? Tae ang hirap kayang maghanap ng trabaho! Ako lang ang inaasahan ng mga magulang ko sa pag aaral ni Gelai.
"Eh pano kung ayaw ko? Pakamatay ka na ba?" Sarcastic kong sabi. Kita ko ang galit sa mga mata nya at naramdaman kong biglang namanhid ang kaliwang pisngi ko dahil sa pagkakasampal niya. Isang sampal para sa isang suntok pag nakawala ako dito.
"20, 000 for your resignation! "
"Resignation my ass" sagot ko na syang ikinamanhid naman ng kabilang pisngi ko. Pangalawa na yan ha! "Huta pakawalan niyo ko bubugbugin ko lang itong Gluta na ito!" Sigaw ko nang sampalin niya ulit ako.
Gusto kong maiyak dahil sa hapdi ng pisngi ko pero hindi ko yun gagawin sa harap ng pangit na ito. Hinding hindi ako iiyak dahil alam kong mas ikakatuwa niya yun.
"It took me five freaking months to slap your ugly face. How does it feel? Does it hurt? *sampal* Does it feel pain!? *sampal ulit* " nakatingin parin ako sakanya ng masama. Alam kong namumula na ang parehong pisngi ko pero wala akong paki. Tumitindi lang ang galit ko sa babaeng ito tuwing ngumingisi sya.
"Parang tinapik nga lang ako ng langgam eh. Ang hina" naasar ata sya sa sinabi ko kaya ngumisi ako sakanya ng nakakaasar. Nagulat ata sya dahil imbes na umiyak ako sa harapan niya at magmakaawa na pakawalan na ako ay mas ngumisi pa ako at matapang na tinitingnan sya sa mga mata niya.
"Matapang ka rin eh noh? Tingnan natin kung makakangisi ka pa ng ganyan bukas." Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin pero nanatili akong nakatingin sakanya ng deretso. Inayos nya ang buhok niya saka umalis na sa loob.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With My Gay Boss
Non-FictionMeeting someone who has a big part of your past seems normal and simple. But what if you never remember your past? Or who you really are? Then one day you met someone has a big impact in your life and your memories suddenly come crashing. Eventuall...
