Start

782 32 2
                                        

Sabi sa weather forecast ngayon, uulan ng malakas. Nagtataka akong tumingin sa langit. Ang taas ng araw. Walang bakas ng kahit anong sama ng panahon. Kainis, umaasa pa naman ako ng suspension kasi ang lakas ng ulan nung madaling araw.

Pero on the second thought ayos na rin siguro tong panahon kasi suot ko ang gala uniform kong mas maputi pa sa budhi ko. Sinusuot lang namin sa tuwing unang miyerkules ng buwan, at ugh. Nakakailang first wednesday na ko sa school na ito pero hanggang ngayon ayaw ko parin ang uniform na ito, hindi parin ako sanay suotin. Itinupi ko ang mahaba nitong sleeves hanggang sa siko ko. Madalas kaming sawayin kapag ginagawa ito pero di rin nila kami mapipigilan kasi mainit ang panahon.

Nakaupo ako sa tabi ng bintana kaya't madalas lumilipad ang isip ko lalo na ngayong math ang subject namin. Nakadungaw ako sa langit at pinagmamasdan ang kakaibang hugis na nagagawa ng ulap sa langit. Sa sobrang bored ko parang nakakakita ako ng pizza, tapos ng ice cream, tapos ng caldereta, saka sinigang na baboy. Hahaha. Umiiral na naman ang pagiging matakaw ko. Naramdaman ko tuloy na kumalam ang tyan ko.

Inilipat ko na lang ang tingin ko sa malawak na fields ng eskwelahan namin. Perfect ang upuan na ito kung gusto mong magmuni-muni kasi kitang-kita yung halos kalahati ng school. Tanaw dito yung bahay nila sister, yung auditorium, yung chapel at ang garden na punum-puno ng flowers. Infairness ha, alagang-alaga nila sisters ang garden namin.

" Do you understand?" Tanong ni Ma'am De dios na siyang nagpabalik sa akin sa ulirat.

" Yes, ma'am. " nakisabay na lang ako kahit ni isa wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya kanina, Ni hindi ko nga alam kung anong topic namin eh.

" Get one whole sheet of paper. May seatwork tayo"

" Ma'am assignment na lang yan." Pagproprotesta ni Rae. Napangiwi ako, paktay na. Malamang hindi din yan nakinig. Mabuti na lang responsable si California Girl, Cali.

" Oo nga ma'am!"sulsol ng iba ko pang mga kaklase. Asa pa sila. Matigas pa sa bato si Ma'am De dios.

" Hindi pwede, may ipapahomework ako sa inyo mamaya." See? Kelan ba napakiusapan yan?

Kumuha siya ng chalk at nagsimulang magsulat ng nakakalulang numero sa board. Number one pa lang alam kong babagsak na ako, babagsak ako kung wala ang tulong ng mathematician kong friend na si Cali.

Nakita ko ang mabilis na paglipat ni Rae sa tabi ni Cali. Ayos, dyan siya mabilis.

Pumilas ako ng papel sa notebook ko at nagsulat ng note.

Pakopya after hehe. 0:) labyu.

Nilukot ko ang papel at saka binato kay Cali. Kinuha niya din naman yun. After basahin ay inirapan niya ako.

Tinatamad pa akong magsulat. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang ako nagkaroon ng interest sa view sa labas kahit na araw-araw ko namang halos tong nakikita. Weird.

Pumangalumbaba ulit ako at bored na sumilip. Wala namang interesting. Napagdesisyunan ko na sanang kumuha ng papel at magsimula ng kumopya, i mean gumawa, ng may kakaiba akong nakita sa likod ng chapel. Apat na lalaki. Sa malayo pa lang kilalang kilala ko na yung isa.

Si Chase. Ano naman kayang ginagawa nila dun ng mga oras na ito eh dapat may klase? Nagcucutting na naman siya? Naningkit ang mata, sinusubukan ko kung makikita ko ang ginagawa nila. Hay nako Chase Arkin Pangilinan! Isusumbong na talaga kita kay mommy!

Naalarma ang buong sistema ko nung marealize kong pinapaligiran siya ng tatlong lalaki at pinagtutulungan. Nanlaki ang mata ko nung sinapak siya sa mukha nung isang mukhang mama! Buti na lang natakpan ko ang bibig ko kung hindi ay mapapahiyaw ako at makukuha ang atensyon ng lahat.

Chasing SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon