Chapter 7 : Baby Girl

465 32 0
                                        

Pasensya na sa spacing guys. Di ko masyadong maayos sa phone. Medyo dikit dikit ata. Sorry din sa typo at sa maling grammar. Di ako Englisher sorrry.

Don't forget to leave a comment. Sobrang nakakagana kapag may ganun. At syempre if nagustuhan niyo, vote niyo na din hehe. Thank you poooo.

***

That's the right thing to do.

I keep telling that to myself pero parang hindi ko parin mapaniwala ang sarili ko.

Unfortunately, I mean, luckily hindi niya na rin naman ako kinulit these past few days. Malamang narealize niya na yun talaga ang makakabuti sa amin. Hindi na rin naman kami nagkakasalubong. Mabuti na lang ag nakikisama ang tadhana. It's his way to say na that's what bound to happen. We have to live our lives separately. Less complications.

I did ask for it kaya dapat panindigan ko. May matigas na part lang talaga ang ulo ko na di natutuwa sa desisyon ko and it's alarming na dinodominate niyang utak ko. Lately madalas akong magspace out kakaisip ng mga bagay na hindi ko naman na dapat pang iniisip. Feeling ko tuloy kailangan ko ng magpatingin sa Psychologist sa sobrang hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

I feel so sad... and empty. I don't know if I'm depressed or what. Basta feeling ko parang nagiging trying hard na akong maging masaya. Sabi nila it's a choice. It's my choice to be happy but I just couldn't bring myself to it. Parang feeling ko pinaplastic ko pati ang sarili ko.

" Sure ka di ka sasama?" Tanong sa akin ni Anya. Maagang natapos yung practice namin kaya nagkaayaan ang team na kumain ng samgyupsal sa bagong bukas na korean restaurant na nagkalat ang advertisement sa facebook. Sabi malapit lang sa school at instagrammable daw ang lugar.

" Di na. Diet ako eh." Pagbibiro ko sa kanya. Ang totoo niyan bulsa ko talaga ang nagdadiet, hindi ako. Gustuhin ko mang sumama para madivert ang pagiisip ko kaya lang hindi ko magawang gumastos ng ganun kalaking halaga para sa isang kainan lang. Kakain na lang siguro ako dun sa malapit na karinderya sa apartment ko, may bentelog dun. Mura na sulit pa.

" Tsss. Ano pa ba idadiet mo? Payat payat mo na eh. Saka hindi ba naburn yan kanina? Puro ka error ah, dami mo tuloy punishment."

"Galing mo magconvince ha! Lalo tuloy ako nawawalan ng gana sumama sa inyo, pinaalala mo pa kasi." Nagpout ako saka ko siya sinimangutan.

"Cute mo HAHAHAHAHA." Gigil niyang pinisil ang pisngi ko " Aray Anya!"

Tinapik ko ng malakas ang kamay niya dahilan para binitiwan niya din ako agad. " Sakit nun ha!" pagrereklamo niya sa akin na may kasama pang panlilisik ng mata.

" Nauna ka eh!" sabi ko habang hinihimas ang kawawa kong cheeks. Bakit ba karamihan sa mga kaibigan ko pisngi ko ang pinupuntirya?Isa pa naman yun sa pet peeve ko kasi hugis siopao na nga ang mukha ko papalakihin pa nila lalo sa kakapisil.

Parehas lang namin tinawanan ang isa't isa. Mabuti na lang talaga may mga kaibigan pa ako kasi baka hindi lang Psychologist ang kailanganin ko, baka mapadala na ako sa isang mental institution.

" pero seryoso, parang hindi ikaw yung naglalaro kanina. May problema ka ba?" sabi niya after niyang makarecover sa pagtawa.

Totoo naman yung sinabi niya. Ang panget ng laro ko kanina. Dami kong nagawang mali, dahilan para masabon ako ni coach at maparusahan ng sandamakmak. Hindi ko alam kung ilang drum ba ng pawis ang nailabas ko.

" Wala. Medyo pagod lang siguro ako." Medyo pagod lang ako? More on pagod na pagod ako. Di lang physically maging mentally at emotionally pa.

"Talaga? Parang distracted ka at wala sa sarili. Di ako sanay na hindi ka lumalaban sa pangaasar ko sayo kanina." Nginiwian ko siya at saka tinignan mula ulo hanggang paa. " Gusto mo ngayon tayo magasaran ano? Fight me!" Pabirong paghahamon ko sa kanya.

Chasing SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon