" I'm so happy na magkakasama ulit tayo, finally." Sabi ni Kuya Luke na malawak ang ngiti.
Kung ako yung batang Serene sobrang saya ko siguro, sobrang excited. Nung bata kasi ako I'm always looking forward to this. Yung nagbabonding kaming lima, ako, si Tita Vida, Si Mommy, Si Kuya Luke at si Chase. Lagi kaming nagpipicnic nun, nagcacamping sa backyard namin, namamasyal, naglalaro sa labas ng larong kalye, pumupuntang amusement park. Akala ko nga nun perfect ang life ko eh, akala ko di naman pala mahirap ang mabuhay gaya ng sinasabi ng mga matatanda but that's not the case now. Pinatikim na sa akin ng buhay ang pait, after experiencing too much sweetness. Balanse pala talaga dapat. Kaya nga totoo din yung sinasabi nilang nakakatakot maging sobrang masaya kasi feeling mo inuutang mo lang yun sa tadhana kasi after nun masasaktan ka ng sobra.
Dahil hindi na ako yung onse anyos na Serene at iba na ang sitwasyon. Kakaiba na yung nararamdaman ko. Yes, I am happy na makasama ko ang kuya Luke ko ( Ha!? Kuya Luke lang talaga?) pero kasi I'm freaking confuse and scared. Scared of the something na up until now ay hindi ko alam. Maybe I'm scared to be too happy? Scared that I might get hurt soon.
Nasa loob na kami ng sasakyan ni Kuya. Dahil minsan lang ito mangyari at hindi ako sure kung kelan ko ulit makikita si Kuya Luke, di na ako nagpapilit nung inaya niya akong mamasyal at kumain sa labas.
Si Kuya yung magdadrive, si Chase naman yung nakaupo sa shotgun seat at ako yung nakaupo sa likod. Sa gawing kanan ako umupo, sa likod ng inuupuan ni Chase para hindi ko siya masyadong nakikita, para narin maibsan man lang yung ilang ko.
Sobrang uncomfortable. Alam ko naman sa aming tatlo ako lang nakakaramdam nun. Nakakainis! Ang weird weird at ang unusual nito!
I hate myself! Kung anu-ano ng nararamdaman ko. May mali, may hindi dapat. Kailangan ko lang mafigure out sa system ko kung ano yun at ng magawan ko ng paraan.
"Gusto ko sanang mameet niyo ang Fiancée ko." Fiancee? Sa sobrang busy niyang yun nagkajowa pa siya? I didn't even know na may girl friend siya tapos ngayon papakasalan niya na. Hmp! Nakakatampong wala man lang siyang nakwento sa akin?
" What? May Fiancée ka na? Bakit di ako updated?"
" Don't worry kilala mo siya Serene." Nakita ko sa rearview mirror ang pagngiti niya. Kilala ko? Hay ewan. Ayoko ng magisip ng mga naging babae niya noon. Pamysterious pa siya kunwari.
Tinignan niya ako sa rearview mirror at saka ako nginitian ng makahulugan. " You'll see."
"Tsss. " saka ko siya inirapan. Tumawa lang siya sa ginawa ko. Tahimik ang sasakyan kapag hindi nagkwekwento si kuya Luke. Ayaw kong magsalita. Lalo pa at kasama namin si Chase. Di rin naman siya nagsasalita kaya't ayos lang.
" Mabuti na lang nagkaayos na kayo ni Chase, Serene." Hindi ako makapagsalita, ilang segundong nagprocess yung utak ko. Magpapanggap na lang ba ako na nagkaayos kami para hindi lang masira ang mood ni kuya? O sasabihin ko sa kanyang ayoko ng makipagayos kahit kailan kay Chase, that would be absurd kapag sinabi ko yun.
hindi ko makita ang reaksyon ni Chase at ayaw ko na din namang tignan pa.
" Kasi kuy-" nacut ang sasabihin ko ng nga kataga ni Kuya Luke.
" Alam mo bang nung umalis kami panay ang tanong niya sa akin kung kamusta ka na."
"Kuya, di mo na kailangang sabihin yun. " iritableng pagkakasabi ni Chase dito ngunit mukhang walang epekto sa kanya yun. Kantyaw at pangiinis lang yung sinagot niya. " Sus, nahiya ka pa, tayo tayo lang naman eh. Alam mo Serene, Stalker mo yang si Chase. Para ngang tanga eh. Inaaway away ka kunwari pero pagdating namin sa States walang ibang bukambibig kung hindi ikaw. "
BINABASA MO ANG
Chasing Serenity
Fanfiction" Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest "
