Chapter 12 : The Secret Place

492 25 2
                                        


A/N: Alam kong super slow ng update ko dito. naging busy lang nitong mga nakaraang buwan sa pagaaral. Thank you sa nagbabasa padin nito. I'll try to update regularly! Ganun pa rin po sorry sa typo at wrong grammar! Cringy talaga ako gumawa sorrrry!


***

Ramdam ko ang mataray na tingin sa akin ni Rae. Panay ang iling niya at buntong hininga. 


" May hindi tama! May hindi ka kinukwento!" nang hindi na makatiis ay yun ang nasabi niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko.


Bakit kasi ako ang pinagtutuunan nito ng pansin imbis na yung namumuong pagtitinginan ng Kuya niya at ni Cali? Di hamak namang may mas say siya dun! Bakit di niya na lang turuang pumorma yung kapatid niyang torpe ?


" Ang ingay mo Raebelle! Magaral ka na lang dyan!" Kanina pa siya hindi mapakali. Imbis na pag-aralan ang susunod niyang subject kung saan may mahaba siyang pagsusulit ako itong binubuysit niya. Titig na titig siya sa akin habang naglalaptop ako at gumagawa ng paperworks. Hindi ako makapagconcentrate!


Basta talaga chismis malakas ang pang amoy niya at basta talaga chismis ayaw niyang nahuhuli sa balita!


" Blooming ka bishy."


" Thank you." Sagot ko kahit alam kong hindi yun ang gusto niyang isagot ko sa kanya.


" Naglipstick ka at nagblower ng buhok!"nakataas ang kilay niya na parang disappointed pa sa ginawa ko kahit siya naman noon ang pilit ng pilit na gawin ito. Mas bonggang make up pa nga ang gusto niyang gawin sa mukha ko e.


" So?"


" May pinagagandahan ka!" Tinignan niya ako na parang may mali akong ginawa. " Sino?"


" Wala. Bawal bang for a change?" Patay malisya kong sagot kahit na alam kong hindi kakagat sa mga ganito si Rae. Malakas ang pang amoy niya. Papasa siyang maging interrogator.


Nagpatuloy lang ako sa pagtatype kahit na hindi ko alam kung tama pa ba ito.


" Imposible Serene! " hindi ko na siya tinignan pa at baka mapatay ako ng mga titig niya.


" Bish, si kuya Chase oh."


" Huh? Asan?" Nalipat agad ang tingin ko sa pintuan ng library na ngayon ay tinuturo niya.


Bat ganun? Marinig ko pa lang ang pangalan niya parang natataranta na ako. Parang nagskip na naman ng isa ang tibok ng puso ko bago ito magloko at bumilis. Parang gusto kong icheck ang sarili ko sa salamin kung maayos pa ba ang mukha ko. Weird. Hindi ako ganito dati. Wala akong pakialam sa itsura ko, kung magulo ba ang buhok ko,may tinga ako sa ngipin o kung jologs ang suot ko. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba pero pagdating sa kanya iba.


" Asan bish?" Wala akong nakitang bakas niya sa pintuan.


Chasing SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon