Chapter 15: Text Messages

522 25 5
                                        

Medyo sabaw guys sorry :) sorry din sa typo ✌️

***

Nakatingin lamang ako sa phone kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama. Panay ang ilaw nito. Malamang pinuputakte na ako ng text at tawag ni Chase. Hindi ko pa kasi siya nasasabihang kina Rae ako matutulog ngayong gabi, balak pa naman niyang pumunta sa apartment.

Hindi ko naman magawang kunin yung phone ko kasi may inimplement na rule si Rae way back in high schoolna bawal ang phone kapag quote unquote bishy time namin. Dapat daw full attention, para daw focused sa pagbibigay ng advice. Ang ewan lang, ang daming ek ek ng taong 'to.

Paktay talaga ako sa kanya nito.
Hay bahala na. I'll deal with him later.

" Sinasabi ko na nga ba e. May something sayo yang kuya-kuyahan mo e" Kumento ni Cali after kong magkwento. Naaawkwardan pa rin ako sa thought na he used to be my brother. We may not be blood related but still, I treated him as my kuya before.

" Weeeh!? Totoo bang nafeel mo yun? Sigurado akong clueless ka sa mga nangyayari at ngayon mo lang na knows yan. Manhid ka kaya. Kaya nga hirap na hirap sayong kuya ko."  Mabuti na lamang nalipat ang atensyon ni Rae kay Cali.

" Oy grabe ka Raebelle! At talagang dinadamay mo pa si Kuya Rye."

" Totoo naman e, dinadaan mo sa scientific basis ang lahat. Nagpoformulate ka pa ata ng hypothesis! Hahaha." Natawa din ako sa komentong yun ni Rae.

Totoo din naman kasi, Cali is never the type na mapangduda. She's not judgmental, kabaligtaran naman nito ni Rae na mahilig maghinala. Pero infairness sa hinala ng babaeng yan, almost lahat tama. Pwede siyang detective, kaya totoo din yung sinasabi niyang umamin na lang kami sa kanya kasi malalaman at malalaman niya din naman yun. She's that observant and that... scary.

" Ikaw kasi conclude ka ng conclude! Tignan mo kinoconclude mo na agad na may something si Kuya Rye sa akin e. Nakakahiya sa kuya mo"

" Aray ko po. Kawawa na naman ang kuya ko. Kuyazoned! " Umarte pang nasaktan si Rae habang may pahawak hawak pa sa dibdib. " Ayaw mo ba talaga kong maging sister-in-law? "

" AYAW!" May kasamang irap na sinabi ni Cali.

" Aray ko bish. Wala ata talaga pagasa si Pareng Rylie!"

" Shut up, Rae. Nakakairita na!" Sumimangot siya, and we know that look. She mean it nung sinabi niyang naiirita na siya.

" Charot lang Mareng Cali." Lumapit si Raebelle sa kinauupuan ni Cali at inabot ang pisngi nito at saka hinalikan. " Love you, Cali. Di na mabiro ito."

"Tse!" Kunwari pang nagtampo siya pero nagpahalik din naman siya. Pinunasan niya ng likod ng palad niya ang kanyang pisngi at saka tinignan ng masama ang ngayong nakaakap na sa kanyang si Rae.

Nakakatawa lang talaga itong dalawa. Marami ng nangyari. Maraming nawala. Marami ding bumalik pero sila. Sila yung iilan sa nanatiling at mananatiling constant.

Ang sarap sa feeling na kahit anong mangyari may mga ganito akong taong matatakbuhan.

" bish, kanina pa ilaw ng ilaw yang phone mo. Nakakairita na. Sige na, pinapayagan ka na namin. Sagutin mo na. Baka mapasugod pa dito yang jowa mo, I mean yang kuya mo"

Nagkibit-balikat lang ako sa pangaalaska ni Rae. Walang makakatalo sa kanya pagdating dun so mas okay na tumahimik na lang.

Saka isa pa, mayayari na talaga ako kay Chase kapag hindi ko pa siya sinagot.

Tumayo ako at kinuha ang phone ko.
Seryoso!? 126 text messages at 37 missed calls sa loob lamang ng isa't kalahating oras?

Nagvibrate na naman ulit ang phone ko. Tumatawag na naman siya. Agad kong inend yung call.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon