Chapter 13 : First real kiss

422 23 0
                                    

Disclaimer: One word. Lame.🤦

Sana lang talaga maenjoy niyo. Sorry kung mabagal ang update!

Comments are much appreciated, I enjoy reading those. Mas ginaganahan akong magupdate.

Expect typographical errors and wrong grammar. Thank youuuu! ❤️

***

" Bakit ka na nga ulit nagtatampo?" Natapos na akong kumain pero tahimik pa rin siyang nakatingin sa akin.

" Kasi hindi mo ko pinaniniwalaan." He said with a pout. Sobrang priceless nito, parang gusto ko siyang tapatan ng camera at picture-an but I don't wanna spoil the moment.

" Saan kita hindi pinaniwalaan?" Wala sa sarili kong tanong kahit na alam ko naman na ang ibig niyang sabihin. Bolero siya, noon pa. Paano ko siya paniniwalaan di ba, kung nawitness ko kung paano siya mambola sa mga nililigawan niya nun.

" Kapag sinasabi kong maganda ka."
Saka isa pa hindi ako sanay na masabihan ng ganung bagay kaya mahirap para sa aking paniwalaan yun. Hindi ako head-turner, not the type na mamapapasecond look ang mga tao kapag dumadaan. I'm just the average type of girl and I'm totally okay with that.

Inabot niya ang mukha ko at hinawakan ang pisngi ko. " You're so beautiful baby girl and it's making me crazy."

Hindi talaga babalik sa normal ang paghinga ko at pagtibok ng puso ko kapag kasama ko siya. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na kahit anong gawin kong deny at kahit gaano pa kataas ang wall na itayo sa pagitan namin ay matitibag at matitibag niya parin yun.

Iniwas kong tingin ko sa kanya at pinigilang wag mangiti kasi ugh. hipokrita ako kung hindi ko aaminin sa sarili kong kinikilig ako.

Kinuha niya bigla ang kamay ko at nilagay iyon sa bandang dibdib niya.

I really can't breath right now.

Para ng sasabog ang dibdib ko ng hawakan niyang kamay ko, ngayon pa kayang maramdaman kong lakas at bilis din ng tibok ng puso niya. So hindi lang pala ako ang nagwawala ang cardiac muscle kapag nagkakalapit kami?

" Isn't that enough para maniwala kang hindi kita binobola. I'm falling really really hard Serene, just by looking at you. How much more if I kiss that precious lips of yours?" Nakatingin siya ngayon sa labi ko. Nanuyo bigla ang lalamunan ko kaya't napalunok ako ng laway ng ilang beses.

" I think you're the death of me, baby girl. I'm so crazy for you that I will do whatever it takes just to make you fall for me too. At kapag nangyari yun, call me selfish but I won't ever let you go. "

Bakit hindi pa ba ako nahulog?

***

After ng klase ko nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng pinto. May mangilan-ngilang babae ang nakapalibot sa kanya. Hindi ko siya masisisi, para siyang modelo sa kanyang tindig at katawan. Isama mo pa yung mukha niya? It's something to die for.

Mukhang aliw na aliw siya kasi tumatawa tawa siya at hinahayaang hawakan siya. "Tss." Nilagpasan ko siya, pero hindi na ko nagulat ng hinablot niya ang palapulsuhan ko. Buti naman at napansin niya pa ako.

" Oy," medyo nakakailang ang tingin sa akin ng mga babaeng kausap niya kanina.

" wait for me." He said na ngayon ay kasabay ko ng maglakad.

" Bakit mo sila iniwan dun?" Tanong ko na hindi man lamang siya tinatapunan ng tingin.

" Kasi andito na yung matagal ko ng hinihintay?"

Chasing SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon