I distance myself to save myself.
Over the years yan ang natutunan ko. Ang umiwas.
When mommy Lyn passed away, Nagmigrate sina Kuya Luke at Chase sa States para makasama nila ang kanilang ama. With that naiwan kami ni Tita Vida sa mansyon ni mommy na kalaunan ay kinuha ng mga kamag-anak niya. Wala kaming nagawa ni tita kasi kung tutuusin wala din naman kaming karapatan. Sapat na yung ilang taong pagtulong niya sa amin. Hindi na kami naghabol pa sa kung anong iniwan sa amin ni Mommy Lyn. Para sa amin ni Tita Vida kalabisan at kakapalan na ng mukha yun. Kaya't Umalis na lang kami. Umiwas.
Nung mga panahong yun kailangan naming maghiwalay ni Tita Vida para mabuhay at mapagaral niya ako. At dahil nakapagtapos siya bilang nurse sa tulong na din ni mommy Lyn. Nagtrabaho siya sa isang pampublikong hospital sa Manila hanggang sa sinuwerte siyang makapag-abroad. Nung una sa Saudi Arabia tapos sa Canada. Naging maayos ang buhay namin nung nagtrabaho siya sa Canada. Doon niya na din nakita yung lalaking para sa kanya. Isang Filipino-Canadian and I must say na maswerte si titang nakahanap siya ng matinong lalaki sa panahon ngayon. Well, naswerte din naman siya sa Tita ko.
Una pa lamang ramdam ko na yung sinceridad niya at yung pagmamahal niya para sa tita ko. Dun pa lang panalong-panalo na siya para sa akin. Sa katunayan kinuha niya muna ang approval ko kung papayag daw ba akong pakasalan niya ang tita ko( Oo, sa akin siya unang nagpropose haha) at sino ba naman ako para humindi di ba? After all, magiging kampante ako kasi he's a good man.
Thankful akong nakahanap si Tita ng lalaking para sa kanya kasi kung hindi habang buhay kong sisihin ang sarili ko kung bakit hindi siya makakapagasawa. Masyado na kong pabigat sa kanya at halos buong buhay niya kapakanan kong iniisip niya. Masaya akong masaya siya kahit na ang ibig sabihin nun maaring mabuhay ako ng magisa dito sa Pilipinas.
Kinasal siya na wala ako kasi masyadong magastos kung pupunta pa ako dun kaya nangako siyang magpapakasal na lamang ulit siya dito sa Pilipinas kapag nagkaroon na ng panahon. Ngayon, isang taong gulang na ang pinsan kong si Kayden at up until now sa video chat ko lang siya nakakausap.
Nangiti ako ng tumawa ng malakas si Kayden at nagflying kiss pa sa akin. " Cute Cute naman ng babyng yan! Kelan ka kaya makikiss ni Ate?" Lalong lumawak ang tawa niya. Kung kaya ko lang talagang iextend ang kamay ko at lumabas sa screen nila nakurot ko na yung matatambok niyang pisngi.
" Malapit na kaming bumisita dyan Hope." Biglang sumulpot sa screen ang mukha ni tita Vida.
Matagal na nilang sinasabi yun, hindi na rin naman ako umaasa. Masyadong busy sa trabaho si Kuya Zac kaya naiintindihan ko naman.
" Hay nako Tita, saka na kayo umuwi kapag okay na yung lahat ng aasikasuhin niyo dyan. Wag mo kong intindihin dito. Basta lagi niyo kong ichachat ha? Para naman hindi ako makalimutan ng nagiisa kong pinsan."
" Sus, ito talagang batang to! Oo naman! Malamang masyado ka ng malungkot dyan. Alam kong strong independent woman ka gaya ng sabi mo pero nakakabaliw din ang magisa. Basta, bibisita kami dyan soon." Bakas sa mukha niya ang lungkot at pagaalala kahit pa tinatabunan niya iyon ng mga ngiti.
" Tita naman, hindi pa naman ako nababaliw. Promise pagbisita mo hindi mo ko sa mental madadatnan." Natawa siya, kasabay ng pagtawa niya ay yung paghagikgik din ng anak niya.
" Sira! Kamusta nga pala ang pag-aaral? May pera ka pa ba? " Sa totoo lang nahihiya na kong humingi ng pera sa kanya lalo pa't si Kuya Zac na ang nagtratrabaho para sa kanila. Nakakahiya na yung perang dapat para sa pamilya nila nakikihati pa ko. Pinapadalhan niya parin naman ako kaso pinapababaan ko na lang yung halaga. Napagusapan naming kapag kailangan na kailangan ko na lang ng pera tutal may nakuha na rin naman akong part-time job, half nadin naman yung binabayaran kong tuition fee sa school dahil varsity player ako ng volleyball, at may savings na siyang nilaan para sa akin sa bangko.

BINABASA MO ANG
Chasing Serenity
Fanfiction" Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest "