Sorry sa typooo. ☺️
***
Ewan ko kung kailangan ko pa siyang iwasan o hindi na kasi mukhang wala naman talaga siyang pakialam sa akin. Baka out of awa lang kaya niya ako tinulungan nun, baka back to kanya-kanyang buhay na ulit kami.
Wednesday na ngayon, hindi ko siya nakita nung Monday at Tuesday. Hindi sa namimiss ko siya ha, relieved lang talaga ako kasi hindi kami pinagtatagpo ng tadhana. Lalo pa ngayon at mainit ako sa mga mata ng fangirls niya. Dapat lang siguro na Katakot-takot na pagiwas padin ang gawin ko sa kanya. It's better safe than sorry.
Mukhang nafufulfill ko na din naman yung goal ko kahit na hindi ko na ginagawa yung usually ginagawa ko. Hindi ako kumain ng paborito kong lasagna sa cafeteria kasi madalas siyang nandun, hindi ako nanuod ng practice ng pep squad sa gym after class kasi baka andun din yung mga varsity player ng basketball na kinabibilangan niya, iniiwasan ko na din yung posible niyang daanan kahit pa dun talaga malapit ang sakayan ng jeep na sinasakyan ko. Bukod kasi aa alarming yung sinabi sa akin ni Raebelle, don't get me wrong ha! Alarming not because naalarma ako kasi posible ngang mangyari, No! Hindi ganun. Alarming siya kasi ayokong isipin ng iba niyang girls kasali ako sa samahan nila, yokong bigla na lang may maghatak sa buhok ko habang naglalakad.
Hassle ang pagiwas pero at least mukhang worth it naman. So far kasi peaceful na ulit at boring ang buhay ko just like how I want it to be.
Mabuti na lang talaga at halos magkabilang dulo ng university ang building ng Colleges namin kaya malabong magkatagpo kami. Business Administration Student siya, Communication Arts student ako.
" Wow! Chix talaga as always." Bungad sa akin ni Raebelle. (Chix - meaning pa-VIP. Caused of delay ganern). Kung meron mang Chix dito walang iba kung hindi yung Prof ko sukat ba naman magpamake up class agad-agad, isang meeting lang ang nawala at hindi pa naman kasalanan yun. Nagabsent siya at hindi man lang kami sinabihan. Ayan tuloy, mukhang ito pa ang magiging dahilan ng pagkalate namin sa trabaho. Normally kasi umaalis kami dito sa school an hour and a half bago magsimula yung call time.
" Whatever Rae." Nilagpasan ko siya at saka niyakap si Cali. Namiss ko din itong babaeng ito. Tagal niya kayang Missing in action. " Bish, I miss you."
" I miss you to, Serene. "
" Ewww Clingy." bulong ni Rae.
" ayyy. Inggit sa moment namin. Sali ka na nga." Sabi ni Cali at saka inistretch ang isa pang arms. Nakaakap na ko sa kaliwa. Umirap pa si Rae bago nakiakap sa kanan. haha.
"Pabebe pa si ate, naiingit din pala."
" Ikaw lang may karapatang makamiss?"
" Ay nako! Itigil niyo yan! Siguro nung wala ako away kayo ng away no?"
Kumalas na ko sa pagkakaakap, ganun din si Rae. " Ay, hindi ako War freak! Yang babaeng yan ang mapangalaska sa aming dalawa. " sabi ni Rae na may kasama pang pagturo sa akin at panlilisik ng mata.
" Can't help it! Sarap mo kayang asarin." Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya bago niya sabihing,
" Bully ka."
Binaling tuloy ni Cali ang tingin niya sa akin. " Ay, oo nga pala. Ikaw Serene ha!"
" Marami akong nabalitaan sayo Serenity! Naku! Ikaw ha!" Kung meron mang tumatayong mommy sa grupo namin, walang iba kung hindi si Cali yun. Ewan ko ba! Sobrang perfect niya. Nasa kanya na lahat, ganda, talino, at maturity. Kung minsan nga lang sumosobra. Kung si Rae isip bata, siya naman isip matanda. Sobrang conservative niya at mahiyain ( ito yung di ko nagegets. Ano pa bang ikahihiya ng babaeng ito sa sarili niya) kung minsan nga nagiging manang. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang sumali ng pageant sa school, ayaw niyang magsuot ng sexy.
BINABASA MO ANG
Chasing Serenity
Fanfiction" Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest "
