Chapter 3 : Never in my wildest dreams

417 24 0
                                    

" Anong kashungahan na naman ito bish?" Bungad sa akin ni Raebelle ng makita akong nakaupo sa isa sa mga kama sa infirmary. Napataas ang kilay niya ng mapansin si Chase na nakaupong dikwatro sa monoblock sa gilid ng kamang inuupuan ko.

" Bakit ka andito? Wala kang class?" Balik kong tanong sa kanya.

" wow, sagutin daw ba ako ng isa pang tanong? Kaya ako nandito kasi nagaalala ako sayo! Hindi ba pwedeng ganun? Oh ano? Kamusta!? Magkakapeklat ka na naman niyan sa hita!" She said hysterically na naging dahilan ng pagirap ko.

" Wag kang OA! Nadapa lang ako hindi ako nasagasaan ng truck." If I know hindi itong pagkakadapa ko ang nagdala sa kanya dito ng urgent na urgent. Malamang nabalitaan niyang binuhat ako papunta dito ng newest campus crush. Ganun kabilis kumalat ang balita dito sa school na iyo. At ganun din kabilis makasagap si Rae. Ewan ko ba, Admin ata yan ng secret files ng school namin eh. Lahat ng kung anek-anek na chismis alam.

" Anong ginagawa niyan dito?" Tanong niya sa akin. Yung niyan na tinutukoy niya, obviously si Chase yun. After nung nangyari noon masama na image nila ni Cali sa kanya. They hate him.

" Wala. Aalis na din siya." Tinaas ni Chase ang tingin niya sa akin. " Who's leaving?" Maang maangan niyang tanong. As if hindi niya nagets na ayaw ko na siyang andito. Kanina ko pa siya tinataboy pero ayaw niya. Ayoko din naman siyang kausap kaya hindi ko na siya pinilit. Inisnab ko na lang siya.

" Ikaw. Hindi ba aalis ka na? Hinahanap ka ng girlfriend mo dun, mahirap na baka ako pang maging dahilan ng away niyo."

" She's not my girlfriend" kung hindi niya jowa yun bakit ganun na lamang ang lingkis nun sa kanya? Hindi ko na pinagaksayahan pa ng laway itanong yun sa kanya baka isipin niya pang interesado ako sa buhay niya.

" She's just another fling." He said matter-a-factly. Aba'y mukhang proud pa ata siya. I rolled my eyes and shook my head in disappointment.

Naubo si Rae sa sagot niya at ang kaninang nakataas na kilay ngayon ay mas mataas na ngayon. I lip read what she said. " Player, eww."

He's a player, indeed. Jerk as always.

" Okay, kung hindi ka aalis. Maiwan ka na namin ni Raebelle." Agad din namang lumapit si Raebelle sa akin upang alalayan akong tumayo. Ang over-acting talaga! Kaya ko naman kasing tumayo ati gurl! I can even run. Hindi naman ako napilay o nabaldado.

Nagamot na yung sugat ko kani-kanina lang bago dumating si Raebelle. Kaya lang ako nagstay dito is kanina pa din insist ng insist si Chase na ihatid ako sa apartment ko which is hinding hindi ko papayagan kahit pa matter of life and death yun. No way!

Tutal hindi na rin naman ako makakapagpractice at wala na rin naman akong gagawin nagstay muna ako dito.

Hindi ko lang talaga gets kung bakit real quick naging ganyan na ang trato niya sa akin. One moment tinitignan niya ako na parang ako ang mortal enemy niya and then the other heto siya acting so caring and loving like he used to be before. Gulo niya! Pero kahit ano pa man yun I should keep in mind na he's dangerous.

"Babye, Pangilinan. Ako ng bahala dito sa ex little sis mo. I mean kay Serene." Sabi niya, shooing Chase away. Inunahan niya na kasi itong hawakan ako sa braso bago pa makalapit sa akin si Chase. Hinawi niya din ang kamay nito na aabot sana sa palapulsuhan ko. Bitch. Sa unang pagkakataon natuwa ako sa pagaattitude niya.

" You can go" She smiled. Yung ngiting yun, halatang halatang Fake. "

" Sa payat mong yan sure kang kaya mo siyang alalayan." He said after niyang tignan mula ulo hanggang paa si Rae.

Chasing SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon