Chapter 5 : Bad Things

496 37 6
                                        

Hanggang ngayon masama pa din ang loob ni Raebelle sa pangalan naming Mellifluous. Ang weird weird daw kasing pakinggan, para daw scientific name ng kung anong hayup. Gusto niya yung mga pacute at patwitams lang na pangalan. Masama ang loob niya kasi agad din naming nirereject yung suggestions niya, tinutulad niya kasi sa mga pangalan ng girl group sa korea. Hello, sa pilipinas hindi cute yun saka hindi naman kami girl group na sumasayaw at kumakanta, banda kami.

" Te, Bilis magayos ka na." Salubong sa akin ni Raebelle na ngayon ay naglalagay ng foundation. " Pasalamat ka at nagmamadali tayo kaya hindi kita macardiac(interrogate) dyan. Mamaya ka sa akin!" Pagbabanta niya sa akin. Nilagpasan ko lang siya at saka nilagay sa mesa ang bag ko.

Hindi ko lang alam kung para saan yung pagmememake up niya kasi nakatakip din naman ng maskara ang mukha namin. Weird di ba? Weird na nga yung pangalan namin, weird pa yung concept. Masyadong pa mysterious ganun. Well, wala naman kaming specific na konsepto kaya kami nagtatago sa maskara, hindi namin idol Sia or kung ano pa man. Ang totoong dahilan lang naman kasi nun ay si Cali. Si California Dream Girl may stage fright. Hindi niya kayang magperform  kapag natutukan siya ng spotlight at kapag tinititigan ng maraming tao. Yes, she's that shy. ( Which I do not understand. She's freaking perfect hello! She has the angelic face, and oh so white milky skin. Wala siyang dapat ikainsecure! Rae and I tried our best to boost her self confidence pero wala eh. Ang laging sinasabi niya lang sa pagaaral lang siya pinakacomportable, book smart lang daw siya. Etc.. etc.. masyadong negative.)

Sa sobrang mahiyain niya noon, nagsisimula na kaming kumanta ni isang key wala siyang napindot at ni hindi niya man lang naibuka yung bibig niya. Basta tumakbo lang siya paalis ng entablado nung marealize na ang daming taong nanunuod sa amin.

Si Raebelle ang nakaisip na magmask kami. Honestly at first, it sounds so absurd but then nung sinubukan namin at nagwork naman kay Cali kaya ginagawa na namin.  Naging trademark na ata namin.

Naiisip ko nga kahit medyo jeje yung pamysterious, para sa akin hitting two birds in one stone na din.  Una, maraming nacucurious sa aming may-ari ng resto kaya kinukuha kami.  Pangalawa, bilang ako ay isang taong hindi naeenjoy ang popularity okay na ganito at least tago yung pagkatao namin ( though we are not that big naman, pero medyo nakikilala na kami sa school since malapit na resto sa school ang pinagpeperforman namin. Kaya mas okay na tago kami. Okay na yung kilala lang ako bilang varsity player na lampa.)

Nagsnap si Raebelle sa harapan ko at saka sinabing " Uy, bilis naman bish. Tumulaley ka pa talaga?"

Sinimulan ko ng ilabas ang dala kong damit sa bag ko. Hindi naman pwedeng nakaschool uniform kami while performing.

Kulay gray na hanging long sleeves na may mickey mouse print ang sinuot kong pangitaas na pinarisan ko lang ng white na ripped jeans at saka Vans old skool na kulay puti. Nagsuot din ako ng blue baseball cap. Nilugay ko lang ang shoulder length kong buhok na lately pinagtripan kong pakulayan ng blonde na may gray yung laylayan.

 Nilugay ko lang ang shoulder length kong buhok na lately pinagtripan kong pakulayan ng blonde na may gray yung laylayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chasing SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon