" Number 15! I LOVE YOU NAAAA!!" umaalingawngaw sa buong gymnasium ang sigawan ng mga babaeng haling na haling dun sa lalaking nakasuot ng jersey number 15.Iba parin pala talaga ang charms niya. Lagpas kalahati ng mga tao dito mostly babae, pangalan niya ang sinisigaw nila.
" ANAKAN MO KOOO PANGILINAN!" Hindi ko napigilang lingunin yung babaeng nagsabi ng napakaeskandalosang statement na yun. Nagulat ako ng nakitang senior high school pa lang ang ati girl mo. Hindi ko kinakaya ang kahalayan niya.
Hay naku mga millenials talaga. Feeling ko tuloy old soul ako at hindi ako nababagay sa henerasyong ito.
Naibuntong hininga ko na lang ang pagkairita. Bukod sa tuliling-tulili na ako sa mga tili nila, yamot na yamot na din ako sa tulakang ginagawa nila kasi pati akong nananahimik tumatalsik din paharap. Hindi ba uso sa kanila ang salitang chill. Chill lang muna tayo! Parang nagbabasketball lang kung magsitili kala mo kinakatay.
Isa pa itong kaibigan ko na kanina nakaupo lang sa tabi ko ngayon naglulundag na. " Hay nako, Raebelle!" Katulad lang siya nung mga babaeng yun ang kaibahan lang ang kinababaliwan niya ay hindi yung number 15, kung hindi yung number 11.
Mukhang maling mali na tumambay ako dito at nagpabrainwash sa kanya. Sana sumama na lang ako dun sa group meeting ni Cali sa library. Mas okay na dun at least doon nakakatulog ako.
" Ay! Ang haharot! Kalma mga bebegurls, kalma!" Komento niya sa mga SHS students na nakaupo sa bleachers sa likod namin. "Kumalma kayo ha? Gitgitan ng gitgitan!" Pinanlakihan niya pa ito ng mata at saka inirapan.
Wala naman epekto yung ginawa niyang pagsuway dito kasi after nun, nung makashoot ulit si Pangilinan, para na naman silang bulating inasinan. " Harot." Bulong niya
" Nagsalita ang hindi maharot." Nginiwian ko siya at saka tinignan mula ulo hanggang paa.
" Ay, sinong maharot? hindi ako maharot bishii. Supportive lang ako." Umupo ulit siya sa tabi ko at sinubukang kalmahin ang sarili. " Oh my gosh bebeloves Blakeeee! Oh my gosssh!" But then she failed. Nawala din agad yung composure niya nung napasa sa bebeloves niya yung bola. Tumayo na naman siya at naghihihiyaw, this time mas malakas na ito kesa sa kanina.
" Di ka maharot sa lagay na yan?" Hindi niya na ako pinansin kasi lahat ng atensyon niya nasa court, particularly kay Blake.
Magkalaban ngayon sa practice game sina Blake at Chase. Friendly game kumbaga kasi magkakateam din naman silang nirerepresent ang school namin.
"BOOOO!Boo yang Pangilinan niyo! Boooo " Hinarap niya yung mga SHS at saka nagthumbs down! Nagmake face lang sa kanya yung mga bata, actually parang nawerduhan lang sila at saka patuloy na nagcheer kay Pangilinan. Talagang pinatulan niya yung nga SHS? Tss. Baliw talaga.
Hindi talaga ko interesado sa laro kahit na mahilig ako sa basketball. Hindi ko na din maintindihan yung mga nangyayari basta naiirita na lang ako. Naiirita ako sa kung paano siya ngumiti sa lahat, kumaway kapag nakaka-shoot siya, at magpacute kapag may sumisigaw ng pangalan niya. Ano ba siya? Artista? Tatakbo ba siya student council sa school na ito? Jerk.
"Bilib din ako dyan sa ex brother mo ha" Tapos na ang game at di ko inaasahang matatalo ang team ni Blake ng team ni Chase. Si Blake ang pinakamagaling na player, noon. Ewan ko na lang ngayon. Hindi naman mapagkakailang magaling yung number 15. Nanalo nga sila at madami siyang puntos na nacontribute sa team.
Lalo tuloy lumaki ang ulo niya ng pagkaguluhan siya ng mga babae after the game. Ganun na ba siya katagal sa America at nakuha niya na ang pagkaliberated ng mga kano? Panay kasi ang beso at akap niya dun sa mga chicks. Nakakaumay.

BINABASA MO ANG
Chasing Serenity
Fiksi Penggemar" Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest "