" Hello Serene." Masigla ang pagkakabati sa akin ng babae na nakaupo sa harapan ko. Petite siya, singkit pero bilugan ang mata, maputi ang balat, at balingkitan ang katawan.
Tama si Kuya, kilala ko siya pero hindi ko inaasahang siya ang makikita ko ngayon.
" Ate Reese!?" Lalong lumapad yung ngiti niya kaya hindi na halos makita ang kanya mga mata.
"Hi baby girl, namiss kita." Pagkatapos ay hinatak niya ako para akapin ng mahigpit. " Ang laki laki mo na. Dalagang dalaga ka na." Inipit niya ang mukha ko sa pagitan ng kamay niya. Parang ineeksamin niya ang mukha ko at ineksamin ang katawan ko.
My jaw literally dropped nung makita ko siya, ang akala ko nga sa malayo kamukha lang niya eh. Para tuloy may malaking question mark sa tuktok ng ulo ko ngayon.
" Sara mo naman bibig mo, baka pasukan ng langaw." Sabi ni kuya Luke saka iniabot ang baba ko para isara ang bibig ko. Sa tapat ko nakaupo si Ate Reese, katabi niya si Kuya.( And that leave me no choice kung hindi ang tabihan si Chase.)
Hindi ko mapigilang ang magtaka pagbalik balikin ang tingin sa kanilang dalawa. Don't get me wrong sobrang saya kong siya ang fiancee na tinutukoy ni kuya. Sa katunayan siyang tumayong ate ko noong mga bata pa kami so botong boto ako sa kanya, ang kaso lang nakakapagtaka lang talaga. Nakakaintriga ang love story nila.
" Paanong?"hindi ko na naituloy pa ang sasabihin. Parang na-stuck ang utak ko sa paano.
"Anong paano?" Tanong ni kuya Luke sa akin ng nakataas ang isang kilay. Si ate Reese na man ay hindi na napigil ang pagtawa.
" Paanong naging kayo?" Naghalo ba ang balat sa tinalupan o pumuti ang uwak? Ni minsan hindi ko naisip na magiging sila. Ate Reese and my Kuya Luke were like Tom and Jerry in real life.
Kababata, kapit bahay at kaschoolmate namin si Ate Reese noon. Bukod pa dun she was the model student of her batch. Matalino, maganda, at may aking leadership skills kaya she was the Student Council President and our school newspaper editor-in-chief during their senior year. While my kuya? Jerk siya noon, pasaway, sakit ng ulo ng mga teacher, (pero ayon sa kanya crush daw siya ng bayan.)
In short para silang opposite poles! Naalala ko noon lagi akong nangangapit-bahay para magpabraid ng buhok kay Ate Reese pero panay ang pigil ni Kuya sa akin. Kesyo baka mahawa daw ako sa kasungitan at pagkaOA sa strikto niya. Sabi pa nga niya noon tatandang dalaga si Ate Reese kasi sa sobrang kaupright-an nito. Walang papasa sa standards niyang lalaki at maiindimidate lang sa kaOChan niya.
Who would have thought na siya pala yung papasa sa mataas na standard ni Ate Reese? ( Or sa love ba talaga masusunod mo yung standards mo? Is there even such thing as standard? ) akala ko sa mga cliché na story lang nangyayari yun? Love really is unpredictable.
" Wala eh, hinabol niya ako eh. Naawa naman ako. Ayun pinatulan ko." Naparolyo ako ng mata sa sinabi niyang yun as if hindi pa ako sanay sa taas ng confidence niya.
" Kapal mo!" Sagot ni Ate Reese kasabay ang isang hampas sa braso. " Aray ko naman Loves. Ang sakit ikiss mo yan." Ngumuso siya at saka ay nagpacute. Agad din naman siyang kinotongan ng mahina ni ate na gaya ko ay mukhang nairita sa inarteng yun ni Kuya.
" Kiss ka dyan you deserve it! Kung anu-anong kayabangan at kasinungalingan ang sinasabi mo sa mga kapatid mo!"
While looking at them right now narealize kong bagay nga sila. Siguro ganun talaga no? Nagiging perfect match ang isang couple kapag nakikita mo yung love sa mga mata nila at yun ang nakikita ko sa kanila ngayon. Ang sarap lang nilang panuorin kasi halatang halatang inlove na inlove sila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Chasing Serenity
Fanfiction" Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest "
