Chapter 10 : Ferris Wheel

416 25 1
                                        


Merry Christmas po! Gift ko na sa inyo. Sana maenjoy niyooo 😘!

( Warning : Cringy AF! Loool Comment po plssss. Saka feeling ko ang daming typo )

***


" Ayoko ng sumakay. Dito na lang ako." Sabi ko habang nakaupo sa mga lamesa sa food court. Pinagtitinginan kami ng mga tao, or should I say pinagtitinginan siya ng mga babae. Yung iba ngang dumadaan sumesecond look pa sa kanya tapos mapapanganga. ( Hindi ako nageexagerate. I swear) Napapailing na lang ako kasi daig ko pang may kasamang artista at mukha akong PA niya.

Umupo siya sa harapan ko at ginaya ako. Pumangalumbaba din siya at pati ang facial expression ko ay kinokopya niya. Cute siya. Hindi ko maidedeny yun, kaya't iniwas ko na lang tingin ko sa kanya baka kasi magaya ako sa reaksyon ng mga babae na nakatanaw sa kanya.

" Edi hindi na din ako sasakay." Lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niyang yun. Nilingon ko siya at bumuntong hininga . Gusto ko ng ihampas ang ulo ko sa lamesa sa kakulitan niya. Nakakafrustrate naman talaga itong Pangilinan na ito oh! I thought i make myself clear the last time that we talked. We're not supposed to be talking right now! Right Serene? Guess what you're failing again! Natalo ka na naman ng Charms ni Chase Arkin Pangilinan!

" Takot ka parin bang sumakay ng extreme rides? Wala ka pa bang nabobolang babae dito sa pinas at ng may nakakaholding hands ka? Asan yung mga kalandian mo sa school? Kung wala, sila oh. Mukhang willing." Nginuso ko yung mga babaeng kulang na lang tumulo ang laway sa pagnanasa sa kanya. Bilang wala naman siyang pakialam sa mga atensyong nasa kanya, ako pa atang naiilang sa malalagkit na tingin sa kanya nung nga babae. Tho, hindi naman nila dinededma entirely ang existence ko kasi may nahuhuli din ako masama ang tingin sa akin. Di sa nangjujudge ako pero yung tingin nila parang jinajudge din ako eh.

" Ayoko sa kanila. Gusto ko ikaw lang." Sabi niya ng malawak ang pagkakangiti at may pagkagat pa ng labi. Syempre yung nga ganung banat niya ang nakakapagpaikot ng dragon sa sikmura ko, pero syempre din hangga't maari pipigilan ko yun. Papaniwalaan kong sarili kong wala siyang epekto sa akin. Wala!

Wag kang papaloko. Delikado si Chase. Delikado siya.

" Bakit ba pati ako binobola mo? " sagot ko pagkatapos ng isang irap. Hindi ko na siya pinagsalita baka ano pa kasing sabihin niya, tumayo ako at naglakad ng mabilis. Mahirap na baka lalong magwala itong puso kong consistent mula kanina pa naghaharumentado. Baka tuluyan ng makawala ito sa dibdib ko at pumunta sa kung saan.

Dahil di hamak na matangkad siya at malaki ang hakbang niya, nahablot niya agad ang braso ko.

" bakit ba iwas ka ng iwas Serene? Why not enjoy the moment?"

" Cha-" Sasagutin ko sana siya pero hindi niya na ako pinagsalita. Hinatak niya na ako sa kung saan. Before I knew it nakatayo na kami sa harap ng napakataas na ferris wheel.

" Ayoko na sabing sumakay Chase." Pagtataray ko sa kanya. Nginitian niya lang ako at saka hinawakan ang kamay ko. Bago ko pa mabawi yun ay binulsa niya na ito sa bulsa ng hoodieng suot niya.

" Bakit ba feeling mo binobola kita?" Hindi ko alam kung bulong ba iyon o sadyang ipinaririnig niya sa akin. Gusto kong sagutin yun pero hindi ako makapagsalita, with him holding my hand like this. Naspespeechless talaga ako, hindi ko masabayan ang bilis at lakas ng pintig ng puso ko. This guy really knows how to keep me quiet. And I hate it that he could control my emotions. One moment I'm angry, tapos the other moment I can't help but to smile. This is so wrong. Maling mali 'to Serenity.

Kami na ang susunod. Pinapasok na kami ni Manong Driver sa Gondola kaya't binitiwan niya na ang kamay ko. Umupo siya sa harap ko. Hindi ko alam kung makakahinga na ako ng maluwag o magaalala na baka may sakit na ako sa puso kasi ayaw parin paawat ng puso ko.

Chasing SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon