Uy si Baby Girl oh! ( cto. Nakita ko lang sa twitter)
again sorry po sa Typo! At Advance Happy New Year 😘
****
Nang matanaw ko sina Kuya Luke at Ate Reese sa malayo ay agad akong umusod ng bahagya at sinubukang bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak ni Chase. Ilang beses ko din yung sinubukang bawiin kanina pero lalo lang humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Kapag titignan ko siya ng masama ay nginingitian niya lang ako ng malapad na siyang nagiging dahilan ng pagsuko ko. Sino bang hindi matutunaw sa mga ngiti niya hindi ba? (Definitely not me.) Ngunit ngayon hindi ko na ata pwedeng hayaang nakahawak lang siya sa kamay ko at ganun kalapit sa akin, lalo pa at andyan na si kuya Luke.
" Si Kuya Luke, Chase." parang wala siyang pakialam na tinignan ang direksyong tinuturo ko. "So?"
" Chase. Please." napailing siya at saka binitiwan ang kamay ko. Alam niyang hindi pa ako handa na malaman nito ng mga taong malalapit sa amin. Hindi pa ako handa sa mga magiging komento nila sa akin, sa amin. I know, tunog may relasyon kami sa mga naiisip kong ito pero hindi ba nakakabigla sa kanila kung malaman nilang nagkakagustuhan kami ni Chase kahit na dapat ay hindi lalagpas yun sa magkapatid? That would be so ... Unsual
" Ano naman kung hawak kong kamay mo? What's the big deal? Malalaman din naman niya ito sooner or later." Pagkatapos ay nag-pout, and I swear he's the cutest. Pinigilan kong mapangiti at iniling na lang ang nararamdaman kong paghanga sa kanya. Hindi pwedeng mahalata niyang baliw na baliw din ako sa kanya? That 'din' though, as if namang baliw din siya sa akin.
" Kanina pa namin kayo hinahanap." Nakailang text siya sa akin pero dahil wala akong load hindi ako nakapagreply. Alam kong tinext niya din si Chase pero mukhang wala naman talaga siyang balak sagutin si Kuya.
" Mukhang enjoy na enjoy kayo ha? Masaya ba bonding niyo? Nakalimutan niyo na kami ha." Sarkastikong sabi ni Kuya Luke. Nakakatawa na siya pa ang ganang may reklamo gayong siya nga itong atat na atat na masolo si Ate Reese.
" Sobra. Lalo na at walang istorbo. " makahulugan ang pagkakasabi nun ni Chase pagkatapos ay tumingin siya sa akin. He winked at me. Dahilan upang sapuin ko ang dibdib ko at masiguro kung nasa tamang lugar pa ba ang puso ko.
Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasiyahan sa ginawa niyang pag amin sa akin kanina. Masaya ako, actually masayang masaya pero kasi... hindi ko maiwasang mangamba. He's a Pangilinan. Bukod sa ayaw sa akin ng mga Pangilinan ay magkalayo na din ang mundo naming dalawa, hindi siya bagay sa akin.
Hindi na sila basta-basta yung gusgusing mga kapatid na kinalakihan ko. Anak sila ng isa sa mga kilalang Business Tycoon ng bansa, habang ako? Wala na ang tatay ko, hindi ko pa alam kung nasaang lupalop ng mundong ito ang nanay ko. Walang collision na dapat maganap sa nga mundo namin. Hindi na dapat kami nagkita pang muli. I can't believe na kinain ko na naman lahat ng mga sinabi. Naibaba ko na naman lahat ng inhibitions ko, lahat ng paniniwala ko, lahat yun kayang kaya niyang baguhin sa isang iglap.
Hindi ito dapat yun ang sinasabi sa akin ng utak ko ngayon, hindi dapat pero kasi yung pinaramdam niya sa akin kanina, it was as if that's the rightest thing to do.
" May boyfriend ka na ba Serene?" Napatigil ako sa pagsubo ng biglang maitanong iyon ng ngayon na katabi kong si Ate Reese.
Sabay na nagtaas ng tingin sa akin sina Kuya Luke at Chase. Alanganin akong ngumiti, kinagat ang pang ibabang labi at nagpalipat-lipat na tinignan kina Chase at Kuya Luke. Nakataas ang isang kilay ni kuya Luke samantalang si Chase ay nakakunot naman ang noo.
" Wala pa." Kasabay ng isang iling. Nakahinga ako ng maluwag ng magpatuloy na ulit silang kumain. Gaya ko ay parang parehas din silang nabunutan ng tinik. Tipid na ngiti ang binigay ko sa kanila at nagdasal na hindi na muling bumalik sa ganoong topic.
BINABASA MO ANG
Chasing Serenity
Fanfic" Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest "
