Bakit kung kelan hulog na hulog ka na saka ipaparamdam sa'yo ng tadhana na hindi pala kayo pwedeng dalawa?
Pangilinan siya. Noon ko lang naalala. Noong makita ko ang Daddy niyang pababa ng magarang sasakyan na tumigil sa harap namin. Bigla ko na lamang nabitiwan ang kamay niya.
Siguro ay masyado nakong naging masaya. Nadala ako ng emosyon. Hinintay ko pa talagang sampalin ako ng katotohanan
Bumilis ng tibok ng puso ko pero hindi na gaya ng sa kanina. Walang kalakip na tuwa.
Hanggang ngayon ganoon pa din ang pakiramdam ko kapag nakikita ko si Mr. Pangilinan. Natatakot ako. Natatakot na baka may kung anong mawala na naman sa akin.
Nakatayo na siya sa harapin namin. Hindi ko mapigilang pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Dalang dala niya ang sarili niya, ang ganda at ang tipuno ng tindig niya. Nakasuot siya ng three piece suit na hindi nababagay na makita sa ganitong lugar.
Sa totoo lang gusto kong tumakbo at magtago. Gusto kong lamunin ng lupa. Gusto kong mawala sa sitwasyon na ito ora mismo.
" Dad... what brought you here?" Sa tono ng pananalita ni Chase ay mukhang nagulat siya.
My last memory of Mr. Pangilinan was when I bid goodbye to Kuya Luke and Chase. Back then, Chase that time doesn't want to see me. Naalala ko pa kung paano ko habulin yung sasakyan at kung paano akong hindi man lamang nilingon noon ni Chase. Lumunok ako ng may naramdaman akong parang batong nakaharang sa lalamunan ko.
" Just checking on you, namiss lang kita Son. By the way sa akin ka na sumabay, ipapamaneho ko na lang ang sasakyan mo sa driver."
" You don't have to do this, dad." Pagproprotesta ni Chase na mukhang hindi nagustuhan ang ideya.
" No, I insists. Minsan ko lamang gawin ito para sa aking bunso." Umiling si Chase na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Mr. Pangilinan.
" Oh come on Chase. Nahihiya ka kasi you're with this beautiful young lady.." Nilipat ni Mr. Pangilinan ang tingin niya sa akin.
Ngumiti siya but not the kind of smile na makakapagpakalma sa akin. Lalo pa ata akong kinabahan at kinilabutan.
Ugh, Serenity! Ang isip mo lamang ang gumagawa ng takot. Kumalma ka.
" Dad, do you still remember Serene?" He tried to reach for my hand pero tinago ko yun sa likod ko.
" Of course, paano ko ba makakalimutan ang cute na batang umiiyak noon at humahabol sa inyo? Serenity right?"
" Opo." Sabi ko kasabay ng pagtaas-baba ng aking ulo. " Good Afternoon po Mr. Pangilinan."
No doubt he's handsome and looks really really young for his age.
" Good Afternoon Hija, how are you?" Sa kanya namana ni Chase ang kagwapuhan niya, well not that hindi maganda si Mommy. Magandang maganda siya, sadyang mas kamukha lamang ni Chase ang tatay niya at si Kuya Luke naman kay Mommy.
" O-okay lang naman po. Kayo po?"
" I'm good too, hija."
" Ah sige po, mauuna na po ako."
Wala siyang ginagawang masama sa akin pero nangingig pa din ako. Nagplay sa utak ko ang mantrang, 'hindi ako gusto ng mga Pangilinan'.
" Sabay ka na sa amin Serene." Hinatak ni Chase ang palapulsuhan ko. Natatakot ako na baka dumapo dun ang mga mata ni Mr. Pangilinan kaya agad ko iyong binawi.
BINABASA MO ANG
Chasing Serenity
Fanfiction" Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest "
