Ang sabaw lang ng update na ito. Hope you like it tho.
Naanticipate ko na ang mga typo kaya sorry.
Thank youuuu. Hehe. Comment po
***
After nung "duet" kuno namin, tinitigan niya na ako the whole time. Aware naman siguro siyang intimidating siya.Bakit ba ang hilig niyang magparamdam ng awkwardness sa iba? Pero kung hindi ba naman din ako gaga, bakit ba conscious na conscious ako? Hello, si Chase lang yan. Si Chase na mas iyakin pa sayo noon. Si Chase na uhugin at umihi sa salawal nung bata kayo. Anong kaso di ba?
Hindi ko mabilang kung ilang beses na akong nagkakamali. Mabuti na lang patapos na din yung session namin kung hindi nabatukan na talaga ako ni Rae.
Though I am not completely relieve, Saksakan kaya ng kulit ni Pangilinan. Hindi ko nga alam kung paano ako makakatakas gayong halos tunawin niya ako sa mga titig niya.
" Thank you for jamming with us tonight guys. Hope to see you next time. " Pagpapaalam ni Raebelle sa mga tao. Hindi namin pinansin yung mga nagngangantyaw at sumisigaw na tanggalin namin yung maskara namin. Usual scene na yan every after gig. Sanay na din kaming mapagusapan na baka kaya kami nagtatago ng mukha ay saksakan daw kami ng panget. Tsss. May mga tao lang talagang after sa itsura, hindi ba sapat yung music namin sa kanila.
After naming magbow, walang anu-ano akong bumaba ng stage at naglakad papunta ng waiting room namin.
Hindi na ako nagulat ng may malaking kamay na humablot sa braso ko.
Ito na yun.
Bahala na.
" Gotcha." Binawi ko ang braso ko pero masyadong maghigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
Bumuntong hininga muna ako bago ko siya hinarap.
" May kailangan po kayo, sir?" Kaswal kong tanong sa kanya. Nasa loob pa kami ng resto at customer pa din siya kaya hindi pa ako pwedeng magmaldita. Saka nagbabakasali akong baka hindi pa din niya ako nakilala nun. ( Tho ang imposibleng hindi. The way he looked at me a while ago, parang sinasabi niyang naisahan niya ako. Malay niyo naman kasi di ba?)
" Damn it, quit playing games Serene. I know its you. Do you think hindi kita makilala just because you wear that fcking mask? Kilalang kilala kita Serenity." Batid kong pagkainis at pagkairita niya sa akin. Ang tatas at ang lutong ng mura niya eh. Kahit pa ang lakas makacool nun pag lumalabas sa bibig niya kasalanan pa din yun no.
Saka, Aba! Hindi lang siya ang naiirita sa aming dalawa. Peaceful ang buhay ko noon, before siya bumalik ulit at guluhin ako. Kapag napalapit pa ako lalo sa kanya baka mas lalong maging magulo ang buhay ko. Takot ko lang sa mga fangirls niyang parang nakakain ng Flakka drug kung nagsikilos. Ang wawild! Parang nazozombiefy.
" Bitiw Chase! " pilit kong binabawi ang braso ko sa kanya.
" Bibitiw lang ako kung ipapangako mong hindi ka tatakbo. " Para siyang batang nakikipagbargain sa akin ng kung ano. He looks like a boy yet ang manly manly na ng features niya. Haha ang gulo di ba? Ako din eh. Naguguluhan na sa nararamdaman ko.
" okay, sige hindi na ako tatakbo. Let's talk pero hindi dito." Hindi pa ata pinapanganak ang taong makakatalo sa charms niya. Kaya na rin siguro tumatakbo ako kanina kasi sure akong mauuto niya ako gaya ngayon, at ayaw ko nitong nararamdaman ko. Ayoko!!!
" Good." Binitiwan niya na ako. Nagliwanag na ang madilim niyang aura at ngumiti sa akin. ( Oh! naloko na. Ginagamitan niya na naman ako ng pacute niyang ngiti. Utong uto na ko kuya oh! Utong-uto na!)
BINABASA MO ANG
Chasing Serenity
Fanfic" Love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest "