BEA POV
"Woah, that was one hell of an experience. Sxxt, pinagpawisan ang kili-kili ko at lahat ng singit na pwedeng pagpawisan. Dxxn."
Gusto kong sapakin sa pagka badtrip ang mga kasamahan ko na tuwang-tuwa sa pinagdaanan ko. Saklap, halos himatayin ako sa sobrang kaba at awkwardness.
"Walang hiyang Marlo Mortel na yan. Ang dami namang players dito, ako pa talaga ang nakitang pagtripan. Boosit. Anong trip niya sa buhay?"
Until now, my heart bits so fast and erratically. Sobrang nailang talaga ako, kaya tuloy kung anu-ano na lang pinag-gagawa ko habang kumakanta siya.
I don't know, pero bigla talaga ako na awkward. Tapos hinawakan pa niya ang kamay ko at ayaw pa niya pakawalan. Gusto ko na nga siya sipain at sakalin eh.
Feeling ko nga sobrang lamig na nang kamay ko sa kaba nung naglakad na kami papunta sa gitna ng court. Worst is, dalawa lang kami, akala ko magsasama pa siya nang iba.
Habang naglalakad kami na hawak niya ang kamay ko ay nagwala na ang mga audience. Naghihiyawan silang lahat at emjoy sa ka miserablihan ko, kasama rin nang mga napaka supportive na kaibigan kong players.
Then, sumenyas siya to play the song. Intro pa lang may ideya na ako kung ano ang kakantahin niya. Kaya napalingon ako sa kanya nang banggitin niya yung song na kakantahin at ang singer nito.
Bakit hindi ako mapapalingon sa kanya, eh kakantahin lang naman niya ang favorite song ko.
Yes, fave song ko ang 'One call Away' ni kinanta ng isa ko pang boyfriend na si Charlie Puth. Walang kokontra, boyfriend ko yun magkamatayan na.
"And that was the most awkward moment of my life. And dxxn you Marlo for causing it. Kung nagkataon lang na close tayo, sasapakin talaga kita kapag tayo lang."
Akala ko tatapusin niya yung buong kanta na kasama ako. Buti na lang, binitiwan na niya ang kamay ko at bumalik na sa gitna.
"Pero yung puso ko, ayaw tumigil sa pagkalabog. Kinabahan talaga ako."
Kaya pinagdiskitahan ko na lang amg mga kasama ko, inambahan ko sila na sasapakin ko lalo na si Isa Molde. Siya kasi ang lakas maka asar eh at tuwang tuwa pa.
Nang matapos na ang buong kanta, nagpalakpakan na ang lahat. Pero hindi ako pumalakpak.
"Bakit ako papalakpak, eh napasubo ako nang wala sa oras dahil sa kanya."
After ni Marlo na magpasalamat, naglakad ito nang nakangiti, labas ngipin, at papunta sa direksiyon namin. Well to be exact sa direksiyon ko talaga papunta.
Kaya alam ko na sa akin siya pupunta. Bago pa siya makalapit sa akin, itinaas ko na yung kanang kamay ko para umapir sa kanya. (apirzoned si kyahhh)
Yun nga lang, dedma niya yung apir ko. Kasi inilapit niya yung mukha niya at nakipagbeso sa akin. Kahit ayoko wala na ako magawa.
Nakakahiya naman kong iiwas ako at iirapan siya. Kaya ayun, yung apir ko naging beso. Nagkadikit ang cheek naming dalawa.
And of course, the audience goes wild at nagtititili na sila. Akala mo mga kinakatay sila. Pagtingin ko sa mga kasama ko, they were all happy at my expense.
Pero infairness, ang bango niya. Napaka manly yung amoy at hindi matapang or masakit sa ilong. Actually, gusto ko yung pabango niya.
YOU ARE READING
STOP N SHOP
FanfictionCompilation ng mga out of the blue ideas ni author... Featuring iba't-ibang ships with JIBEA as part ng bawat kwento... The author may featured different ships in the story but still 'Jibea' is irreplaceable...