ALWAYS YOU - FINALE (JiBea)

782 13 5
                                    

BEA POV

Kagagaling ko lang sa pagjogging na madalas kung ginagawa. Bago bumalik sa tinutuluyan ay dumaan muna ako sa bilihan ng bread para sa almusal.

My life has been like this for more than a week after kong umalis at lumayo na ng Pilipinas. Nang mahuli namin ni Ian ang TRIAD, hindi na ako tumuloy sa isla.

Hinayaan ko nang si Ian na lamang ang bumalik at pumunta sa kanila sa isla para magpaliwanag ng lahat. Mas makabubuti na aalis ako at hindi na siya makita dahil baka lalong akong hindi makaalis.

Malinaw na sa akin ang naging pag-uusap namin. Malinaw na sa akin ang naging desisyon niya. Kahit masakit mang tanggapin, nirerespeto ko ang desisyon niyang talikuran na lang ang nakaraan naming dalawa.

For a week ay hindi ko na alam saan pa patungo ang direksiyon ng buhay ko. For 10 years, siya ang naging inspirasyon ko para mabuhay.

But now that she is no longer part of my life and will no longer be, I don't know anymore kung saan ang tatahaking direksiyon.

Nang matapos namin ni Ian ang misyon, nagpaalam ako sa pinakaboss namin na hindi na ako magtatrabaho as an agent. I resigned.

Gusto kong mamuhay na lamang na ordinaryong mamamayan. Para kasing wala nang saysay ang mga bagay na ginagawa ko. 

Pinayagan naman ako ng boss ko na magleave, pero ang kagustuhan na tuluyang kalimutan ang pagiging agent, isinantabi niya muna ito.

Hindi pa naman niya tuluyang isinara ang pinto sa pagiging agent ko. Baka daw kasi isang araw ay magising ako, gustuhin ko na naman ulit na sumabak sa misyon. At bukas daw ang organisasyon na tanggapin ako ulit kung ako ay magbabalik.

Pero sa ngayon, gusto kong ganito na muna. Tahimik, walang commitment at normal na buhay. Kaya heto, mag-isa ako sa apartment.

Sa umpisa medyo malungkot ang isang araw na wala akong magawa. Kaya inabala ko ang sarili sa mga daily routines at exercises.

For a week, para akong mawawalan ng bait dahil sa walang magawa at madalas sumasagi sa isip ko si Jia pero kalaunan ay nasanay na rin ako after few weeks.

Nang makapasok na sa apartment, inilatag ko ang dalang bread sa mesa para makapagpakulo na ng tubig. Magkakape lang kasi ako sa umaga with bread.

Tinatamad kasi ako magluto today. After, isalang ang pinapainit na tubig, pumunta ako sa ref para kumuha ng water.

Pero nagulat ako nang mapansin na may ibang nakalagay dito. Sure ako kagabi na walang laman ang ref dahil hindi pa ako nag grocery. Kahit maraming nainom, sure ako na walang laman ito kagabi.

Isinara ko agad ang ref at iginala ang mga mata sa loob ng apartment, pinakikiramdaman ko kung may ingay na maririnig.

Umandar ang instinct ko bilang isang agent. Kaya alerto ako sa pwedeng mangyayari. Dahan dahan akong lumabas ng kitchen patungo sa sala.

Mula sa sala ay may narinig akong kaluskos na nagmumula sa kwarto ko sa taas. Kaya dumaan ako sa cabinet para kuhanin ang baril doon.

Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan patungo sa room. Alerto ako at maingat sa bawat hakbang habang hawak ang aking baril.

Nang makarating sa taas, tama nga ang hinala ko, may tao nga sa room. Pinakiramdaman ko muna ang paligid dahil baka may ibang tao rin maliban sa nasa loob ng room.

Hanggang sa bigla nagbukas ang pinto ng kwarto. Kaya itinutok ko agad ang baril dito just in case na may lumabas. Pero napatulala ako nang makita at mapagsino ang taong lumabas.

Of all people, si Jia ang nasa harapan ko. Naistatwa ako sa kinatatatyuan dahil sa gulat.

JIA: "Pagkatapos mo akong takasan sa isla, yang baril talaga ang isasalubong mo sa akin?"

STOP N SHOPWhere stories live. Discover now