ALWAYS YOU -4- (JiBea)

620 20 1
                                    

JIA POV

Umaga pa lang, ang sama na ng dala ng araw. Kapag andito talaga si Bea puro kapalpakan lang ang nangyayari at kaguluhan.

Nakuyom ko ang kamao ko while seeing her and Thirdy together. Hawak pa siya ni Thirdy sa kamay at nagkatitigan sa isat-isa. Worst is Billie saw everything.

Kaya talagang nagalit ito ng husto kay Thirdy. At balak pa niyang sugurin si Bea. Galit din ang mga kasamahan namin sa nasaksihan.

Lalo na si ate Ly. Kung kahapon ay mabait ang loob niya kay Bea at parang napatawad na niya ito ay mukhang ngayon pinagsisihan niya na pinasama pa ito sa isla. She was disappointed and mad.

Kung kaya naman ay pinatawag niya agad si mang Ramon para ipaready ang bangka para paalisin na agad si Bea. Wala nagawa si Bea kundi ang maglakad pabalik sa villa niya.

Seeing her walking away does not lessen the anger I feel for her. Galit dahil sa ginawa niya na kasama si Thirdy. Galit dahil walang naidudulot na maganda ang kanyang presensiya.

Pag-alis niya, lahat kami ay naglakad papunta sa cottage and trying to comfort Billie. Hindi pa rin natapos ang pag-iyak niya. Si Thirdy naman naiwan na nakatayo sa kung saan sila magkasama ni Bea kanina.

I don't have any idea what he feels right now but apart of me felt bad because he allows things to happened this way.

Hindi ko rin alam kung anong trip ni Bea. I don't even have any idea what is going on in her mind. Wala akong maisip na dahilan para gawin niya ang kaguluhang ito.

Isa nung nakaraang araw lang ay ninakawan niya ako ng halik pero ngayon nilandi naman niya si Thirdy. Hindi na siya nahiya, dito pa talaga niya ginawa in a broad daylight.

Wala na talaga siyang pakialam sa iba. Sarili lang niya ang iniisip niya.

BILLIE: "Walang hiya siya. Malamang she seduced Thirdy kaya ganun. Yung isa naman sinamantala. Napakalandi niya."

Angil niya in between sobs. Ramdam ko ang bigat at galit.

LY: "It was all my fault. Hindi ko na siya dapat pa pinapunta dito. It was a mistake."

Malungkot na wika niya.

MAE: "Hindi mo kasalanan yun. Masama lang talaga siya. Kailangan nating mag-ingat ngayon hanggat nandito siya hindi natin alam ang pwede niyang gawin."

DEN: "Yeah. Baka mamaya ay may iba pa siyang plano o pakay against us."

MICH: "Mukhang ganun nga. Kasi looking at her reaction kanina halos walang remorse dun sa ginawa niya. Baka nga ngayon nagcecelebrate pa siya sa ginawa niya."

JHO: "Anong gagawin natin ngayon?"

Bago pa may makasagot sa tanong ni Jho ay dumating si Thirdy. His face is full of regrets.

BILLIE: "What are you doing here? Umalis ka na. Kung gusto mo sumama ka na rin sa malanding Bea na yun. Magsama kayong dalawa."

Hindi pa rin nawala ang galit niya kay  Thirdy. Kaya naman sinigawan niya ito at the top of her voice.

THIRDY: "I know I was wrong and I k iw ylu were hurt. But please listen to me first. Let me explain."

Pagsusumamo ni Thirdy sa kanya. Pinahid niya ang mga luha niya at tumayo. Kita mo sa mata niya ang gigil.

BILLIE: "Ano pa ang kailangan kong marinig? I have seen it all."

Bulyaw niya sa kaharap na tahimik na nakatingin sa kanya. Hindi malaman kung ano ang sasabihin. Kami naman ay nanatili ring tahimik at ibinigay sa kanila ang moment.

STOP N SHOPWhere stories live. Discover now