I'VE GOT YOU 5 (JiBea)

436 7 0
                                    

BEA POV

I am not pretty sure if I am doing the right thing now. Nandito ako sa labas ng room 1214 at may dalang bouquet of flowers habang nakatayo mag-isa.

Nagmumukha na nga akong tanga sa paningin ng lahat nang dumadaan at mga nakakakita sa akin. Pero hindi ko na lang sila inintindi or pinansin.

As I was waiting for the bell to ring, I just felt so uncomfortable as of the moment. Una kasi, first time kong magbigay ng bulaklak sa isang tao aside from my family.

Pangalawa, first time kong tumayo rito sa may pintuan at maghintay ng ganito para lang mag apologize sa isang tao. Hanep, kapag nakita ako ng mga friends ko ay pagkakatuwaan nila ako ng husto.

Pangatlo, hindi ako sanay na mag apologize at isa mo pa ang mag effort ng ganito. It just not like me. It is not my thing to apologize sa mga nakakadate ko. And today is an exemption.

Pinagpapawisan na ako ng malala habang naghihintay. Maliban kasi na sobrang uncomfortable ako sa sitwasyon ay hindi ko rin alam kung paano ba siya magrereact kapag nakita niya ako.

But I am expecting na magagalit pa rin siya. And to what extent? Yun ang hindi ko alam. Pero regardless, andito na to kaya walang atrasan.

Sumandal muna ako sa pader habang nakatayo at hawak ang bulaklak habang naghihintay and in few minutes ay alam kong malapit nang matapos ang klase niya.

Hindi rin naman ako binigo at pinahirapan ng langit sa paghihintay dahil tumunog na ang inaabangan ko. In awhile isa-isa nang lumabas ang mga tao sa room.

Lahat sila ay pare-pareho ng facial expression ng makita ako na nag aabang sa labas. Nagulat sila pero may ngiti kang masisilayan sa huli. Hinayaan ko na lang sila.

Kalaunan, nang makalabas na ang lahat, wala pa rin yung taong kanina ko pa inaabangan. Kung kaya ay napilitan na akong pumasok sa loob. Yun pala kausap niya ang professor.

PROF: "De Leon?!"

Gulat na wika niya ng makita ako. Dapat kasi kasama ako sa klase ngayon, pero hindi ako pumasok sa subject niya dahil nga sa naiplano ko for this moment.

BEA: "Good morning sir."

Maikling bati ko sa kanya at pilit na nginitian. Then, pagkakita sa akin ng taong sadya ko, sumimangot agad ang mukha niya. Biglang nangasim at inirapan ako.

Galit pa rin siya hanggang ngayon. Well, nauunawaan ko naman ang galit niya kasi may mali naman talaga akong nagawa.

BEA: "Wait."

Pagharang ko sa dadaanan niya para pigilan siya kaya napatigil ito. Then, she looks at me with full of anger. And feeling ko any moment ay lalapat na naman ang kamay niya sa pisngi ko.

Hanggang ngayon ay nagmarka pa rin sa akin ang ginawang pagsampal niya. Isang markang hindi ko na ata makakalimutan pa.

JIA: "Leave me alone De Leon. Dahil kung hindi irereport kita sa admin para magtanda ka."

Ramdam ko pati sa boses niya ang galit. Nakakatakot ang aura niya.

BEA: "I came here to apologize."

Medyo nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya pero saglit lang yun. Napalitan din ito ng pagkunot ng noo niya at pagtalim ng tingin.

Grabe kung nakakamatay ang tingin niya, baka nasa hospital na ako at critical.

JIA: "Anong pakulo na naman ito?"

Sarcastic niyang tanong at halatang hindi siya naniniwala na humihingi ako ng pasensiya.

STOP N SHOPWhere stories live. Discover now