ALWAYS YOU -3- (JiBea)

603 18 1
                                    

I am here on my room and ginagamot ang kamao na nasugatan. Well, sana lahat ng sugat kayang gamutin ang sakit at takpan ang dulot nito.

Nagkasugat ako dahil napalakas ang pagsapak ko dun sa isang lalaki na humawak kay Jia. Sinuntok ko siya ng todo kaya ayun nagkagasgas ang kamay ko.

I was on the upper part of the venue watching the people in the party. Lahat nagsasaya at naghihiyawan dahil sa tugtog.

And my eyes were locked to Jia. I watches her habang unti-unting inuubos ang laman ng hawak niyang bote. Hindi niya namamalayan naka tatlong bote na siya.

Napahawak siya sa sentido niya, it means may tama na sa kanya ang iniinom. Kapag nagpatuloy pa siya, malalasing na siya ng tuluyan. Iba pa naman malasing si Jia.

Thinking about her getting drunk brought me back to the first time na nakita ko siyang lasing.

Flashback...

Nasa condo ako at kararating ko lang galing sa bahay ng parents ko. Bigla tumunog ang phone ko and when I pick it up, it was ate Ly calling.

BEA: "Hello ate Ly."

LY: "Bei. You need to come here."

BEA: "Saan? At anong meron?"

LY: "Si Jia, lasing na. Kaya sunduin mo na rito."

BEA: "What?!"

Gulat na wika ko. Bakit naman siya naglasing?

LY: "Basta pumunta ka na lang dito. Hirap magpaliwanag."

Kaya dali dali akong lumabas ng unit at pinuntahan yung address na binigay ni ate Ly. After 20 minutes na byahe, agad akong pumasok sa loob ng bar.

"Pambihira naman. Anong ginagawa ni Jia sa ganitong bar? Sini naman nagpasimuno nito?" (wika ng isip ko habang pumapasok sa lugar)

Pagpasok sa loob agad akong kinawayan nina ate Ly. Gaya nga ng sabi niya kanina, lasing nga si Jia. Nakayukyok na ang ulo sa table.

Agad ako lumapit sa kanila.

ELLA: "Pambihira naman Bea. Tingnan mo nga yan, knock out agad. Dalawang bote pa lang nainom."

Maktol ni ate Ella habang tinuturo si Jia.

BEA: "Sino ba naman kasing nagsabi sa inyo na isama siya sa inuman? Alam niyo namang hindi yan marunong magwalwal."

ELLA: "Kainis ah. Hindi tuloy kami makainom ng todo. Nalasing agad eh."

Lumapit ako sa pwesto ni Jia at tinulungan siyang iangat ang mukha mula sa table. Naramdaman ata ang ginawa ko kaya napamulat siya ng mata.

Bigla niya iniangat ang dalawang kamay at pinisil ang pisngi ko at ngumisi siya.

JIA:"Andito pala ang crushhhhh ko."

Nangingiti niyang wika at medyo nagulat ako dun. Pero yung mga kasama ko bigla natawa.

MICH: "Lasing na nga. Hahaha."

JIA: "Ang gandang gwapo talaga ng crushhhh ko. Pakishhhh nga ako. Isha lang."

Buhol buhol nang wika niya at ayaw bitawan ang pisngi ko. Namumula na ako sa mga pinagsasabi niya.

BEA: "Jusko naman Jia yung pisngi ko mapupunit sa lakas ng pagkakapisil mo."

JIA: "Wala ka magagawa, crushhhh kashhhi kita."

Patuloy lang siya sa mga sinasabi niya.

JIA: "Hey guyshhhh, shee her. crushhh ko yan. Ang gandang gwapo di ba?"

STOP N SHOPWhere stories live. Discover now