ALWAYS YOU 10 (JiBea)

551 12 2
                                    

BEA POV

I was on my bed, looking at the ceiling, thinking that the woman I love and care about was just at the other side of the room.

I was thinking what to do with the situation and all the circumstances. Ang dami kailangan na ikonsider sa mga nangyayari.

Una na diyan ang kaligtasan niya, ang mga taong humahabol sa kanya, and sitwasyon ko sa trabaho ko bilang agent at isa pa ay kung paano ko siya patutunguhan o pakikisamahan na hindi siya magagalit.

Masyadong malalim ang galit niya sa akin. And that makes it hard for me to communicate with her. Kaya nga kanina, nagyaya lang ako kumain for dinner nauwi na kami sa away.

Flashback...

BEA: "Luto na ang pagkain. Baka gusto mo na kumain."

Mahinahon kung wika sa kanya ng pagbuksan niya ako ng pinto.

JIA: "Busog ako."

Matipid niyang wika na wala man lang kagana gana.

BEA: "Kung ayaw mo kumain dahil andun ako, don't worry hindi kita sasabayan."

I just felt na ayaw niya lang kasi andun ako.

JIA: "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Di ba nga sabi ko busog ako."

Tumaas na ang boses niya. Iritado na naman siya.

BEA: "Narinig kita hindi mo kailangan sumigaw."

JIA: "Narinig mo naman pala eh. Anong problema natin?"

Sarcastic niyang sagot at nakataas pa ang isang kilay.

BEA: "Wala namang problema, hindi mo kailangan magalit. Hindi naman ako nakikipag-away."

Wika ko sa mahinahon pa ring tono.

JIA: "Eh di umalis ka na."

Pagtataboy niya at gusto ko na siyang patulan sa pagmamaldita niya. But still, I am trying to be patient here as possible as I could.

BEA: "Bakit ka ba nagagalit?"

JIA: "Naalibadbaran ako sayo. Okay, tapos na?!"

Patuloy na pagtataray niya at sobrang sarcastic lang niya. Kung ibang tao lang to, naturuan ko na to ng leksiyon kanina pa.

BEA: "Alam kong galit ka sa akin, kaya nga bumabawi ako. Pero bakit ka ganyan?!"

Mahina pa rin ang timbre ng boses ko.

JIA: "What do you expect me to do? Na maging sweet ako sayo after everything?!"

BEA: "Maybe being nice is enough."

JIA: "Wow. So ikaw pa ngayon ang may ganang magdemand kung paano kita patutunguhan?!"

BEA: "I am not demanding anything, I was just trying to make things better between us."

Medyo tumaas na ang boses ko. Ang hirap niya kasi kausap.

JIA: "After 10 years, ngayon mo naisip yan, to make things better between us?!"

BEA: "Hindi ko naman hinihingi na maging maayos tayo gaya ng dati, ang gusto ko lang naman ay ang mag-usap tayo ng maayos at hindi ganito."

May diin na sa mga bawat salita ko. Naiirita na ako sa kanya.

JIA: "Anong karapatan mo manghingi or magdemand pagkatapos mong mang-iwan?!"

Napatameme ako sa sinabi niya. Wala naman talaga ako karapatan after all. Biglang nabalot ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

STOP N SHOPWhere stories live. Discover now