Chapter 2 : Fight (EBW)

263 16 21
                                    

>Someone's POV<

"Saan na ba yun? May balak pa ba yung pumunta?" inip na tanong ni Brian

"Tingin mo? Baka naman tumatakas pa yun sa kanila." Pabirong sabi ni Zeke

"Huh? Eh diba nasa ibang bansa parents niya? Bakit pa sya tatakas?" Takang tanong ni Brian

"Malay mo meron siyang kapatid na ayaw sya paalisin." - sagot naman ni Zeke

"Ahh. Pero wala namang nakukwento yun na may kapatid sya." - sabi ulit ni Brian . Tsk. Maingay na silang dalawa =_=

"Alam mo bro, delikado ang ginagawa natin sa EBW. Malay mo may galit sa kanya sa EBW at ipahunting yung kapatid nya, gusto nya lang sigurong protektahan yun kung sakaling meron nga syang kapatid." Mahabang paliwanag ni Zeke kay Brian

"Kayong dalawa, wag nga kayong maingay jan." Seryosong sabi ko.

"Just don't mind them, minsan lang yan mag-usap ng matino at may sense." Sabi naman ni Brace

Sabagay, may point sya. Lagi kasing nagbabangayan yung dalawang yun.

Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Yuan

"Buti naman at naisipan mo pang pumunta?" Salubong na tanong ni Zeke kay Yuan

"Tsk." - Yuan

"Tara na!" Sabi ko at sumakay na sa big bike ko. Ganun din naman ang ginawa nila.

Ten minutes lang ang naging biyahe namin. Sa bilis ba naman naming magpatakbo.

"Magsisimula na ba?" Tanong ko kay Ryan, kasamahan din namin.

"Five minutes nalang." Maikling sagot nya. Sakto lang rin pala ang dating namin. Makakapaghanda pa kami.

At habang naghihintay, magpapakilala muna kami sa inyo. Pero syempre joke lang yun, makikilala nyo rin kami sa tamang panahon. At siguro nagtataka kayo kung saan kami at anong gagawin namin, we are a gangsters and we're here at Extreme Battle World cause we will have a fight tonight.

"Tara na! Magsisimula na." - sigaw ni Brian

Pumasok na kami sa loob ng Arena. Lahat ng tao sa loob ay nakasuot ng maskara para walang makakilala sa bawat isa. Para rin maprotektahan ang personal na buhay namin sa labas ng EBW. Pati nga mga kagrupo ko hindi ko kilala, liban nalang sila Zeke, Brian at Brace dahil mga best friends ko sila.

Pumunta na kami sa pwesto namin at naghintay ng turn ng grupo. Unang naglaban ay ang Goblin rank 5 at Blink rank 4.

(A/N: yung mga groups and names po karamihan nakuha ko sa k-pop or k-drama, Pero rumble-rumble sya. Share ko lang, baka magtaka kayo ^___^)

Umingay sa buong arena nung nakaakyat na sa Battle ring ang dalawang grupo.
Simple lang naman ang basehan kung sino ang mananalo sa laban. Kung anong grupo ang unang maubos o bumagsak ay syang matatalo.

Nagpaputok ng baril ang isa sa mga officials ng EBW na nagsisilbing hudyat na magsisimula na ang laban. Hindi naman talaga baril ang ginagamit, it really looks like a gun but it doesn't have a bullet inside it. It just produces sound.

Nagsimula na silang maglaban. Unang sumugod ang myembro ng mga Goblin , mabilis namang naiiwasan nang kabilang grupo ang kanilang mga atake.

Ang Goblin ay binubuo ng pitong lalaki , samantalang ang Blink ay apat na babae lamang.

Kung tutuusin ay lamang ang Goblin sa Blink, pero hindi nga talaga dapat minamaliit ang mga babae.

Blink is the strongest and highest rank in girl groups.

That Nerd is a Fairy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon