Chapter 10 : Friends

133 7 1
                                    

>Dasuri's POV<

Dito na kami sa canteen at tahimik na kumain. Hindi muna kami kumain sa color house dahil kasama namin yung mga  bago naming kaklase.

"Nga pala." Basag ko sa katahimikan. Nakuha ko naman ang atensyon nila. "Hindi ko pa napapakilala sa inyo itong mga kaibigan ko." Sabi ko sa tatlong sunod sunod na nakaupo sa may bandang kaliwa ko. "Sila sina Blue, Red at Green." pagpapakilala ko habang tinuturo kung sino sa kanila si Blue,Red o Green.

Bumati naman ng Hi at Hello sina Blue at Red, except kay Green na tinanguan lang yung tatlo.

"Ahm, who among you two is Ezrem, and who is Ezerem! Nakakalito kasi,  masyado kayong  magkamukha. Hehe!" Habang tinatanong yan ni Red ay kumunot nanaman ang noo ng tatlo,kahit na ang kambal lang naman ang kinakausap ni Red. Nawala na din naman yung kunot nilang noo pagkatapos sabihin ni Red yung part na nakakalito daw yung dalawa.

Akala ko ay sasagutin nung dalawa yung taong ni Red, pero tumawa lang Sila. Huh? Baliw lang?

Napanganga sina Red sa pagtawa nung dalawa, mukhang nadismaya na hindi pinansin ang tanong ni Red. Kaya ako nalang ang sumagot. "Ito se Ezrem" itinuro ko si Ezrem na katabi ko lang sa kaliwang side ko. "At sya naman si Ezerem " sabay turo ko naman kay Ezerem na nasa kaliwang side din ng kambal nyang si Ezrem.

"Wow ha. Pano mo naaidentify kung sino ang isa at kung sino ang isa ng ganun ganun lang? Hindi ka ba nalilito?" Manghang tanong ni Red.

"May palatandaan kasi ako." Sagot ko. Nung una ko silang nakilala, nalito talaga ako kasi nga sobrang mgkamukha sila. Pero may napansin akong meron kay Ezrem na wala kay Ezerem, kaya yun na yung ginawa kong palatandaan.

"Ano namang palatandaan mo?" kunot noong tanong ni Blue. "Mole." Simpleng sagot ko. Bakas ang pagka slow--- I mean, pagtataka sa kunot na noo ng dalawa. Habang si Green ay busy sa pagkain habang nakapasak sa tainga ang earphones nya.

"Tignan nyo, ito si Ezrem." Turo ko kay Ezrem.  "Alam namin!" Sabay nilang sabi. Tinignan ko naman sila ng masama kaya ngumiti Sila at nag peace sign.  Tsk. Mga pilosopo. " Mayroon syang nunal sa sintido nya, samantalang si Ezerem ay wala. " sabi ko sa kanila.

"Oo nga no."

"Wow naman bes,  napansin mo pa yun?" Sabi nila. Inirapan ko nalang sila.

Nagpatuloy na kami sa pagkain, at ilang saglit pa at bumalik na kami sa room.

***+***+***+***

"Sabay na kayo sa amin!" Aya ni Blue sa tatlo na tinanggihan naman ng mga ito.

Nagliligpit na kami ng gamit namin dahil uwian na.

"Sige na, sumabay na kayo. Tutal friends na rin naman tayong pito. Diba?" Pagpupumilit ni Blue at tumingin sa amin tinanguan naman namin ng may kasamang ngiti.

"Friends?" Tanong ni Charantia.

"Oo naman. Kaibigan na namin kayo." Masiglang sabi ni Blue. Alanganin namang ngumiti ang tatlo.

"Lets go." Saad ni Red ng matapos kaming mag ayos ng gamit.

"Yes, mang Pedring. Hintayin nalang po namin kayo." Dinig kong sabi ni Green sa kausap nya sa telepono. "Hintayin nalang natin si mang Pedring sa gate. Yung van na yung pinadala ko para mag kasya tayo." Sabi ni Green.

"Dasuri, nasabi na rin namin sa mga kuya mo na isasabay ka nalang namin pauwi." Tumango lang naman ako sa sinabi ni Blue at nagpatuloy sa paglalakad.

That Nerd is a Fairy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon