Chapter 12 : Draw

129 6 0
                                    

>Dasuri's POV<

"Klein!" Tawag ko nang makita ko syang pumasok dito sa canteen.

Kasabay na rin namin sya palagi pag recess at lunch break. Friend na kasi namin sya, sumula nung tinulungan nya ako nung time na pinagtutulungan ako nila Venice dalawang linggo na ang nakalipas.

Oo, dalawang linggo na ang nakalipas at awa nang Diyos simula nun ay wala pa naman ulit nangyaring ganun.

"Aeyo ladies and gentlemen~ Paupo naman kami~ "

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang dumating ang mga ungas habang pakantang sinasabi yan gamit ang tono nang kanta ng BTS na Dope.

Hindi pa kami pumapayag pero umupo na sila agad. "Hoy! Pumayag na ba kami?" Mataray na sabi ni Blue. "Hindi pa, pero hindi rin naman kayo humindi." Nakangiting sagot nang lalaking katapat ni Blue. "Natural, umupo na kayo agad." Inirapan nya nang napakalupet ang kausap.

Siguro nagtataka kayo kung sinong mga unggoy ang nakikiupo at nanggugulo dito sa amin ngayon. Well, ang mga barkada lang naman ni Yohan.

Hinayaan nalang namin silang umupo dahil mukhang hindi naman na namin sila mapapaalis. Pansin kong hindi nila kasama si Yohan, bakit kaya?

"Bakit kasi dito pa kayo umupo? Kainis naman eh!" Iritang reklamo ni Red. "Wala na kasi kaming maupuan." Kibit-balikat na sagot ni Ezekiel.

"Anong wala? Eh ang dami-daming bakante oh!" Sabi naman ni Blue habang inililibot ang paningin sa loob nang canteen. "Hindi nyo ba sila nakikita?" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Ezekiel sa nananakot na tono.

"A-anong ibig mong s-sabihin? A-anong hindi namin nakikita?" Kinakabahan kong tanong. Don't tell me may multo dito? May third eye ba sya? Huhuhu I'm so scared pa naman sa mga ghost.

Napatingin naman sila sa akin. "Wag mong sabihing na---" "Hindi mo sila nakikita?" Hindi na naituloy ni Blue ang sasabihin nya nang putulin yon ni Ezekiel. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya, nanigas ako sa kinauupuan ko at pakiramdam ko ay naubusan ako nang dugo sa buong katawan.

"Pffftt! Anyare sayo? Ba't namumutla ka?" Nawala ang kaba ko nang ang serosyong mukha kanina ni Ezekiel ay naglaho at tatawa tawang sinabi yan. Pati yung iba pa naming kasama Ay nakitawa din.

Don't tell me?... "Binibiro ko lang kayo. Hahaha!" Sa inis ko ay buong lakas ko syang binatukan. Tinignan ko naman nang masama ang mga kaibigan ko na tumatawa maliban nalang kay Green na busy sa pag kain.

Tumahimik naman sila pero halata ang pagpipigil nila nang tawa. Ngunit ang nakakainis si Ezekiel na nabatukan na't lahat lahat, nagagawa paring tumawa.

"Pag di ka tumigil papatayin kita." Seryoso at may diin kong banta sa kanya habang matalim syang tinitignan. Pero ang hinayupak ay patuloy parin sa pagtawa.

"Bakit? Nakapatay ka na ba?" Ngising ngisi nyang tanong. Nginisian ko din sya pabalik. "Hindi pa. Pero baka ikaw ata ang maswerte at kauna-unahang mapapatay nang dyosang katulad ko." Mahangin kong saad sabay flip nang aking napakaganda at napakabangong buhok.

"Dream on! Hanggat libre pa, baka kasi mamulubi ka kapag may bayad na." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang walang'yang tukmol kaya naman tinapunan ko sya nang matatalim na tingin?

"What? Totoo naman ah, sa pangit mong yan, kelan ka pa naging dyosa ? Sa panaghinip?" Painosente nitong tanong sabay ngisi.

Syempre magpapatalo ba ako? Malamang hindi. Kaya nang makita ko yung hawak nyang balat nang saging ay napatingin ako sa plato ko na mayroong isang pirasong saging. At dahil matalino ako, nakaisip agad ako nang igaganti.

"Kaya ka ba nandito dahil ubos na ang paborito mong saging? At naamoy mong meron akong saging dito kaya nagpapapansin ka para hingiin to sakin?" Kinuha ko yung saging sa plato ko at winasiwas sa tapat nang mukha nya. "Moy-moy, di mo na kailangang magpapansin para manghingi nang paborito mong saging. Binili ko talaga to para sayo." Sabi ko at pilit na inilagay sa kanyang kamay yung saging. Hahaha kala mo ha.

>Red's POV<

Tahimik kaming nakikinig at nagpipigil nang tawa sa dalawang nagbabatuhan nang banat. Magaling yang mang asar at mang inis si Dasuri, tulad nalang nung nag-away sila ni Venice. Napanood ko kasi yung video nun eh, may hunghang kasing nag post nun sa fb. Haha

"Ano?" Mahinahon ngunit may diin nitong sabi. Hindi man nya pinapahalata, malapit na syang mainis kay Dasuri. Napangiti ako sa kaisipang ang tahimik, seryoso at masungit na Yohan Dy ay mapipikon nang isang Dasuri Byun.

"Sorry, bawal ulitin sa bingi." Sabi ni Dasuri wearing her evil grin.

"Manahimik ka, baka makasapak ako nang bata!" Sabi ni Yohan.

Wala kaming kakurap-kurap habang nanonood sa dalawa. Sina Ezekiel at Alrich ay parehas nakapangalumbaba habang enjoy na enjoy sa nakikita. Sina Charantia, Ezrem at Ezerem naman ay parang nagulat or namamangha sa nakikita. At kami naman nila Blue, Green, Joaquin at Klein, ay seryoso lang na nanonood sa dalawa.

"Hindi ako bata!" Inis na angal ni Dasuri. Ang ganda nang labanan ah, wala talagang nagpapatalo.

Sumilay ang isang ngisi sa labi ni Yohan. "Bakit? Ilang taon ka na ba?"

"15" nakasimangot na sagot ni Dasuri. "Ay, fifteen na ba? Akala ko ten ka palang, yung height mo kasi pang grade five." Pang-aasar ni Yohan na sinundan nya nang malakas na tawa. Wala syang pakialam kahit na kanina pa sya pinagtitinginan, or should I say, sila.

Dasuri throw death glare on him, and he also did the same thing on her. Nagsusukatan sila nang tingin nung magsalita si Ezekiel.

"Kay Dasuri ako pupusta. Oh, pusta-pusta. Kanino kayo? Dali nang magkapera naman ako."

"Kay Bossing ako." Pusta naman ni Alrich. Kaya ayun, nakatanggap silang dalawa nang napakalupet na batok mula sa dalawang leon--- este mula kina Dasuri at Yohan.

Dasuri pa naman sana ako pupusta, buti nalang at di ako nagsalita. Kung nakipagpustahan din ako sa dalawa baka nasapok din ako, mala halk pa naman kamay nung babaeng yun.

"Kriiiiiiiiiiing!"

Tumunog ang bell hudyat na tapos na ang reces. Feeling ko napakatagal nang recess namin ngayon dahil sa asarang naganap kanina.

Nauna nang umalis sina Yohan at Dasuri. Ilang segundo pa kaming nakatunganga at nanatili sa upuan nang magsalita si Alrich.

"Round One, Draw." What the--- may saltik ba to? Hindi nalang namin pinansin ang sinabi nya.

Naunang tumayo sina Green at Joaquin kaya tumayo na rin kaming lahat upang maglakad at pumasok sa susunod naming klase. Alangan naman gumapang kami diba. Tsk.

>Yohan's POV<

Papasok na kami nang harangin kami ni ma'am. "You're Late!" Sabi nya. Sasagutin ko sana sya nang 'alam namin!' Kaso ayaw ko naman maging bastos.

"Pumunta kayo sa office mamayang uwian, for your punishment." Pagkatapos yung sabihin ni ma'am ay saktong dumating yung iba pa naming kasama. "All of you!" Dagdag ni ma'am at tinuro ang iba pang late tapos ay pumasok na siya sa loob.

Tinignan nila kami nang may nagtatanong na tingin. Nagkibit balikat lang kami ni Dasuri at pumasok na sa loob. Tsk. Mapaparusahan pa tuloy.

----------

Hey readers!😊

Have a nice day! Take care and enjoy reading.😘

That Nerd is a Fairy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon