>Dasuri's POV<
"Anak, anak ko. Bumalik ka na, parang awa mo na. Tulungan mo kami, iligtas mo kami aking anak."
"Nasaan ako? Sino ka?" Tanong ko. Natatakot ako, hindi ko alam kung nasaan ako. Sobrang dilim, napakadilim, wala akong makita.
"Anak, ako ang iyong ina. Tulungan mo kami." Sabi nanaman nang isang tinig na aking naririnig.
"Ina? Hindi ikaw ang aking ina, kilala ko ang boses nya at hindi ikaw sya!" Sigaw ko sa kawalan. "Sino ka ba talaga, ha!?" Muli kong sigaw sa kawalan at palinga-lingang hinahanap ang nagmamayari nang tinig. Hindi sya sumagot, subalit nakarinig ako nang mga hikbi. Tatanungin ko sana sya kung bakit sya umiiyak ngunit may narinig akong mga sigaw, alam kong hindi iyon ang babaeng kausap ko kanina.
"Aaaaaahhhhhh!"
"Tulong! Tulungan nyo kami--- aahh! Mahal na prinsesa, t-tulong."
"Anak ko! Iligtas mo kami mula sa kanila, iligtas mo kami mula sa kapahamakan at kamatayan."
Biglang dumami ang mga tinig na aking naririnig. Bakit ganon? Bakit parang gusto ko silang tulungan. Bakit pakiramdam ko ay kailangan ko silang iligtas? Bakit?
Kung saan saan ako tumitingin kahit na wala naman akong nakikita. Malapit lang sila, Malapit lang sa akin yung mga humihingi nang tulong.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay unti unting nagkakaroon nang mga imahe sa aking paligid. Madami ang patay na nakahandusay sa kung saan, at marami ang sugatan.
May palapit sa akin na sugatang babae at bigla syang natumba, tutulungan ko sana ang babae ngunit hindi ko sya mahawakan at para bang hindi nila ako nakikita.
"Anong nangyayari? Bakit hindi ko sila mahawakan, at parang hindi nila ako nakikita? B-bakit, bakit?" Naguguluhang tanong ko kahit alam kong wala namang sasagot sa tanong kong iyon.
"Anak! Anak ko!" Napunta ang aking atensyon sa babaing tumatawag ng anak. Hinanap ko ang nagmamayari nang boses sa iyon, iyon ang tinig na una kong naririnig. Nagulat ako nang paglingon ko ay nakatingin ang isang nakadapa at sugatang magandang babae na sa tingin ko ay kaidaran lang nang mommy ko. Tinawag nya ulit akong anak, hindi nga ako nagkakamali, siya nga iyon. Ang pinagtataka ko, bakit parang nakikita nya ako? Hindi ba't walang nakakakita sa akin? Bakit nakatingin sya sa akin?
May nakita akong tao sa likuran ng babae, isa itong lalaki ngunit malabo ang mukha nya. Itinaas nang lalaki ang hawak na espada, may bumalot na apoy at kuryenta sa espadang iyon pagkatapos ay itinapat nya sa nakadapang babae.
'Teka? Sasaksakin nya ba ang babaeng iyon?'
"Aaaaaaaaahhhhhh! "
"Huwaaag!" Sigaw ko.
Nasagot ang tanong ko sa aking isipan nang itarak nang lalaki ang espada sa nakadapang babae.
Hindi ko alam kung bakit sunod sunod na tumulo ang aking mga luha sa nasaksihan. Hindi ko alam kung bakit, pero nasaktan ako sa aking nakita na parang dinudurog ang aking puso.
Nakatingin parin sa akin ang babae nang may lumabas na napakaraming dugo sa kanyang bibig, pagkatapos at ngumiti sya sa akin at unti-unti nang ipinikit ang kanyang mga mata.
"B-bakit? Hindi ito maaari, HINDIIII!"
Nagising ako na habol habol ko ang aking hininga.
"Salamat naman at nagising ka na. Kanina ka pa namin ginigising dahil binabangungot ka." Nilingon ko kung sino ang nagsalita at nakita ko si Blue, kasama sina Red at Green.
Malalim akong napabuntong hininga nang mapagtantong panaghinip lamang pala iyon at nagpapasalamat ako dun. Pero bakit ganun, bakit pakiramdam ko ay totoo iyon? Bakit pakiramdam ko ay konektado sa akin ang babaeng nakita ko sa aking panaghinip, at konektado ang buong pagkatao ko sa kanila. Ang daming bakit sa aking isipan na hindi ko alam kung ano ang sagot, at hindi ko alam kung sino at papano ito masasagot.
"Oh, natulala ka na jan. " naputol ang aking pag-iisip nang magsalita si Red. "Ano bang napanaghinipan mo at ang lalim nang iniisip mo mula nang magising ka?" dagdag pa niya.
Umiling nalang ako bilang sagot. Ayoko na munang magkwento sa kanila, baka naman normal na panaghinip o bangungot lamang iyon.
"Ano, tutuloy pa ba tayo? Kasi kung hindi ay uuwi nalang ako." mataray na sabi ni Green. Pero teka, tutuloy? May lakad ba sila?
"Tutuloy? May lakad ba kayo?" Pagsasatinig ko sa tanong sa aking isipan.
"TAYO. May lakad tayo. Nakalimutan mo na ba?"
"Huh? Saan naman ang lakad natin?" Sagot ko sa tanong ni Blue. "Diba nga mag mo-mall tayo." Sagot nya din sa tanong ko sabay irap.
Tinignan ko sila isa isa. Nakapanlakad na silang tatlo. Oo nga pala napagplanuhan naming mag mall ngayon dahil weekend naman, Sunday ngayon at mamayang hapon kami magsisimba pagkagaling namin sa mall. Hays, nakalimutan ko.
Umalis na ako sa aking higaan at dumiretso sa aking lalagyanan ng mga towel. Kumuha ako at pumunta na nang cr, ngunit bago ako pumasok ay sinabihan ko sila na hintayin nalang nila ako sa baba.
***+***+***+***
Nasa mall na kami ngayon at nag iikot-ikot. Nanood kami nang The Revenger Squad sa sinehan, pagkatapos ay nag arcade kami, then kumain kami sa Kuya J. At ngayon ay naglalakad kami sa kung saan mang parte nang mall na ito.
Nagulat ako nang mapansin ko kung nasaan na kami ngayon."Anong gagawin nyo dito?" tanong ko. Hindi naman kasi sila pumupunta sa salon ng pamilya nila.
Tama po, nandito kami sa salon ng pamilya nila. Bakit? Hindi ko rin nga alam, yun din ang tanong ko eh.
"Diba hindi kayo nagpapaayos sa salon ninyo dahil marunong naman kayong mag-ayos ng sarili ninyo?" Tanong ko ulit. "Sino ba kasing nagsabi sayo na kami ang magpapaayos dito?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabing iyon ni Blue.
Don't tell me... "No, no no no!" Pagtatanggi ko nang makita ko ang nakakalokong ngiti nung tatlo. Talagang ngkakasundo sila kapag pinagtutulungan nila ako.
"Pumayag ka na bes. Panindigan mo din ang pagiging beauty queen mo." Sabi ni Red.
"Red is right, you need a makeover, para naman hindi ka na nila binu-bully." Gatong pa ni Green. Sa tagal ko nang kakilala ang pamilya nila ay alam ko na ang mga ugali nila. Iyang si Green, masungit yan. Halos lagi nya kaming tinatarayan, pero grabe ang concern nya sa amin. Kapag may nang-away o nang-agrabyado sa amin, siya ang tagapagtanggol namin. Kaya hindi kami nagagalit sa kanya kapag sinusungitan nya kami, kasi alam naming concern sya sa amin kahit ganon.
"Tara na. I can't wait to see you after this. Hihihi " Sabi ni Blue sabay hila nilang tatlo sa akin papasok ng salon.
Wala na akong nagawa at nagpahila nalang sa kanila. Anong laban ko sa tatlong to? Eh isa lang naman ako.
'Bayaan na nga lang, wala namang mawawala kung susubukan ko diba? After all, nagpapanggap lang naman ako na nerd.'
————————————
Hey guys! Tagal kong di naka update. Pasensya na.
Kumakaway na si bakasyon mga friendsters. Enjoy😂
Vote and comment please. Kung okay lang.😊
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Fairy Princess
FantasyShe's known for being a nerd. They always making fun of her. But what if one day, they knew that she is a princess. That, ''That Nerd is a Fairy Princess" Will she save her world? Her kingdom? Or will she stay being an ordinary nerd girl, and ignore...