>Charantia's POV<
Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat nang buksan ko ang mga bintana sa aking paggising. Pasikat na ang araw at sa tansya ko ay mag-aalas sais na nang umaga kung pagbabasehan ang oras sa mundo ng mga tao, kaya't napagpasyahan kong lumabas sa aking silid at magtungo sa hardin upang bisitahin ang nag-gagandahang mga bulaklak.
"Kay gandang tanawin." sambit ko sa aking sarili nang makarating ako sa hardin at masilayan ang pinakamamahal at paborito kong bulalaklak, ang mga Rosa odorata (Rose). Sadyang nakapagbibigay ng ginhawa at saya sa akin ang mga halaman, lalo na ang mga bulaklak. Malaki ang hardin na ito kaya't madami ang mga bulaklak na nakatanim dito.
Magkahiwalay na nakagrupo ang iba't ibang uri ng bulaklak. Kung titignan mula sa bukana ng hardin, nasa kaliwang bahagi ang mga Tulipa greigil (Tulip), nasa kanan naman ang mga Helianthus annuus (Sunflower) at nasa gitna ang mga Rosa odorata (Rose).
Bago ko pa makalimutan, nais kong mag pakilala sa inyo kung sakaling nakalimutan nyo ang aking ngalan noong nagpakilala ako sa eskwelahan ng prinsesa sa mundo ng mga tao. Ang ngalan ko ay Charantia Abelmochus labing-anim na taong gulang. Isa akong diwata na naglilingkod sa mahal na haring Fraxinus Saux Zizanioides at reyna Rhexia Virginica Zizanioides ang ama at ina ni Prinsesa Affianna Viciaraphia Zizanioides na ngayon ay nagngangalang Dasuri Byun sa mundo ng mga tao.
Ang kapangyarihang taglay ko ay 'Earth Power', kaya kong kausapin ang lupa at pasunurin ito maging ang mga halaman.
Lumapit ako sa gitnang bahagi ng hardin kung saan nakatanim ang paborito kong bulaklak. Mayroon kasing (fountain) sa gitna niyon at napapalibutan ito ng mga upuang gawa sa bato, at nais kong doon abangan ang tuluyang pagsikat ng araw.
Malapit na ako sa aking patutunguhan nang marinig ko ang reyna Rhexia Virginica sa may (fountain) na may kausap na hindi ko mawari kung sino sapagkat hindi ko maaninag ang kausap nito. Nasa kabilang bahagi kasi sila kaya't natatakpan ng (fountain) ang sino mang kausap ng reyna.
"Ano na ang gagawin natin mahal ko?" Tanong ng reyna sa taong sa tingin ko ay ang mahal na haring Fraxinus Saux base sa tawag nang reyna sa kanya. Aalis nalang sana ako ngunit nagsalita ang mahal na hari at alam kong ang aking kaibigang si prinsesa Affianna o Dasuri ang kanilang tinutukoy kaya't nagkaroon ako ng kyuryosidad sa pinag-uusapan ng mga kamahalan.
"Hayaan na muna natin ang ating anak. Siguro ay mas mainam kung mas magkakalapit silang dalawa. Nang sa ganon ay makikilala siya ng husto nang anak natin. Malalaman niya ang kalakasan maging ang kahinaan nito, at maaari nating magamit iyon laban sa kanila." Anong tungkol sa prinsesa? At sino naman kaya ang tinutukoy nilang mainam na mapalapit sa prinsesa.
"Sigurado ka ba mahal ko? Baka mapahamak ang ating kaisa-isang prinsesa sakaling malaman na nilang pareho ang totoo."
"Huwag kang mag-alala mahal ko, inatasan ko ang tatlo sa magagaling at pinagkakatiwalaan nating mga tagapaglingkod upang bantayan ang ating mahal na anak." Paniniguro nang hari upang mapagaan ang loob ng kanyang asawa at mabawasan ang pag-aalala at pangambang nararamdaman nito para sa kanilang anak.
"Ang magpipinsan ba na Ezrem, Ezerem at Charantia ang iyong tinutukoy mahal ko?" Tumango ang hari sa tanong nang kanyang reyna. "Mabuti kung ganon, malaki ang tiwala ko sa kanila." Kampanteng tugon ng reyna sa kanyang asawa.
***+++***+++***
"Hey guys! How's you're sembreak?" Masiglang bati sa amin ni Dasuri na katabi ang kanyang kasintahan na si Klein. Ngayon lang ulit kami nagkita-kita dahil kakatapos lamang ng sembreak, kaya nga nakabalik kami saglit sa aming mundo kung saan ko narinig ang usapan nang aming hari at reyna na bumabagabag ngayon sa aking isipan.
"Masaya naman." Sagot ko. Sa loob ng halos magtatatlong buwan na pananatili namin sa mundo ng mga mortal ay naiintindihan na din namin ang wikang ginagamit nang iilan. Ang sabi sa amin ni Dasuri ay Ingles daw ang tawag sa wikang iyon. Nagtaka pa nga sya kung bakit daw ni-isang salitang Ingles ay wala kaming alam. Nagpalusot nalang ako na nanggaling kami sa liblib na lugar kung kaya't hindi nakaabot sa amin ang wikang iyon.
Natututo na rin kami ng mga pinsan ko na mag'English' o gumamit ng salitang ingles dahil pinag-aaralan din naman iyon sa eskwelahan.
Nakatambay kami ngayon sa canteen dahil break time na. At bonding daw namin ang mag foodtrip dito dahil dalawang linggo kaming hindi nagkita-kita.
"Babe, say ahh..." napatingin kami kay Klein nang akmang susubuan nya si Dasuri ng spaghetti na binili nila. Tatanggi pa sana si Dasuri ngunit pinilit sya ni Klein sabay ngiti ng matamis kaya naman ay wala na siyang nagawa pa at kinain nalang ang pagkain na sinubo sa kanya.
Habang tinitignan ko silang dalawa... biglang pumasok sa isip ko na hindi kaya ang tinutukoy ng mga kamahalan noong narinig ko silang nag-uusap sa hardin ng kaharian na 'mas mainam na mapalapit sa prinsesa' ay ang lalaking ito? Ang lalaking iniibig ng prinsesa.
Noong una palang ay iba na ang kutob ko sa lalaking ito. May ibang enerhiya akong nararamdaman mula sa kanya ngunit hindi ko matukoy kung siya ba ay mabuti o masama.
"Ehem!" Tikhim ni Yohan ng akmang susubuan muli ni Klein si Dasuri. At dahil doon ay inulan sya ng kantyaw mula sa kanyang mga kaibigan. Sinasabi nilang nagseselos ito at itinatanggi naman iyon ng huli.
Iba din ang kutob ko sa lalaking ito, pareho sila ni Klein na naramdaman ko ng kakaibang presensya. Hindi rin ako nakakasiguro kung mabait sya o hindi. Ngunit nasisiguro ko na isa sa kanila ang dapat pagkatiwalaan at isa ang hindi. Pero sa ngayon ay hindi ko muna bibigyang pansin ang aking mga hinala, dahil baka mali lamang ang mga hinalang iyon.
Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi saamin sinabi nina haring Fraxinus Saux yung tungkol sa narinig kong pinag-usapan nila ng reyna kung pinagkakatiwalaan naman nila kami. At isa pa, sa tingin ko ay dapat lang namin malaman kung kanino namin poprotektahan ang prinsesa. Papano namin siya mapoprotektahan kung hindi namin alam kung kung kanino ba kami dapat umiwas o kung sino ang babantayan namin na maaaring makapanakit sa kanya.
"Minsan, mas mabuting isekreto at sarilinin ang ibang bagay upang maiwasan ang padalos-dalos na desisyon na maaaring magdulot ng kapahamakan sa iba." Napalingon lingon ako upang hanapin kung sino ang nagsalita ngunit wala naman akong nakita.
"Sinong hinahanap mo?" Tanong sa akin ni Blossom--- este Blue, dahil dun ay napatingin silang lahat sa akin.
"A-ahh, wala." Sagot ko nalang, pero mukang hindi sila kumbinsido lalo na yung dalawang pinsan ko kaya binigyan ko sila ng isang naninigurong ngiti. Ibinalik naman nila ang atensyon sa kanya-kanyang gawain.
Naramdaman kong may isang pares ng mata na nakatingin sa akin, kaya't pasimple kong hinanap kung kanino galing ang pares ng mata na iyon. Nahagip naman ng mata ko si Yohan na seryosong nakatingin sa akin. Kinilabutan naman ako lalo na nung biglang may kakaibang lamig akong naramdaman.
Hindi kaya... si Yohan ang tinutukoy nang hari at reyna?
Pero hindi naman sila super close dahil lagi silang nagbabangayan.
Si Klein kaya? O isa sa triplets na matalik na kaibigan ni Dasuri? Sila lang naman ang sobrang malapit sa prinsesa.
Hay! Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung kanino dapat kami mag-ingat at umiwas.
Ano ba 'to! Sinabi ko naman na hindi ko na muna bibigyang pansin ang bagay na iyon. Malalaman ko rin kung sino sa kanila ang dapat at hindi dapat pagkatiwalaan.
----------
Hey guys! Sorry for the long wait. Natagalan ang UD dahil nasira yung phone ko at hindi rin ako nakapag-isip ng susunod na mangyayari dahil na occupy ng ILYS1892 at OALS yung utak ko. Haha
Anyways, share ko lang. Wala naman nagtatanong.😂✌
Enjoy!
-MBBL💕
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Fairy Princess
FantasyShe's known for being a nerd. They always making fun of her. But what if one day, they knew that she is a princess. That, ''That Nerd is a Fairy Princess" Will she save her world? Her kingdom? Or will she stay being an ordinary nerd girl, and ignore...