>Dasuri's POV<
"Bye mga kuya!" Paalam ko. Pupunta ako ngayon sa mall kasama si Klein dahil niyaya nya ako sa isang date.
"Bye Dasuri! Mag-iingat kayo ha." paalam din nila kuya sa amin at binaling nila ang kanilang tingin kay Klein "Please take good care of our sister, kung hindi..." pagbabanta ni kuya Grey kay Klein sabay sign ng parang gigilitan ng leeg, sumangayon naman ang tatlo ko pang kuya. Tapos ay sabay-sabay silang apat na nag sign ng parang i'm-watching-you or I-have-my-eyes-on-you-look.
Sinaway ko naman sila kasi parang tinatakot nila si Klein, pero tinawanan lang nila ako at maging si Klein ay tumawa din. Ugh! Mukhang pinagkakaisahan nila ako.
Magdadalawang buwan nang nanliligaw saakin si Klein pero nakaraang linggo lang sya nakilala ng mga kuya ko. Hindi ko pa sana sasabihin kasi natatakot ako na baka pagalitan ako nila kuya, kaso dahil sa kadaldalan ni Red ay nadulas sya at nabanggit nya yung about sa panliligaw ni Klein. At hindi nga ako nagkamali dahil sinermonan ako nila kuya especially kuya Grey. Nagsorry naman ako sa kanila for keeping a secret, sinabi naman nila na ipakilala ko sa kanila yung manliligaw ko para kilatisin. At noong nakaraang linggo ay pinakilala ko nga si Klein sa kanila.
Naalala ko pa yung mala interrogation na ginawa nilang kay Klein nung una silang nagkakilala.
Nandito ako ngayon sa kusina at nagba-bake ng cookies and cupcakes para mamayang hapon. Pupunta kasi dito si Klein mamaya para magpaalam na manliligaw sa akin at magpakilala ng pormal sa mga kuya ko. Ang gara nga kasi nauna yung panliligaw bago yung pagpapaalam sa mga kuya ko. Hahaha
Quarter to four na nung dumating si Klein sa bahay at nandito kami ngayon sa sala, nagpapakiramdaman. Magkakatabing nakaupo sina kuya Grey, kuya Charles, kuya Kendrick at kuya Ken sa mahabang sofa. Nasa harapan naman nila si Klein at ako naman ay nasa kaliwang bahagi nakaupo sa single sofa.
"Gaano katagal ka nang nanliligaw sa kapatid namin?" Seryosong tanong ni kuya Grey habang matalim na nakatingin sa aming bisita.
"Almost two months na po." Sagot naman ni Klein na animo'y estudyante na tinanong nang guro kung ano ang sagot sa isang math problem.
"What's your reason? Bakit mo sya niligawan?" Singit na tanong naman ni kuya Ken.
"Because I love her and I want to show and let her feel my love for her." dire-diretsong tugon ng aming panauhin. Grabe, question and answer portion lang sa isang beauty pageant ang peg.
"Anong nagustuhan mo sa kapatid namin? Papano mo nasabing mahal mo sya?" this time, si kuya Kendrick naman ang nagsalita. Walang pag-aalinlangan namang sumagot si Klein.
"Maniwala man kayo o hindi, maging ako ay hindi ko rin alam kung bakit sa dinami-dami nang mga babaeng nakakasalamuha ko sa araw araw ay sa kanya pa ako nainlove. Sa kanya na nakaaway ko sa una at pangalawa naming pagkikita sa parehong araw at parehong dahilan nang aming pagtatalo. Sa isang babaeng maldita, masungit at babaing sandali ko pa lamang nakilala. Sa isang babae hindi pala ayos. Pero naniniwala ako na ang pag-ibig ay nararamdaman at hindi nakikita, hindi natin namamalayan na umiibig na tayo sa isang tao at hindi natin alam kung ano ang dahilan o kung ano ang nagustuhan natin sa taong iyon. At higit sa lahat, hindi basehan ang tagal nang panahon na kayo ay magkasama o magkakilala. Kung tunay ang iyong nararamdamang pag-ibig sa isang tao ay hindi magiging basehan kung gaano katagal na kayong magkakilala." mahabang litanya ni Klein. Bilib din ako sa lalaking 'to eh.
"Siguraduhin mo lang na totoo yang mga sinasabi mo at hindi mo kami niloloko at ang kapatid namin. Dahil kapag umiyak ang prinsesa namin dahil sayo, kami ang makakalaban mo." Pagbabanta ni kuya Ken. Nakangiti namang tumango si Klein na parang balewala lang sa kanya ang masasamang titig at pagbabanta nang mga kuya ko.
"Grabe, nabusog ako dun ah!" masayang wika ni Blue. Sumangayon naman sina Green at Red.
"Masarap talaga pag libre no." Sarcastic kong sabi sa kanila. "Oo nga. Buti pa nga si Klein nilibre kami, samantalang yung 'Best friend' namin jan hindi man lang kami nilibre." Pagpaparinig ni Red. Aba naman!
Nagtataka siguro kayo kung bakit kasama namin itong powerpop girls na'to. Well, sinundan lang naman nila kami. Akala ko nga nung una, nagkataon lang na nandito din sila at nagbobonding na magkakapatid dahil weekend, pero napansin ko na kahit saan kami magpunta ay nandun din sila kaya nilapitan ko na. Nagulat pa nga sila nung nahuli ko sila. Hays, ang tatlong 'to talaga, laging nagkakasundo pagdating sa kalokohan. Tsk.
"Tara na. Sa arcade nanaman tayo." Pagyayaya ni Klein. Sumangayo naman kami at pumunta na sa may arcade.
Naglaro lang kami nang naglaro, halos lahat nang pwedeng i-try na games dito ay nasubokan na namin. Nahiya nga ako kay Klein eh, sya kasi ang gumagastos sa aming apat. Buti nalang at mayaman sya. Haha
"Salamat sa libre Mr. Suitor." -Red
"Thanks." -Green
"Kaya nga, thank you talaga. Ang bait mo." Tsk. Nambola pa si Blue. -_- "Sagutin mo na kasi Dasuri." dugtong pa nya.
"Sagot agad." Sabi ko nalang.
"Bakit hindi? Halos dalawang buwan na rin naman syang nanliligaw sayo, kilala na sya nang mga kuya mo." -Blue
"Alam mo kasi Dasuri, ang ligawan ay hindi pinapatagal. Alam mo kung ano ang pinapatagal? Yung relasyon, yun dapat ang pinapatagal hindi ang panliligaw." Payo ni Green na animo'y love expert at may experience na. Napatingin naman ako kay Klein at nagkibit-balikat lang sya.
"Ahh. Uwi na tayo." Pag-aaya ko at para narin maiba ang topic. At isa pa, alas syete na nang gabi.
"Uy! Change topic." pang-eechos ni Red. Inirapan ko nalang sya at nagsimula nang maglakad.
Hinatid muna namin sina Green sa bahay nila dahil nag commute lang pala sila kanina. Pagkatapos ay ako naman ang hinatid ni Klein, pinagbuksan nya pa ako ng pinto nang sasakyan, ang gentleman diba. Haha
"Thanks for today, Klein." pasasalamat ko.
"No. Thanks for today, Dasuri. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong araw." sabi nya. Nagpaalam na ako sa kanya at hinintay na makalayo sya, nang hindi ko na matanaw ang kanyang sasakyan at pumasok na ako sa bahay.
"Nakauwi ka na pala baby girl." humalik ako sa pisngi ni kuya Grey nang bigla syang sumalubong sa akin.
"Kamusta ang date? Sinagot mo na ba sya princess?" pang-eechos naman ni kuya Kendrick. Inirapan ko nalang sya bago humalik sa pisngi nya, tapos kay kuya Ken at kuya Charles naman ako humalik.
"Akyat na po ako." Sabi ko at dumiretso na sa hagdan. Narinig ko naman na nag-good night sa akin sila kuya bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ko.
Binagsak ko ang sarili ko sa kama pag pasok na pag pasok ko. 'Whoooh! What a tiring day.' pabulong kong sabi at tuluyan nang hinila nang antok.
-------------
Hays. Lumalablayp na ang ating bida. Naunahan pa ako. Haha😂
Anyways, enjoy.😊
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Fairy Princess
FantasyShe's known for being a nerd. They always making fun of her. But what if one day, they knew that she is a princess. That, ''That Nerd is a Fairy Princess" Will she save her world? Her kingdom? Or will she stay being an ordinary nerd girl, and ignore...