>Dasuri's POV<
"Nasaan na ba sila? Anong oras na oh. Kailangan pa nilang mag practice . Ano na?!" sa labas palang ako ng auditorium ay dinig na dinig ko na ang bulyaw ni ma'am Rosales.
Ngayon na ang araw ng pageant, late na akong nagising kanina dahil nga sa sobrang pagod ko kagabi sa practice namin ni Yohan for the talent portion. Ayan tuloy, sobrang late na din ako nakapasok. At ngayong nadidinig ko ang galit na sigaw ni ma'am Rosales, parang ayaw ko nang tumuloy sa loob.
Nasa tapat na ako ng pinto ngunit mahigit limang minuto na akong nakatayo lang dito sa tapat ng pinto ng auditorium. Pano ba naman kasi nakakatakot yung sigaw ni ma'am. Huhuhu
Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napagpasyahan na pumasok na at harapin ang dargon--- este si ma'am Rosales pala. Hehe
"Dalhin nyo na nga dito lahat ng contestants! Nanggigigil na ako ha. Ilang oras nalang at magsisimula na ang pageant, jusko!" Galit na bulyaw ni ma'am sa mga student council. Sila kasi ang naatasan na mag handle o magcoordinate ng pageant.
"Dasuri, buti naman at nandito ka na. Kanina ko pa kayo hinahanap eh. Galit na galit na si ma'am." Salubong sakin ni Aika, ang President ng student council.
'Halata nga!' Sarkastikong sagot ko sa aking isip.
"Nasaan na nga pala partner mo? Hindi mo ba sya kasama?" Tanong ni Pres.
'May nakikita ka ba?' pagtataray ko. Pero sa isip ko lang yan. "Wala eh. Kakarating ko palang at di ko pa sya nakikita." Sabi ko nalang.
"Ah ganun ba?" Sabi nya.
"Dasuri, jan ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay." Nagulat ako sa biglang pagsulpot nina Blue
"Bakit? Ano kailangan nyo?" tanong ko.
"Magsisimula na po kasi yung rehearsal nyo. Kaya bilisan mo na at pumunta ka na sa stage." Sabi ni Red at tinulak-tulak ako ng mahina papuntang stage.
"Sandali lang Dasuri!" Tawag sakin ni Jaemie, yung vice president ng student council. "Kailangan mo daw pala ng kahit na anong costume. Dapat daw kasi costume ng kahit na sinong World Literature characters ang kaso, kahapon lang daw kayo nasabihan kaya exempted kayo ng partner mo." Sabi nya nung nilingon ko sya.
"Nasabi nga sakin ni ma'am kahapon. Kaya lang wala pa akong mga damit na susuotin para mamaya eh." Sagot ko naman. Hindi na kasi ako nakapag handa ng damit kagabi dahil sa pagod. Late din naman akong nakagising kanina, as usual.
"Don't-cha worry bessy, leave it to us. Kaming bahala sa mga susuotin mo later on the pageant." Red said. Paano naman kaya nila nalaman na kasali ako, eh wala naman akong pinagsabihan ng tungkol dito.
"Right, so go to the stage now and join the rehearsal." Sabi ni Blue habang tinutulak ulit ako papunta sa stage. Gosh, why do they always pushing me.
Mamaya ko na nga lang itatanong kung paano nila nalaman. Naglakad na ako papuntang stage kung saan nagpapractice ang iba pang candidates ng production number at ng mga rampa na gagawin.
Inilibot ko ang tingin ko upang hanapin yung partner ko kung nandito na ba sya. Pero wala. Umakyat na ako, and swear, I want to remove their eyes cause their look seems like they're insulting me. Sanay naman na akong ganun ang tingin nila at kung ano-anong masasakit na salita ang natatanggap, pero naiinis parin talaga ako pag ganun.
"Okay girls and boys, let's start na. 5, 6, 7, go. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8!" Sumabay kami sa pagbibilang habang ginagaya yung steps na ginagawa nung nagtuturo.
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Fairy Princess
FantasyShe's known for being a nerd. They always making fun of her. But what if one day, they knew that she is a princess. That, ''That Nerd is a Fairy Princess" Will she save her world? Her kingdom? Or will she stay being an ordinary nerd girl, and ignore...