Chapter 14 : Umbilicus

120 7 10
                                    

>Dasuri's POV<

"Aaahhhhhh!"

Nahinto ang pag-uusap namin ni Charantia nang makarinig kami nang sigaw.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya. "Narinig mo din yun?" Tanong nya sakin. "Oo naman no." Sabi ko. Kasi naman, ang lakad kaya nang sigaw. Panong hindi ko yun maririnig.

"Puntahan natin." Singit ni Ezrem bago tumayo at patakbong lumabas nang classroom. Sumunod naman kami sa kanya.

Nakarating kami sa garden, doon namin nakita si Red.

"Anong nangyari sayo? Saka, bakit mag-isa ka dito?" Tanong ko sa kanya. Ang aga-aga nandito sya, eh may klase kami.

"M-may h-halimaw! B-bes may halimaw!" Nanginginig at takot nyang sabi.

"Halimaw?" Sabay sabay na tanong nung tatlo.

"Ano bang trip mo? Nakadrugs ka ba bes? Anong Halimaw ang pinagsasabi mo?" Kelan pa nagpapaniwala sa mga ganun tong kaibigan kong to?

"Totoo ang sinasabi ko bes, may halimaw talaga. Nagpunta ako dito para sana tumambay, naboboring kasi ako sa first subject natin. Pero biglang may lumabas na malaking itim na parang unggoy tapos, t-tapos may sungay. B-basta, sobrang nakakatakot."

"Umbilicus." Pabulong na sabi ni Ezerem."Huh?" Ano naman kaya yun?

"Maiwan na muna namin kayo." Sabi ulit ni Ezerem at nagtanguan naman sila bago umalis.

"Anong meron?" Pabulong kong tanong.

Nauna na kaming bumalik nang room dahil halos maluha-luha na sya. Hays! Whats happening in this world na ba?

>Ezrem's POV<

Nung medyo nakalayo na kami sa dalawa at nakahanap kami nang medyo tagong lugar ay tinawag namin sina Daucus, Dianthus at Dicentra. Nagpakita naman sila agad.

"Bakit nyo po kami pinatawag?" tanong nila.

"May nakakita daw nang Umbilicus dito."

"Paanong nagkaroon nang Umbilicus dito?"

"Masasabi nyo ba sa amin kung nasaan sila? Delikado kung may makakakita pa sa umbilicus na yun, baka may mapahamak." Seryosong sabi ko.

"Wala kaming ganung kakayanan." Sabi nila.

"Ako! Kaya ko silang hanapin." Biglang sabi ni Charantia.

"Papano?" Tanong namin.

"Kaya kong kausapin ang lupa. Nakalimutan nyo na ba na earth soil at plants ang kapangyarihan ko." Iiling-iling nyang sabi. Oo nga pala, maaari syang humingi nang tulong sa lupa upang matunton ang hinahanap namin.

Lumuhod si Charantia at humawak sa lupa na parang may pinapakiramdaman. Makalipas ang ilang minutong nasa ganoong sitwasyon kami ay tumayo na si Charantia at sinabing nasa malapit lang ang umbilicus at di pa nakakalayo.

Tumakbo sya sa isang dereksyon patungo sa kanang bahagi nang hardin na mala kagubatan. Sumunod naman kami sa kanya, at maya-maya lang ay natunton nanamin ang aming hinahanap.

"Hoy panget na halimaw!" Tawag pansin ni Charantia sa umbilicus. Lumingon naman ito, tumutok agad sa amin ang mapupula nitong mga mata.

Iwinasiwas ni Charantia ang kanyang kamay at biglang may lumitaw na mga tinik papunta sa direksyon ng umbilicus. Tumama naman ang mga ito sa halimaw. Nagalit ang umbilicus at nagpalabas nang mga maliliit na unggoy upang sumugod sa amin, kayat kumilos na kami at nakipaglaban. Ginawa kong yelo yung mga maliliit na unggoy, tapos ay pinatamaan naman iyon ni Ezerem nang bolang apoy upang mabasag.

"Tapusin na natin to. Baka may makakita pa sa atin at sa halimaw na yan!" Sabi ni Charantia. Nilingon namin sya at tinanguan namin.

Ngunit nung ibinalik namin ang tingin namin sa umbilicus, ay sumalubong sa amin ang papalapit nang tira nang halimaw. Iiwas na sana kami pero tumama na Ito hindi sa amin kundi sa mala salaming nakapalibot sa amin.

Isa itong pananggalang, pangharang. Tumingin ako kay Daucus, ang aking sital fairy at nagpasalamat dahil alam kong sya ang may gawa nang harang na iyon.

"Ezerem, patamaan mo ang halimaw para mawala ang atensyon nya sa amin!"

"Ezrem gawin mo syang yelo."

Sumunod naman kami sa inutos ni Charantia. Si Ezerem ay tinitira nang apoy ang umbilicus, at nang wala na sa amin ang buong atensyon nito ay pinatamaan ko na sya nang ice freeze. Nang hindi na makagalaw ang halimaw ay pumadyak sa lupa si Charantia, nagkaroon nang biak sa lupa mula sa kinatatayuan nya papunta sa kinalalagyan nang umbilicus. Nung nakaabot na ang biyak sa kalaban ay biglang yumanig ang lupa at unti-unting nagkaroon nang napakalaking butas sa mismong kinatatayuan nang halimaw, at unti-unti syang nilalamon nang lupa.

Noong tuluyan nang malamon nang lupa ang umbilicus, ay muli na ding bumabalik sa dati ang lupa, dahan-dahan nang nawawala ang biyak at butas. At nawala na din ang pagyanig nito.

"Salamat sa tulong ninyo, maaari na kayong bumalik. Tatawagin nalang namin kayo kapag kailangan." Sabi ko sa tatlong sital fairy. Tumango naman sila at naglaho na.

Sabay sabay kaming bumuntong hininga at naglakad na pabalik sa aming klase.

>Dasuri's POV<

Pagkagaling namin ni Red sa garden at dumiretso na kami sa room. Nandoon na din halos lahat nang mga kaklase ko, pati sina Blue at Green at nandon na din. Maliban sa tatlong magpipinsan na nagpaiwan sa garden, ewan ko ba dun sa mga yun.

Mga ilang minuto pa kaming naghintay sa teacher ay dumating na din ito. Ngunit magsisimula pa lamang siyang magturo at biglang nagkaroon nang pagyanig.

"Ano yun? Lumilindol ba?" Tanong nang aming guro, ngunit walang sumasagot sa kanya dahil nagpapanic na ang iba ko pang mga kaklase.

Eh kung hindi ba naman kasi shunga si ma'am, malamang lumilindol, kaya nga yumayanig ang lupa diba. duh!

"Huminahon kayo lahat!" Sigaw ni ma'am, kaya nakuha nya ang atensyon nang lahat. "Kumuha kayo nang mga libro at nang kahit na anong bagay na pwede nyong ipantakip sa mga ulo nyo, tapos ay lumabas kayo sa building na ito at pumunta sa field nang mahinahon. Kilos!" Utos nang aming guro kaya't kanya kanya kami nang kuha nang pantakip sa ulo at isa-isang lumabas.

Nang makalabas at makababa kami ng building at makarating sa field ay madami na ding estudyante na nagpapanic. Hays, sinabi na nga na huminahon lang eh. Huminto na rin naman yung lindol, pero hindi pa kami pinabalik sa aming mga classrooms dahil baka daw may aftershocks pa.

Habang nagtitipon kami sa field at pinapakalma nang aming mga guro ay napansin ko yung magpipunsan na prenteng-prente at kunot-noong naglalakad sa may hallway papunta dito. Kita mo tong mga to, parang wala lang sa kanila yung lindol ah. Relax na relax lang sila.

"Anong meron?" Tanong ni Ezerem.

"Anong meron, anong meron ka jan! Nagkaroon lang naman po nang lindol." Sabi ko sa kanila.

"Lindol?" Takang tanong nila. Tsk. Di ba nila alam ang lindol? -_-

"Lumindol na't lahat lahat, nagpapanic na yung iba tapos kayo parang wala lang sa inyo yung lindol, naglakwatsa pa kayo. Pano kung napahamak kayo, ha!?" Sermon ko sa kanila, kasi naman eh.

Nanlaki naman ang mga mata nila, tapos ay nagtinginan silang tatlo na para bang nag-uusap sila gamit lamang ang mga tingin at isip.

"Ahh-Eh, hehe. Pasensya na." Sabi nalang nila. Haynaku talaga tong mga to, kahit kaylan talaga napaka weird nila.

--------------

Hey guys! Sorry kung natagalan nang konti yung update, nablangko kasi ako eh. Pero ito, tinapos ko na para sa mga matyagang nagbabasa.

Enjoy reading, kung meron man.😂

By the way, I would like to thank my friend btgkoorin for my new cover. Kumapta chingu-ya. 😘

Don't forget to Vote and comment po. Pabirthday gift nyo nalang para bukas.😊 char Haha ✌😘

That Nerd is a Fairy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon