>Someone's POV<
Kumakain ako nang biglang may dumating na dalawang lalaki, ang isa ay umupo sa harapan ko at ang isa naman at sa tabi ko. "Oh, kayo pala. Saan kayo galing? Nauna na akong kumain ha, nagugutom na kasi ako." Sabi ko sa kanila at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Pakain-kain ka lang jan. Baka nakakalimutan kong ma misyon tayo kaya tayo nandito." Sabi nang lalaking nasaharapan ko.
Alam ko naman yun eh.
"Ang takaw." Pabulong na sabi ng katabi ko. "Aray!" Sigaw nya matapos ko syang batukan.
"Hindi ko naman nakakalimutan ang misyon natin. Pero 'di ba pwedeng kumain muna saglit? Kakarating lang natin trabaho agad? 'Di pwedeng magpahinga?" Sarkastiko kong sabi at inirapan sila.
Nung tingin ko ay hindi na sila magsasalita, bumalik na ako sa pag kain.
Ilang minuto palang ang nakalilipas ay biglang nagsalita ang katabi ko. "Nakita na namin sya." Huh?Ano daw?
"Nakita? Sino?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa akin bago nagsalita. "Yung misyon natin."
"Talaga? Kaylan?" Gulat kong tanong.
"Kanina lang." Yung nasa harapan ko naman ang sumagot.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
"Saka na natin pag-usapan. Maghanda na tayo." Sabi nya at tumayo na.
Tsk. Sige na nga. Ang daya eh.
>Dasuri's POV<
Dumiretso ako sa room pagkagaling ko sa garden.
"Parang ang weird nung dalawa kanina." Sabi ko sa aking sarili ng maalala ko ang nangyari kanina sa garden.
Pagdating ko sa room nagsisimula na ang klase. Pinagalitan ako ng teacher pero pinapasok din.
***+***+***+***
"Dasuri, Saan ka galing kanina?" Tanong ni Red
"Sa garden." Tipid kong sagot.
Naglalakad na kami ngayon palabas ng campus.
"Ahh~" sabi nalang nya. Tahimik kaming nakarating sa gate kung saan naghihintay ang mga sunod namin.
"Dasuri!" Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si kuya Charles pala. "Tara na." Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.
Nadatnan namin si kuya Ken sa sala na nagbabasa.
"We're home." Sigaw ko. Napalingon naman si kuya Ken sa gawi namin tapos at ngumiti.
Lumapit ako sa kanya upang humalik sa kanyang pisngi.
"Where's kuya Kendrick and kuya Grey?" Tanong ko kay kuya Ken.
"Si Kendrick nasa kwarto. Si kuya Grey naman, wala pa." Sagot nya.
"Ahh. Sige mga kuya magpapahinga na po ako." Paalam ko. Pagod na rin kasi ako. "Teka, di ka ba kakain?" Tanong sa akin ni kuya. "Hindi na po. Pagod na ako eh, gusto ko nang matulog." Tinatamad kong sagot sa kanya.
Pipigilan pa sana ako nila kuya pero tinignan ko sila at pinakitang pagod na talaga ako kaya't wala na silang nagawa at hinayaan nalang nila akong umakyat sa kwarto ko.
Natulog naman ako agad pagtapos kong maglinis ng katawan.
***+***+***+***
Magulo sa room nang dumating ako. Nakakailang hakbang palang ako papasok ng room nang may tumamang papel sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Fairy Princess
FantasyShe's known for being a nerd. They always making fun of her. But what if one day, they knew that she is a princess. That, ''That Nerd is a Fairy Princess" Will she save her world? Her kingdom? Or will she stay being an ordinary nerd girl, and ignore...