>Blue's POV<
"Wow bes, galing ah! Sanay na sanay na talaga." Salubong ni Red sa dalawa.
"Sanay na sanay? " takang tanong ni Yohan.
"A-ahh, o-Oo. Nanonood kasi si Dasuri ng mga beauty pageants sa tv at YouTube. Kaya siguro mukhang sanay na sanay na sya. Ang galing nga eh, nakukuha nya yung galaw ng mga beauty queens" Sabi ko. "Diba Red!" Dugtong ko pa sabay siko kay Red at pinanlakihan sya ng mga mata."A-ahh, t-tama. Hehe ang galing nya diba." Sabi nya.
Hays, ito talagang si Red muntik nang malaman ni Yohan ang sekreto ni Dasuri.
Ayaw kasing ipaalam ni bessy ang tungkol sa pagkahilig nya sa beauty pageants, wala din naman daw naniniwala dahil nga sa itsura nya. Hindi naman sya pangit, katunayan nga eh sobrang ganda nya as in "SOBRA" pero kasi diba nerdy ang role nya dito. Hindi namin alam kung bakit big deal yun sa kanya. Maski sa mga kuya nya nga ay ayaw nyang ipaalam ang tungkol dito, kaming triplets lang talaga ang nakakaalam. Hindi naman namin sya matanong kung bakit, kasi kapag naguumpisa na kaming magtanong ay bigla-bigla nalang syang umaalis. Kaya't hinahayaan nalang namin."Tara na at next na ang talent portion." Sabi ni Dasuri kaya naglakad na kami papuntang dressing room.
>Dasuri's POV<
Papunta na kami sa dressing room upang maghanda para sa talent portion. Tapos na ang casual wear at kakatapos lang ng sports wear.
Pagkahawak ko ng door knob ay may napansin akong kakaiba, pero di ko nalang pinansin.
O.O
"What the hell!"
"OMG!"
"Oh My!"
"What the.."
Ganyan reaksyon naming lahat pagkapasok ng aming dressing room.
"Who the hell did this shit!" Galit na Sabi ni Yohan.
"Dasuri, may mga nakaaway ka ba kanina o nitong mga nakaraan, or meron bang galit sayo?" Tanong ni Green.
"Madaming galit sakin , alam nyo naman diba. Pero yung about dun sa kung may nakaaway ba ako, bukod sa ugok na partner ko... tingin ko naman ay wala na." Sabi ko. Nakita ko namang tinignan ako ng masama ng ugok kong partner. Yung dalawa naman ay halatang nagpipigil ng tawa, mga siraulo.
"Ikaw Yohan?" Tanong naman ni Green kay Yohan.
"Bukod sa partner kong nerd, ay wala na." Sagot nya kaya't hinampas ko sya ng malakas.
"Pfffttt."
Tinapunan ko ng masamang tingin sina Blue at Red na nagpahinto sa muntikan nilang pagtawa.
"Ehem." Tumikhim si Blue upang maicompose ulit ang sarili. "Bakit mo ba tinatanong kambal?" Tanong nya sa kapatid.
"I think someone sabotaged not the both of you them..." sabi nya. Tsk, nambitin pa. "...but only you Dasuri?" dugtong ni Green na nakatingin na sa amin, sa akin.
"Me? Bakit ako lang?" Tanong ko. Sino naman kayang magsasabotage sa akin? Maraming galit sa akin, Oo. Pero wala pa namang gumagawa nito.
"Look." Tinuro nya ang isang sulok ng kwarto kung saan nakalagay ang gitara ni Yohan at ang sira ko nang keyboard.
"If the mastermind wants to sabotage the both of you, he or she must've broke Yohan's guitar too." Paliwanag nya. "And look." sabi nya at tinuro naman yung sampayan ng mga costume at mga damit na susuotin namin. Kaya napalingon kami doon.
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Fairy Princess
FantasyShe's known for being a nerd. They always making fun of her. But what if one day, they knew that she is a princess. That, ''That Nerd is a Fairy Princess" Will she save her world? Her kingdom? Or will she stay being an ordinary nerd girl, and ignore...