>Dasuri's POV<
"Kayo?"
"Dasuri! Ayos ka lang?"
"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nina Ezrem at Ezerem kasunod nila si Charantia na pinulot ang salamin ko na nalaglag kanina, at inabot ito sa akin. Halata rin sa kanya ang sobrang pag-aalala.halos dalawang araw at isang araw ko palang sila nakilala, ganyan na sila mag-alala? Weird.Nilingon ko lang sila at ibinalik muli ang tingin sa dalawang lalaking tumulong sa akin. Pero isa nalang ang naiwan kaya hinanap ko kung nasaan sya. Nakita ko syang nakatalikod na at naglalakad palayo. Tsk. di pa nga ako nakakapag thank you.
"Ahm..." alanganin akong tumingin sa isa pang tumulong sa akin. "T-thank you Klein." Pagpapasalamat ko.
"Kilala mo ako?" Tanong nya. Tsk. Panong hindi ko sya makilala lagi nya akong inaagawan.
"Oo naman. Ikaw yung nakaagawan ko nang libro sa library at ng coke sa canteen diba? Sumali ka din sa pageant nung english culminating. " taas kilay kong sabi sa kanya. Mahina naman syang tumawa pagkatapos kong sabihin yon? "What?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Ano naman kasing nakakatawa sa sinabi ko diba.
Umiling sya at nginitian nya nalang ako sabay hila sa kamay ko. "Ah-eh, saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Bigla ba naman akong hilain. "Clinic." Simpleng sagot nya. "Huh? Ano namang gagawin natin dun?" takang tanong ko. "To get you treated." Aba't... ako talaga pinipikon nitong lalaking to?
Limited lang ba ang boses nya at kailangang tipidin ang pagsagot?
"Treated? Bakit naman?" Tanong ko ulit. "Tsk. To clean your wound and scratches, and to treat them. Okay na?" Inis nitong saad.
Napatingin naman ako sa mga braso ko at duon ko nakita ang tinutukoy nya na scratches and wounds. As if a cue for me to feel the pain. Huhuhu ang hapdi.
"Morning." Bati ni Ms. Jasmine, yung nurse dito sa clinic. wow marunong makiramdam si ate, alam nyang hindi good ang morning ko kaya, morning lang sinabi nya. ^_^ "What happened?" Tanong nya sakin. "She got wounds and scratches from a fight." Si Klein na ang sumagot para sa akin.
"I see. Sit there for a while, I'll just get the medicine and ointments. Wait for a minute." Bilin nang nurse at pinaupo kami. Umupo ako sa isang clinic bed, samantalang si Klein naman ay umupo sa upuan sa tapat nang clinic bed na inuupuan ko.
Ilang minuto pa ay bumalik na si Ms. Jasmine dala ang mga ointment at panglinis ng sugat.
Nagpasalamat kami sa nurse at umalis na.
Kanina pa nagsimula ang mga klase, halos kalahating oras na kaming late.
"Sa canteen nalang muna tayo?" Nice suggestion. Gutom narin kasi ako eh. Nagutom ako sa away namin kanina. Tinanguan ko naman sya at tinahak na namin ang daan patungong canteen.
Nakapagkwentuhan pa kami nang kaunti habang kumakain. Tapos ay dumiretso na kami pabalik sa mga room namin dahil magsisimula na yung second class.
Nagpaalam naman kami sa isa't isa nung maghihiwalay na kami nang daan. Pagpasok ko sa room ay saktong wala na yung teacher namin sa first subject kaya naman umupo na ako agad sa aking pwesto.
Ang iingay nang mga kaklase ko dahil wala pa yung next teacher namin. Ito namang katabi ko ay natutulog.
Haaays! Ang boring. Magkapag sound trip na nga lang. Ipinasak ko na sa tainga ko yung earphones ko at nagpatugtog.
Mabilis na lumipas ang mga oras at ngayon ay lunch break na.
"Oh, the nerd is here."
"Sobrang landi talaga nang Dasuri na yan. Nung lumipat dito sina Yohan my loves, nilalandi nya. Tapos ngayon, yung kambal na transferee naman."
Bulong bulungan nang mga students na babaeng malapit sa pwesto namin. Dito kasi kami ulit sa canteen kumain. You know naman.
"Blaaaaaag!"
Nagulat kami nang biglang matumba ang lamesang malapit dun sa nagbubulungan at nabasag ang mga plato at basong nakalagay doon. Mabuti na lamang at nakaalis na ang nakaupo doon.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa kinakain ko, pero bago yun ay nahagip kong nakangiti sya. Bakit kaya parang natuwa sya sa nangyari? Ipinagsawalang bahala ko nalang yun. Namamalikmata lang siguro ako.
Matapos ang nangyari ay himalang tumahimik sa loob nang canteen. Nawala ang mga bulong bulungang naririnig namin kanina. Especially yung tungkol sa akin.
Akala ko ay tuloy tuloy na ang katahimikang ito. Ngunit tila nagpahinga lamang sila at bumalik nanaman sa panlalait sa akin.
"Can you please shut the f*ck up!" Inis na sigaw ni Blue kasabay nang paghampas nya sa lamesa.
"Pag hindi parin kayo tumigil at tumahik, ipasu-suspend namin kayo. Or worst, ipae-expel namin kayo!" Sigaw naman ni Red.
Tumahik nang muli dito at wala na sino man ang nagtangka pang magsalita. Thank goodness, tumahimik din.
Nang makabalik kami sa room, saktong pagpasok nang aming guro kaya sinimulan na kaagad ang aming klase.
>Someone's POV<
"May nakikita ka na ba?" Tanong ko sa matanda pagkapasok ko palang sa kanyang tahanan.
Yumuko siya upang magbigay galang bago magsalita. "Sa ngayon po ay wala pa naman po akong masyadong nakikita mahal na reyna. Ngunit kailangan pa rin nating mag-ingat." Diretso syang tumingin sa aking mga mata. "Hindi ko pa nakikita kung kung anong eksaktong mangyayari, ngunit nakasisigurado akong malapit na ito. Madami ang mamamatay , marami ang masasaktan. Isa itong malaking labanan, isang panganib na magdudulot nang malaking kapinsalaan sa ating mundo."
Panganib? "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Malapit nang magising ang kapangyarihan nang dalawa. Ang isa ay ang tagapagwasak, at ang isa ay tagapagtanggol." Sabi niya.
"Anong dapat nating gawin upang mapigilan itong mangyari?" Tanong ko. Natatakot ako, natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari, at sa kung anong maaaring mangyari sa aming kaharian at nasasakupan.
"Wala na tayong magagawa. Nakatakda na itong mangyari. Nakatakda na ang lahat, at hindi na natin ito mapipigilan."
"Ano pa? Ano pa ang iyong nalalaman?" Tanong kong muli. Nais kong malaman ang lahat. Kung ano ba talaga ang mangyayari, kung sino ang mga nakatakdang wawasak at kung sinong nakatakdang magligtas sa aming mundo.
"Yun lang po kamahalan. Wala na akong nalalaman. Sasabihan ko nalang po kayo kung may bago akong makita sa aking pangitain." Pinal niyang sabi at yumukong muli.
Kung gayon kailangan naming maging mas maingat at maging handa. Dahil wala kaming kasiguraduhan kung kailan mangyayari ang labanang sinasabi niya. At kapag dumating na ang panahong iyon, sana Ay nandito na siya.
------------
Hi sa inyo.😊 Ayos ba?
Sinipag si author mag UD😂
btgkoorin Dedicated to sayo bes, congratulations sa atin😂
Okay lang pong mag vote, lalo na ang mag comment para naman po alam ko kung anong tingin nyo sa istoryang ito. Okay lang kahit di magandang comment basta pag may napansin kayong mali dito, pakisabi lang po. Para naman aware ako. Hehe 😅😂
Yun lang. Maraming salamat po.😘
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Fairy Princess
FantasyShe's known for being a nerd. They always making fun of her. But what if one day, they knew that she is a princess. That, ''That Nerd is a Fairy Princess" Will she save her world? Her kingdom? Or will she stay being an ordinary nerd girl, and ignore...