Chapter 1

299 10 2
                                    

KRRIIIIINNNNGGG!!!

Aish!!Ang aga-aga pa ang ingay na!!

Inabot ko yung cellphone ko para patayin pero...

PAK!

"Aray ko! Ano ba yun??", may pumalo sa braso ko

"Aba! Nagrereklamo ka?" at namulatan ko ang galit na mukha ni Mama

"Ah..hehe.. Hindi po ah! Gigising na nga po ako eh!" sabay tayo ko sa kama

"Oh? San ka pupunta?" tanong ni Mama nung palabas na ko ng kwarto

"Sa Hell Ma, Sama ka?"

"Aba't---"

"Waaah!!" kinuha ko na agad yung tuwalya ko at dumiretso sa banyo para maligo at baka hindi na makapagtimpi sakin ang nanay ko!

First day pala ng klase ngayon kaya ganun na naman si Mama... Haaay.. Simula na naman ng kalbaryo!!

BANG! BANG! BANG!

Jusmiyo! Ano ba daw yun!

May sumisira na ng pinto ng C.R.

"Kharen! Hindi lang ikaw ang maliligo! Bilisan mo!" Naku! Yari na naman ako.

Hindi naman kasi kami mayaman na bawat kwarto ay may C.R. Isa lang ang C.R. namin sa bahay.

"Opo Ma! Wait lang po!"

"Yan ka na naman sa wait mo! Sige lang tagalan mo pa nahiya na naman ako sayo!"

Ooops.. Galit na talaga si Mama!

Makalabas na nga! Pero siyempre tapos ko na lahat ng kailangan kong gawin bago ako lumabas.

"Oh! Lumabas ka din! Kala ko dun ka na titira sa loob ng banyo eh-----"

"Sana di ka na lumabas! Naku ikaw talaga Kharen! Ang tanda-tanda mo na di ka parin nagbabago!" , pagtatapos ko sa sermon ni Mama! Kabisado ko na lines niya eh!

"Sige na po Ma!Magbibihis na po ako.. Ba-bye!", sabi ko sabay wave ng hands..

Pagkapasok ko sa kwarto ay nagsuot na ko ng uniform at nag-ayos na.Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng kwarto. Nakita kong kumakain si Papa kaya sumabay na ko.

"Good Morning!!" bati ko

.

.

.

.

Ayy.. Walang pumansin sakin..

"Alam mo Kharen magbago-bago ka na ha!" si Papa yun..

Makapagsabi naman ng magbago-bago parang kriminal ako..

Tumayo na ko at baka gumatong pa si Mama.. kilala ko na sila eh. Sasabihan na naman akong isip bata!!

"Sige po! Papasok na po ako! Ayaw ko pong ma-late!"sabi ko at pagkatapos ay nag-kiss ako sa cheeks nila.

Lumabas na ko ng bahay at nagsimula nang maglakad.Walking distance lang naman ang school kaya okay lang.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong pamilyar na mukha. Nagtago agad ako sa poste

Kasi naman.. Palabas ng gate ng kanilang bahay ang aking lab op may layp.

Pareho kami ng subdivision na tinitirhan kaya naman ang swerte ko dahil lagi ko siyang nakikita kada papasok ako. Hmm.. Mabati nga.

"Hi My Loves! --este Jerme!! Good Morning!"

"Oh? Ano na naman?",pagsusungit niya

Tsh.Ang sungit talaga nito.

"Grabe naman! Ang aga-aga menopause ka agad? Bumabati lang naman ako! Hmp.. Jan ka na nga!"iniwan ko na siya  at nauna nang maglakad

Epal siya ah! Aga-aga iniinis ang beauty ko! Bago pa ko makapasok sa main gate ng school ay nakita ko si Sol na naglalakad kaya pinuntahan ko na siya.

"Mareeee!!!" tawag ko

Kaso ang gaga mas binilisan ang lakad! Nung naabutan ko na siya ay hinila ko yung buhok niya.

"Araaay.."

"Good Morning Mare! I misshuu!!"

"Ayy.. Ang bunganga ah! Pang-nationwide!!Aga-aga nag-iingay!" sabi naman ni Sol

Grabe talaga to! Meanie!!!

"Na-miss lang kita tapos ganyan ka pa!"

"Manahimik ka na lang at pumasok na tayo! Kuha mo?" tss.. nahawa na siya kay Avah Chen

Pagpasok naman namin sa gate ng highschool ay may sumalubong samin.

"Mareeeee!! Ditooo!" Tili niya pagkakita samin ni Sol

"Waaah!! Baklaaaaa!" sabay na sigaw namin nitong kasama ko

Lumapit naman kami sa kanya at kung titingnan kami ay para kaming mga hindi nagkita ng ilang taon at ngayon lang nag-reunite!Haha!

Maya-maya rin ay pumasok na talaga kami at tuloy-tuloy na hanggang sa quadrangle

"Mic test... mic test..."

May biglang nagsalita sa stage kaya dun napunta yung attention namin

"Students of Valeriano E. Fugoso Mem. School please proceed to your respective advisers now..Thank you!" sabi ni Sir Reginio, teacher sa Mapeh..


Yung ibang students sa High Rise Building pumunta eh kami sa SEDP Building naman.. dun kasi yung room ng adviser namin na Chemistry teacher.

Nakita ko naman si Jerme kasama yung friends niya na papasok sa isang room.. Yun na siguro yung room namin.

♥♡♥

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now