Chapter 16

52 6 20
                                    

Kharen's POV

"Aah.. Sige na! Bilis!",sabi ni Derrick

"Ayoko nga! Tsaka ano bang ginagawa mo? Nakakahiya!",sabi ko naman sa kanya

"Hindi naman ah.. Sige na kasi.. Aaah.."

Aysh! Ang kulit talaga ni Derrick. Alam niyo ba kung anong nangyayari? Nandito kami sa canteen, kumakain.Pinipilit niya kasing ipatikim yung carbonara na baon niya.. Kaso.. Ayoko..

"Sige na.. Masarap nga to.. Aah na!",tapos ngumanga rin siya at akmang susubuan ako.

"Eeh! Ayoko nga niyan!",sabi ko naman

"Bakit ba kasi?"

"Ayaw ko ng lasa.. tsaka feel ko kasi di masarap kapag gatas yung sangkap eh.. Hindi naman sa hindi ako umiinom ng gatas. Parang di lang talaga magandang pares ang pasta at gatas..",sabi ko

Hindi kasi talaga ako kumakain ng carbonara. Kaya nga spaghetti yung inorder ko eh.

"Paano mo kasi malalaman kung hindi mo titikman. Tsaka masarap magluto ng carbonara si Mama kaya sigurado akong maguhustuhan mo to..",haay.. ang persistent ni Derrick ah!

Tinitigan ko naman yung hawak ni Derrick na tinidor na may nakapulupot na carbonara.

Uh.. Ano? Titikman ko ba? Tsaka nung first time ko kasing tumikim eh hindi ko nagustuhan. Pero ang persistent kasi si Derrick eh. Kanina pa siya pilit ng pilit.

Hmmm.. Sige na nga! Wala naman sigurong mawawala sakin?

"Ah..",binuksan ko na yung bibig ko at sinubuan na niya ko ng carbonara

Nginuya ko ng mabuti yung pasta. In fairness, masarap nga! Baka dipende talaga sa luto yung panlasa ko. Ang imba ko naman.

"Oh, anong lasa?",tanong ni Derrick..

"Ang sarap nga..",sabi ko tapos nag-thumbs up sa kanya

"Sabi ko sayo eh..",sabi nya tapos ngumiti

Nakisalo naman ako sa Carbonara niya. Masarap eh! Lagi na kaming magkasama ni Derrick. Siya laging kasabay kong mag-vacant at kumain. Ayaw nya naman kasing sumama sa ibang boys na kaklase namin. Hindi daw niya feel.

Lagi niya rin akong hinahatid pauwi kaso lagi lang talaga siyang troll. Buti nalang talaga nandyan si Derrick. Kung hindi baka nagmumukmok ako dyan sa isang tabi.

Hindi na kasi kami nakakapag-usap ni Jerme. At aaminin ko.. Nami-miss ko na siya.

"Oh? Tulala ka na diyan?",sabi ni Derrick..

Huh? Nakatulala na pala ako?

"Wala..Kain nalang ulit tayo.",sabi ko at sumubo ulit ng carbonara.

Jerme's POV

Nandito ako ngayon sa faculty room. Inaayos yung mga files sa laptop ng adviser ng Campus Crusaders Club. Ewan ko ba kung bakit pa ako ang inutusan, nandyan naman yung Computer students.

Mag-isa lang ako dito dahil nasa conference room ang mga teachers, nagmi-meeting.

"Wag na nga kasi! Okay lang ako!",may narinig ako galing sa labas na isang pamilyar na boses. Papalapit dito..

"Okay lang rin naman saking hintayin ka..",sabi naman ng lalaki

"Malapit lang yung bahay ko. Eh ikaw.. Malayo ka pa. Sasakay ka pa ng jeep.."

May humintong dalawang estudyante sa tapat ng pinto ng faculty room. Isang babae at isang lalaki..

"Ayos lang nga. Bakit ang kulit mo?",sabi nung lalaki..

Teka.. parang yun yung transferee naming classmate.. si.. ano nga ulit pangalan nun?

"Ikaw kaya ang makulit diyan!! Sige na Derrick..Umuwi kana!",sabi nung babae..

Si Khakha..

Napatitig lang ako sa kanila. Bakit sila magkasama?

"Tsk..",tapos tumunog yung phone nung Derrick at may binasa dun. Si Khakha naman nakatitig lang.

Bumuntong hininga naman yung Derrick pagkatapos mabasa yung text ata..

"Bakit? Anong sabi?",tanong ni Khakha.

Close ba sila?

"Mukhang umaayon ang panahon sayo. Pinapauwi na kasi ako ni Mama.. Tsk.. Pano yan? Di na kita mahahatid pauwi?",sabi nung Derrick

Aba! Service ba siya ni Khakha para ihatid niya pauwi? Tss!

"Hehe! Okay lang naman talaga.. Kaya sige na! Shupi na! Hinihintay ka na ng Mama mo!", sabi ni Khakha

Yan.. Tama.. Pauwiin mo na siya!

Bumuntong hininga naman ito,"Sige na nga! Mauna na ko ah..Wag mo ko masyado isipin ha?",sabi nung Derrick

Tss.. Sino ba siya para isipin ni Khakha?

"Yabang! Sige na! Wag mo rin ako iisipin baka hindi na ko mawala sa isip mo!",sabi ni Khakha

"Haha! Bye.."

"Bye rin..",sabi naman ni Khakha habang nakangiti

Tsk! Bakit ba nya nginingitian yan? Dapat ako lang nginingitian niya!

Pagkaalis nung Derrick eh tumalikod na sya. Ibig sabihin nakaharap na sya sakin. Pero di parin nya ko napapansin kasi nakatingin parin sya sa labas at nakangiti..

Tss... Nakakaasar! Eh ba't ba ko naaasar?

Maya-maya humarap na siya at makikita mong nagulat siya. Haha! Ang cute talaga niya..

"AyAnakKaNgKabayo!!",sabi niya dahil sa gulat.

Natawa naman ako ng mahina..

"Ah.. he-he.. Di ko alam na.. may tao pala.. dito..",sabi niya tapos ngumiti ng pilit

Kinakabahan ba siya?

"Uh.. bakit ka nandito?",tanong ko

Gusto ko siyang kausapin.. Ewan ko kung bakit..

"Ah.. ano.. inutusan kasi ako ng teacher natin sa A.P. alam mo naman si Ma'am..",sabi niya tapos umupo sa isang teacher's table at nag-ayos ng folders..

Tinitigan ko lang siya. Pero nung tumingin siya, tiningnan ko yung screen ng laptop.

Matapos na nga tong pinapagawa sakin! Teka.. Kinakabahan ba ko? Pero bakit naman?

Plug..

My new story.. 'When SARANG Cames'

Medyo hango to sa nangyari sakin nung nag-take ako ng ACET.. hihi..

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now