Chapter 12

69 8 4
                                    

Kharen's POV

August na kaya naman nag-culminating program na ang H.E. Dept. Tapos na ang Nutrition Month at Buwan na ng Wika.

Pinapanuod ko ngayon yung mga Filipino Club officers habang nagdidikit ng backdrop sa stage. Actually hindi naman talaga pinapanuod. Nandito kasi ako sa gitna ng quadrangle. Naglalakad ako at nakikita ko sila mula dito..

Inutusan kasi ako ng last subject teacher namin na isauli yung bote ng Tropicana sa canteen. Ako kasi yung pinaka malapit sa teacher's desk kaya yun!

Umakyat na ko ng highrise at bago pa ko makapasok ng room eh narinig ko na silang nag-goodbye.

"Goodbye and thank you! See you tomorrow! God bless us!",oh diba?

Pinauna ko naman munang makalabas yung iba bago ko pumasok. Pero kung mag mga kaibigan ka nga namang malalakas ang trip.

"Arauch!",napagsama ko tuloy ang aray at ouch.

Itulak daw ba kasi ko!

"Sorry..",sabi ko sa nabangga ko.. Tiningnan ko kung sino. Si Josh pala. Kaibigan ni Jerme.

"Okay lang..",sabi naman niya tsaka ko binitawan. Muntik na kasi akong sumubsob. Buti nalang, nahawakan niya ko.

"Salamat pala..",sabi ko

Nginitian lang nya ko tsaka lumabas ng tuluyan. Parang may something sa ngiti niya. Ay baka guni-guni ko lang yun!

Kasunod naman niya si Jerme na naka-poker face.

"Oy Friend! Musta?",bati ko. Friendships na kasi kami neto.

"Ewan ko sayo!",sabi niya tsaka tumalikod at naglakad na.

Problema nun?

"Oy! Problema mo?",sigaw ko kasi medyo nakakalayo na siya.

Lumingon naman siya..

"Wala!",sabi niya tapos nagbelat. pagkatapos naglakad na uli sya

Tinotopak na naman siguro. Pasalamat siya crush ko sya!

Hinarap ko naman ang mga Friendships ko at bigla silang patay malisya.

"Bakit nyo naman ako tinulak?"

"H-ha? Hehe..",sabi ni Yen.. Aba! Nginitian lang ako? Porket maganda sya dinadaan niya ko sa ganyan?

"Dapat kasi talaga kay Jerme ka namin itutulak, kaso biglang naunang lumabas si Josh eh.. Kaya ayun!",sabi ni Que

"Hehe..Wag kang mag-alala girl..Next time, bull's eye na kami! Promise! As in saktong sakto na sa puso ni Papa Jerme!",sabi naman ni Glen

Pumasok nalang ako sa room habang natatawa.Loka loka talaga sila. Kumuha na ko ng walis at nagsimulang maglinis.

Grupo kasi namin ang Cleaners ngayon.

Jerme's POV

"Hoy Jerme.Wag kang makakalimot sa pinag-usapan natin ah.",sabi ni Josh

"Wag kang mag-alala.May isang salita ako.",sabi ko naman at pumunta na sa tabi ng guard house. May upuan kasi dun at doon ako maghihintay.

"Kenneth! Nasan si Kharen?",tanong ko sa kaklase kong ka-group ni Kharen nung makita kong palabas na siya

"Ah! Ayun pababa na! Bakit?",tanong niya sakin

"Wala naman.."

"Sus.. Wala daw! Sabihin mo.. Dumada-moves ka no? Yiee..",sabi naman niya sakin

"Hindi ah! Lumabas ka na nga.. Hinihintay ka na nila CeeJay.. Sabay daw kayo umuwi!",sabi ko kasi alam ko sabay sabay silang umuuwi.

Lumabas naman na sya nun pero inaasar niya parin ako.. Tsk.. Maya-maya eh nakita ko narin si Kharen.

Naglakad na ko papunta sa kanya at sinabayan siya. Kaso.. Hindi niya ko napansin. Busy kasi siya sa Cellphone niya.

May pinapanuod siya eh. Music Video ata May sumasayaw na mga babae tapos, hindi ko naman maintindihan yung kinakanta.

"Ano ba yan?",tanong ko kay Kharen

Dun lang niya ko napansin..

"Ay nako! Nakakaloka ka Jerme! Kelan ka pa diyan?",sabi niya. Ngayon lang niya naramdaman na nandito ko

"Kani-kanina lang.. At tsaka ano ba kasi yang pinapanuod mo?!",tanong ko at bigla naman siyang parang na-excite

"Ito oh!",tapos linapit niya ng sobra sa mukha ko yung phone niya.

"Ano ba? Ayusin mo nga!",inayos naman niya pero ang hyper ng mood niya.

"Ito oh.. Ang galing nila diba? Ito.. Si Jessica Jung. Mukha siyang barbie dito. tapos dito.. Ang cute niya! Parang kitten! Waah! Ang gaganda nila! I got a boy meotjin~",sabi niya ng tuwang tuwa at sinabayan pa yung kanta

Ang kulit niya ngayon ah!

"Sino ba yan?"

"Mga ate ko..",walang kagatol-gatol niyang sagot.

"Huh?"

"Kasing ganda ko sila diba?",sabi niya habang tinataas-baba yung kilay niya.

Hindi ko alam pero na-cute-an ako sa gesture nyang yon. Binalik niya na yung mata niya sa phone niya at hinayaan ko lang siya. Sabi niya, Girls' Generation daw yung grupo na yun. Kpop daw.

Tahimik ko nalang syang sinabayan dahil di naman ako relate. Maya-maya, linagay niya yung phone sa bulsa niya.. ibig sabihin tapos na siyang manuod..

"Dapat nauna ka nang umuwi..",sabi niya

Napatingin ako sa kanya..

"Dapat di mo na ko hinintay..",dugtong pa niya

"Bakit? Masama?"

"Hindi naman.. Eh marami kasing assignments.. Inaalala lang kita.. Kung umuwi ka na edi sana kanina ka pa nakakagawa diba?"

"Sus! Alam mo..", sabi ko tapos inakbayan siya.. ,"Okay lang kahit nga gabihin pa ko.. Kasi kayang-kaya ko naman lahat yun!",sabi ko

"Ang yabang mo!",tapos bigla naman niya kong kinurot sa tagiliran

"Aray naman! Ikaw talagang bata ka!"

Lumingon naman siya..

"Hindi na ko bata no!",sabi niya tapos ngumuso

"Haha! Hindi daw! Eh pang-grade six nga lang height mo eh!",sabi ko

Sinamaan lang niya ko ng tingin at naglakad na ulit..

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now