Chapter 25

72 5 5
                                    

Brr.. Ang lamiig~

Malapit na talaga ang Paskooo~ ^^

Be careful of cold everyone! ~^^

-----

Derrick's POV

Jinggam bell jinggam bell, jinggam all the way..♪

Rinig kong kanta ng mga bata.

Nangagaroling sila pero mali mali pa yung lyrics nila. Haha!

Lumabas ako para bigyan sila ng Candies..

Ang ku-cute nila, ang liliit kasi nila eh. Mga lagpas ng tuhod ko yung height nila. Tuwang tuwa naman sila nung kinuha yung kendi.

"Oh Sasha.. Sayo na tong kendi ko, basta samahan mo ko mamaya ah!",sabi nung batang lalaki dun sa isang batang babae..

"Hmp! Ayoko nga! Papagalitan na naman ako ni Mama..",sabi nung batang babae

"Sige na..",kulit sa kanya nung batang lalake

Nakakatuwa naman sila. Nagkulitan lang sila hanggang paalis sa tapat ng bahay.

Naalala ko tuloy yung dati naming kapitbahay, si Summer..

Hindi naman actually dating kapitbahay. Nandyan parin kasi yung grandparents nya. Sila ng parents nya ang lumipat.

Lagi ko yung inaasar. Hindi kami ganun ka-close at lagi kamimg nag-aaway.

Pagkapasok ko sa kwarto, nakita ko yung regalo na ibibigay ko kay Kharen. Akala ko makakalimutan nya si Jerme. Mali pala ako.

Pero wala na kong magagawa eh. Sya talaga yung gusto ni Kharen. Sana lang wag nya syang saktan.

Biglang tumunog yung phone ko.

Accept Decline

Sinagot ko yung tawag..

"Apo..",sabi sa kabilang linya

Si Lolo pala.. Ano kayang sasabihin nito?

[Kinabukasan]

Jerme's POV

Ano kayang magandang regalo para kay Kharen?

Nasa Mall kami ngayon ni Mama. Sa groceries at namimili ng mga sangkap sa iluluto mamaya. Noche Buena na kasi.

At wala pa kong panregalo kay Khakha ko..

Sa sobrang pag-iisip ko kung ano, wala pa kong nabili.

"Ma, ano bang magandang panregalo para sa isang babae?",tanong ko

"Kay Kharen ba?",sabi nya. Alam niya kasing nililigawan ko si Khakha..

"Opo.. wala pa po kasi akong nabibili eh.. Gusto ko yung magugustuhan nya.."

"Ang mga babae kasi, gusto nila yung nag-e-effort yung lalaki para sa kanila.. Dun namin nararamdaman na mahalaga kami sa kanya..",sabi nya habang kumukuha ng gulay sa shelf

"Effort?"

"Oo.. basta kailangan maparamdam mo kay Kharen na mahalaga sya sayo.."

Hmm..

Isang bagay na dapat may effort..

Ah! Alam ko na..

Kharen's POV

6:30 pm na. Hala! Nae-excite ako na ewan!

Nagluluto si Mama sa kusina at kanina tumulong ako. Nagbihis na ko kasi mamaya magkikita kami ni Jerme. Oh diba! Kumekembot ang status naming dalawa! Haha!

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now