Chapter 31

67 4 7
                                    

Kharen's POV

'Love doesn't always make you happy.. Sometimes.. it is the reason why you are hurting..'

Eto na naman ang mga luha ko.. Wala na ba tong katapusan? Parang di nauubos. Kung bakit naman kasi binasa ko pa tong librong naiwan ng pinsan ko dito sa bahay.

Alam ko naman kasing tungkol sa love to pero pinakialaman ko parin kaya yan! Haay Kharen.. Kelan kaya ang araw na di ka na iiyak dahil sa kanya?

Kung bakit kasi naging tanga ako? Naiinis ako sa sarili ko dahil naniwala ako sa mga kasinungalingang sinabi niya sakin. Ganun talaga siguro ako kadaling utuin kaya ako yung napili nilang pagpustahan. Ang sakit..

Sana pala nakuntento nalang ako sa pagiging magkaklase LANG. Ugh! Nakakainis!

Sinara ko na ang libro at ipinatong ito sa study table ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa kama. Paglapat ng likod ko sa higaan ay kasabay ng pagtulo ng luha ko. Ganito nalang ako gabi-gabi.

Kharen, tumigil ka na! Wag mo na siyang iyakan dahil wala siyang karapatan sa mga luha mo!

"KAILANGAN na nating bumuo ng team para sa Intramurals.",sabi ng president ng klase namin

Tahimik naman ang buong klase at nakikinig sa kanya

"As usual, isang team ng babae at isa rin sa lalaki.. Magpalista na lang kayo sa Secretary natin habang maaga pa dahil alam niyo namang may qouta pang kailangang buuin."

Last year sumali ako sa Basketball Girls pero tingin ko hindi muna ngayong taon para chance naman sa iba.

After magpalista ng mga classmates ko ay bumaba na rin kami. Walang nagpalista saming mga friendships. Di ba nga, may katamaran syndrome kami at kapag ayaw ng isa, ayaw rin ng lahat.

March na ngayon at T.L.E. Month na. Parang kelan lang ay kakasimula palang ng klase, ngayon ay magtatapos na naman ang school year. Nagsisimula narin mag-practice para sa graduation ang mga 4th year students kaya naman ay dinadramahan na ako ni Ate Via.

Pababa na kami ng hagdan nung may humarang sakin."Ate Kharen, pinapatawag po kayo sa Room 204 sa SEDP Building.",sabi ng isang Sophomore, nahulaan kong sophomore siya base sa kulay ng I.D. Lace niya, yellow.

"Bakit daw?",tanong ko sa kanya

"Hindi ko po alam eh. Sige po mauna na po ako.",sabi nito at nagmamadaling tumakbo paakyat ng hagdan

"Teka--",hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil nakaakyat na siya.

Itatanong ko sana kung sino yung nagpapatawag sakin. Hayaan na nga..

Nagpaalam muna ako kila Sol. Humiwalay na ko sa kanila at lumiko papunta sa SEDP Building. Room 204? Yun yung room ng adviser namin kaya siguro si Sir yung nagpapatawag sakin? Bakit kaya?

Pagdating ko sa tapat ng room ay nakasarado yung pinto kaya naman ay kumatok ako.

Tok! Tok! Tok!

"Sir?",sabi ko at di rin nagtagal ay binuksan na ang pinto

Pero di ko inaasahan na siya yung magbubukas. Mukhang nagulat siya. Hindi niya siguro inaasahan na pupunta ako.

Ngayon ko nalang ulit siya nakita pagkatapos ng halos isang buwan. Ang nakakatawa ay nasasaktan parin ako. Pero alam ko sa sarili kong naka-move on na ko. Yumuko ako mula sa pagkakatitig sa kanya.

"Si Sir?",ako na ang unang nagsalita dahil parang wala siyang balak umimik.

Parang natauhan naman siya at sinabing.. ,"N-nasa Faculty Room. May meeting daw kasi ang Faculty members."

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now