Chapter 3

202 8 3
                                    

Kharen's POV

Buong araw akong badtrip.Nakakainis kasi si Jerme! Nag-sorry na nga ako nung nabangga ko siya kahit ang inappropriate yung mga sinabi niya pero ang sama parin ng ugali!

"Tss!Punta ka na nga kila Sol!Hinahanap ka na siguro nila!",kunyaring naiinis na sabi niya pero sigurado naman akong pupuntahan lang nito kung sino yung nililigawan niya

"Okiee.. Ba-byeee!Haha!", sabi ko habang naglalakad paabante pero nakaharap kay Mannel

Humarap na ko sa dadaanan ko pero..

Tog!

"Aray ko naman!",sabi ko tapos tumingin sa harap, pero dahil nga maliit ako,dibdib niya lang ang kaharap ko kaya tumingala pa ako.

At nabungaran ko ang di maipintang mukha ni Jerme

"Tss.. Puro kalandian kasi ang inaatupag kaya hindi na nakikita kung may mababangga ba o wala!",nagulat naman ako sa pasigaw niya

"Sorry..",ayaw ko ng away kaya naman di ko na siya pinatulan

"Sa susunod kasi, wag puro kalandian ang iniisip para hindi ka nakakabangga ng ibang tao!",sabi niya atsaka umalis

Huh!Ang kapal ng mukha niya ah! Nag-sorry na nga ako, ang taas parin ng pride? Kala mo kung sino! Nakakainis!

Nandito na ko sa bahay ngayon pero wala akong kasama kasi nasa kapitbahay si Mama,inaalagaan yung anak ng pinsan ko.Si Papa naman nasa trabaho pa.

Alam niyo napag-isip-isip ko,siguro dapat ko nang itigil 'tong kabaliwan ko.Hindi lang si Jerme ang lalaki sa mundo! Masyadong matagal na yung three years na pagkakagusto ko sa kanya!

Grabe.Three years narin pala.Naaala ko pa nung una ko siyang nakita.Grade 6 pa ko nun eh.Hindi ako palalabas ng bahay pero isang hapon na bumili ako sa tindahan,nakita ko ko siyang nagba-bike.Tapos ewan ko ba! Nagwapuhan ako sa kanya.

Simula nun lagi na kong lumalabas kapag hapon.Tapos aabangan ko siyang dumaan sa tapat ng bahay namin.Yun yung naging routine ko hanggang maka-graduate ako ng grade 6. O diba? Ang bata ko pa pero ang lantod ko na.

Tapos tinransfer ako sa V.E.Fugoso nung first year na ko.Nakita ko naman ulit siya sa school kasama yung mga kaibigan niya.Inisip ko nun na baka meant to be talaga kami.

Kaso di kami magkaklase eh.Section C ako tapos siya Section A kaya ginalingan ko talaga sa pag-aaral at pasalamat talaga ko na naging Section A ako nung Secong Year.

Dun na ko nagkaroon ng chance na maka-close siya kaso yun nga!Pabago-bago yung ugali niya.Hindi mo talaga maiintindihan!

Lagi rin akong nagjo-joke na Crush at gusto ko siya which is true naman pero yun, lalo lang naging masungit!

Hindi ko naman maamin sa kanya na totoo yun at di lang basta joke kaso baka i-reject niya ko.Lalo na't maraming mas magagandang babae kesa sakin yung umaaligid sa kanya.Ayoko rin kasing masaktan.Bata pa ko!

Alam ko naman kasi. Alam kong hindi niya ko napapansin.Kaya promise ko, simula ngayong araw..kakalimutan ko na siya..

"HUY! Kharen! Lalim ng iniisip mo ah!", sabi ni Que

"H-ha?",ano ba yun?

"H-ha?",ginaya naman niya ko"Ano bang dinadamdam mo ha?"

"Wala ah!Teka.. anong oras na ba?",pag-iiba ko ng topic

"1:55 pm na po!",sabi naman niya

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now