Chapter 34

54 5 3
                                    

Kharen's POV

Nagulat si Jerme dahil akala niya ay tulog ako nung sinabi niya ang mga bagay na yun. Nakatitig lang siya ngayon sa akin, parang nag-iisip ng sasabihin.

"Handa na akong pakinggan ka. Pero.. hindi ko pa sigurado kung handa na akong pabalikin ka sa buhay ko.",sabi ko habang nakatitig sa kanya

Siguro naman ay panahon na rin para pakinggan ko na ang side niya. Gusto ko ring malinawan sa lahat ng nangyari

Matagal niya akong tinitigan. Pakiramdam ko tuloy kinakabisado niya ang features ng mukha ko. Pagkatapos ng ilang sandali ay umiwas siya ng tingin.

Jerme's POV

Siguro nga ay panahon narin para malaman niya ang totoo. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagpakawala ng malalim na hininga.

"Alam mo ba naiinis ako sa kakulitan mo?",simula ko.. "Ang kulit mo at lagi mo kong ginugulo.. Halos araw-araw nandyan ka para lang asarin ako..",dugtong ko

Tinignan ko siya sa mga mata niya.

"Pero habang tumatagal, nasasanay na ko sa presensya mo. Parang hindi na buo yung araw ko kapag hindi mo ko kinukulit. Tapos isang araw, sabi mo gusto mo ko. Akala ko totoo, pero hindi pala."

Akala ko talaga noon, gusto niya ako. Tapos sabi niya joke lang. Hindi ko alam pero nalungkot ako noon.

"A-ano.. Hi-hindi talaga joke yun..",mabilis at mahinang sabi niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko

Napangiti ako.."Alam ko, aksidenteng nasabi sakin ni Glen.", mukha namang nagulat siya

"July last year nang gumimick ang barkada. Nagpupustahan sila tungkol sa kung ano-ano at di ako nakisali. Tahimik lang akong nakaupo nun. Pero sinali pa ko ni Josh.",unti-unti nang bumibigat ang loob ko, itutuloy ko pa ba?

Pero may karapatan din si Kharen na malaman ang totoo. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Sinali ako ni Josh sa pustahan. Ang sabi niya dapat maging girlfriend kita at pagkalipas ng isang buwan ay kailangan kitang hiwalayan. Nagtaka nga ako kung bakit ikaw. Ang sabi niya, kapag nagawa ko daw ay bibigyan niya ako ng Jordan shoes. Kapag hindi ko naman nagawa ay ibibigay ko sa kanya ang XBox ko."

Wala siyang sinabi at mataman lang niya akong tiningnan. Pero halata kong nagtutubig na ang gilid ng kanyang mga mata.

"Hindi ko inintindi yung pustahang sinabi niya dahil hindi naman ako pumayag. Kaso kinukulit niya ako palagi, um-oo nalang ako sa mga sinasabi niya. Pero hindi ko ginagawa.",sabi ko

"Pagkatapos lagi na kitang kasama. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto kita laging kasama. Kaso isang araw nanghingi sakin ng pabor si Via. Sabi niya na lilipat na daw sila ng parenta niya kaya pumayag ako. Hindi ko naman alam na nagsisinungaling pala siya. Kaya noong nalaman ko ang totoo,hindi ko siya pinansin at lumapit uli ako sayo.At yung mga araw na kasama kita,yun ang pinakamasasayang araw ko.",sabi ko pa at tsaka ngumiti

Hindi siya nagsasalita ngayon kaya hindi ko alam kung ano bang nararamdaman niya. Sana naniniwala siya sa mga sinasabi ko

"Hanggang sa nahulog na ko sayo. Sobra. Na hindi ko na kayang lumayo sayo. Akala ko nga pinagti-tripan mo lang ako kasi ayaw mo kong sagutin. Pero nung December 29, napatunayan ko na mahal mo nga ako. Yun naman ang pinaka-hindi ko makakalimutang araw. Kaso nung dumating ang February, Prom Night.. Dun nawasak ang puso ko.."

"Jerme, halika nga dito sandali! May kailangan tayong pag-usapan!",sabi ni Josh at nagsimulang maglakad

Sumunod nalang ako dahil ayoko ng away. Napunta kami sa garden. Walang tao dito ngayon dahil ang lahat ay nasa quad. Prom Night ngayon at siguradong marami ang nagpapakasaya.

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now