Chapter 32

69 5 3
                                    

Kharen's POV

"Congratulations Industry!",sabi ni Sir samin

Champion kasi ang section namin sa kakatapos lang na Intramurals. Parehong panalo sa Boys and Girls title. Kaya kahit closing party na ay masaya parin kami.

Nagkainan na kami pagkatapos ng speech ng Mythical 6 at MVP. Kasama ko sila Glen sa iisang table.

"Hi Girls!",napalingon kami sa nagsalita

"Derrick!",sabi ko

Kasi naman.. Ngayon ko lang ulit siya nakita. Sobrang busy niya kasi nitong nakaraan kaya naman halos di na kami makapag-usap. Pero nandyan naman siya nung kailangan ko siya.

"Nakakainis ka, alam mo yun? Bakit ngayon ka lang nagpakita ulit? Siguro may nililigawan ka no?",sabi ko

"Oo nga! May pinopormahan ka yata eh.",dagdag ni Que

"Oy wala ah! Kayong lima lang ang babae sa buhay ko!",sabi naman ni Derrick

Tuwang-tuwa naman si Glen dahil nga limang 'babae' ang sabi ni Derrick.

"Tss.. Sigurado naman akong kapag dumating na yung babaeng makakapagpatibok ng puso mo ay makakalimutan mo rin kami!",sabi ni Sol

Nailing nalang si Derrick dahil sa mga pinagsasabi namin.

Masayang tumakbo ang party namin. Wala namang iyakang naganap dahil hindi pa naman kami ga-graduate. And speaking of, nag-graduate na sila Ate Via at Kuya Dorothy nung isang araw lang at may closing party din sila ngayong araw.

Tanghaling tapat nang matapos ang party namin. Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil may kanya kanya ding lakad.

Nag-abang ako sa labas ng room nila Ate Via. Two weeks ko na rin siyang di nakakausap eh. Mag-gu-goodbye na ko sa kanya. At papaiyakin ko siya. Pero yung tears of joy ah.

Hindi naman ako galit kay Ate Via kahit nakita ko sila ni Jerme na magkausap. Okay na naman kami at ano namang paki ko kung nagkakamabutihan silang dalawa, diba? Tutal naman ay nakapag-move on na ko.

Papagkwentuhin ko nga siya kung ano nang ganap sa kanilang dalawa.

Maya-maya rin ay naglabasan na sila. Pagkakita niya sakin ay agad niya akong pinuntahan.

"Kha~ Mami-miss kita..",sabi niya at mahahalata mo ang lungkot sa tono niya

Natawa tuloy ako. Kahit kasi masungit siya ay may soft side parin siya.

"Mami-miss rin kita..",sabi ko at niyakap naman niya ako.. ,"Pero ako lang ba ang mami-miss mo?",dugtong ko

Nagtataka naman siyang napatingin sakin.

"May hindi ka sinasabi sakin..",turan ko.

Tinutukoy ko yung kaganapan sa kanila ni Jerme. Siya naman kasi ata talaga ang gusto nito.

"Ha? Anong pinagsasasabi mo?",sabi niya na parang wala talagang idea

"Kayo ni Jerme..",sabi ko. Bakit parang ang hirap sabihin?

"Oh anong meron samin?",tanong niya

"Diba.. kayo na?",dahan-dahan ko pang sabi kasi nagtataka siya

"Ha? Bakit mo naman naisip yan? Natauhan na ko sa kanya! Matagal na! Sayo na yun!",sabi niya kaya ako naman ang nagtaka

"Eh bakit magkasama kayo sa clinic nung Intrams? Kaya nga di na ko pumasok para di ko kayo maistorbo.",sabi ko

"Nakasalubong ko kasi sila nun.. Galing ako sa comfort room. Na-injury daw siya kaya sumunod ako sa clinic para malaman kung anong nangyari. Bakit di ka pumasok? Ikaw pa naman dahilan nun..",sabi niya kaya lalo akong nagtaka

"Kharen!",napalingon naman ako sa tumawag sakin. Si Kuya Dorothy

Hinarang siya ni Ate Via at sinabing.. ,"Oops! Wag kang lalapit! Akin muna si Kharen.. Mamaya ka na!"

"Hmm? Eh ako kaya ang pinunta niya.",sabi niya at tinignan ako

Napatingin naman din sakin si Ate Via..,"Totoo ba yun?",tanong niya

Umiling kaagad ako dahil paniguradong aawayin ako niyan. Humarap ulit siya kay Kuya Dorothy

"Tss.. Alam mo imbento ka! Hindi naman daw eh!"

Binelatan lang ni Kuya Dorothy si Ate Via. Bakit parang bagay sila?

"Via! Halika sandali..",tawag ng isang kaklase nila

"Wait lang Kha ah.. Wag kang aalis!",sabi niya at tumango ako

Kami nalang ni Kuya Dorothy ang naiwan.

"Kuya.. Congrats ah! Graduate ka na!",sabi ko at tinapik ang balikat niya

"Oo nga eh.. Di na kita makikita..",malungkot na sabi niya

"Ang drama mo Kuya ah! Sigurado namang magkikita pa tayo.",sabi ko at napangiti siya

Bigla nalang tumahimik ang paligid. Feeling ko nga may nakatingin sakin kaya iginala ko ang paningin ko pero wala naman.

"Kharen, may sasabihin ako..",sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan

"Ano yun Kuya?",tanong ko at liningon siya

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita..,"Sa tingin ko..Titigil na ko sa panliligaw sayo.."

Tumingin siya sakin at nakikiita kong nasasaktan siya. Hindi naman ako makapagsalita dahil alam kong ako yung dahilan nun.

"Akala ko, makakalimutan mo siya kapag niligawan kita."

Mataman ko lang din siyang tinitigan. Hinintay kong magsalita siya ulit.

"Gusto kita. Matagal na,alam mo yan.."sabi niya at ngumiti,"Pero hindi mo ko gusto..",dugtong niya

"Kuya-",pinutol niya ang sasabihin ko at tinurang..,"Kasi mahal mo pa siya.."

Hindi ako naka-react agad. Mahal ko pa siya? Alam ko wala na. Wala na kong nararamdaman para sa kanya kaya paanong..

"Nahalata ko yun nung laban namin sa Basketball. Nung time na bumagsak si Jerme sa sahig ng court, nakita ko kung gaano ka nag-alala sa kanya.. Hindi ka mapakali. Alam ko gustong-gusto mo siyang puntahan kaya naman umalis na ko at bumalik sa laro. Nung tinignan kita sa bench kung saan ka nakaupo, wala ka na. San ka ba pumunta?"

"S-sa clinic..",mahinang sagot ko

"Tama nga ako. Simula noon, naisip ko na baka mas nakakagulo lang ako sa inyo. Bigla-bigla ba naman akong sumingit sa buhay niyo.",sabi niya at tsaka tumawa ng mahina

"Kuya.. wag mong sabihin yan. Hindi ka nakagulo sa buhay ko, namin.. Pinasaya mo nga ako eh..",sabi ko

"Pero mas mapapasaya ka niya.."

"Kuya.. naka-move on na ko, okay? Wala na siya sa buhay ko.",sabi ko sa kanya

Hinarap niya ako sa kanya..,"Sigurado ka? Kasi hindi iyon ang nakikita ko.. Hindi mo ko kailangang paniwalaan diyan dahil sa tingin ko hindi rin naniniwala ang sarili mo sa sinasabi mo.."

"Pero-",di ko na natuloy dahil niyakap niya ako

"Salamat.. Salamat sa sandaling panahong hinayaan mo kong makasama ka. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung mga panahong iyon. Pero sa tingin ko.. hindi ako yung makakapagpasaya sayo.."

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now