Chapter 20

54 7 0
                                    

Kharen's POV

Halos lahat ata ng estudyante, nakatingin sa kanilang dalawa. Mapasumasayaw o kumakain lang, napunta sa kanila ang atensyon.

Eh sino ba naman kasing hindi mapapatingin. Ang ganda nilang tignan. Bagay na bagay..

Nakakatawa. Para akong tangang nakatitig sa kanila. Ay hindi.. Tanga pala talaga ako. Kasi nakatitig parin ako sa kanila kahit nasasaktan ako.

Tumingin naman sa direksyon ko si Jerme pero nag-iwas ako ng tingin. Ang gwapo niya. Ang sarap titigan. Naka-tux siya na may touch of black and white.

Ang ganda rin ni ate Via. Naka-dress naman siya na may touch of  black and white din. Parang gusto ko nang umuwi.. Ayaw ko na dito..

"Hello! Pwede bang maki-share ng table sa inyo? Wala na kasing ibang bakante..",may nagsalita sa likod ko

Paglingon ko si Ate Via pala. Tumingin naman ako kila Sol at Glen, di pa kasi bumabalik yung iba. Nakatingin lang din sila sakin. Pero parang may ibig sabihin yung mga tingin nila. Tumingin naman ulit ako kay Ate Via.

"A-ah.. sige.. may bakante pa naman eh..",sabi ko at ngumiti

Ayaw ko namang maging rude sa kanila. Hindi ako bababa sa ganong posisyon para lang makuha ang atensyon ni Jerme. Pinaghila naman ni Jerme ng upuan si Ate Via.

"Thanks..",sabi niya at ngumiti kay Jerme

Parang wala ata sa mood si Jerme ngayon. Ewan, walang emosyon yung mukha niya eh.. oh ako lang yun? Pero ang sweet nila ah. Sila na kaya? Umupo naman na si Jerme sa katabing upuan which is sa kanan ko.

"Kha.. Sayo to oh..",bigla namang dumating si Derrick na may dalang juice

"Salamat..",sabi ko at inabot yung binibigay niya

Umupo siya sa tabi ko. Yung sa kaliwa naman. Alangan namang kumandong siya kay Jerme diba? Haha!Nai-imagine ko tuloy!

"Anong nangyayare sayo?",tanong ni Derrick

"Huh? Wala naman.."

"Tumatawa ka mag-isa tapos wala! Masaya ka siguro kasi nasa tabi mo na ulit ako no?"

Ang yabang talaga netong lalaking to.

"Oo nalang..",sabi ko sa kanya

Dumating narin sila Que at Yen.

"Uyy!! Alam niy---",hindi na natuloy ni Que yung sasabihin niya nung napansin nyang may ibang tao kaming kasama sa table.

"Uh.. hehe. hello po..",sabi ni Que pagkatapos niyang umupo

Nginitian naman sila ni ate Via at ,"Hello rin."

Si Yen wapakels lang. Ay ang taray ni teh.

May lumapit naman naman na lalaking 4th year student at in-approach si Ate Via..

"Hi Via.. Pwede ka bang isayaw?",sabi ni kuya pagkalapit

Tumingin muna sya kay Jerme pero parang walang pakialam si Jerme. Siguro kasi kumakain sya..

"Sure..",sabi ni Ate Via at inaccept yung kamay ni kuya


"OH-KAY.. Parang gusto ko ulit kumuha ng Shanghai.. Ay.. wait lang ah.",basag ni Que sa katahimikan.

Ilang minuto na kaming tahimik dito.. Hindi ko alam kung bakit.

"Ay.. ako rin.. nagugutom ulit ako.. Que! Wait for me!",sabi ni Glen tsaka tumayo

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now