Chapter 19

57 8 1
                                    

Kharen's POV

Okay.. Today's the day.Friday, 4:30 pm.

Maya-maya ay susunduin na ko ni Derrick. Haaay.. may oras pa para mag-back out diba? Pero nakakahiya naman kay Derrick tsaka sa friendships, kahit lagi nila kong inaasar eh mahal ko sila.

"Wow! Khakha! Ang ganda mo!",sabi ni Clyde. Kahit na mas matanda ako sa kanya, Khakha ang tawag niya sakin

"Oo nga Kha.. Ikaw na ang pinakamaganda dun.. sigurado ako..",sabi naman ni ate Kat. mama ni Clyde. Siya kasi yung nag-make up sakin.

Tinignan ko naman yung itsura ko sa salamin. Wait! Ako ba to? Haha! Ang ganda ko nga! Okay ang hangin ko na.

"Kha! Kha! Ang ganda mo!",sabi ulit ni Clyde habang medyo hinihila yung dulo ng above the knee dress ko.

"Sus.. maliit na bagay..",sabi ko ng pabiro

Tinawanan lang niya ko. Tinignan ko ulit yung sarili ko sa salamin.

Yung dress ko, above the knee at long sleeves. Light brown with touch of black tapos medyo see through yung long sleeves. Nakasandals ako ng 2 inch yung taas. Para naman tumangkad ako diba?

May sasabihin ako. Alam niyo ba binili lang namin tong dress kagabi sa Christmas Stalls malapit sa may Parang Market. Kapag 'ber' months kasi.. may instant stalls doon.. dresses, toys, foods at kung ano-ano pa yung mga binibenta, minsan may rides din.

Kaya nagahol ako kagabi, kasi nga dapat hindi ako aattend? Kaya di na ko naghanda. Kaso mapilit ang friendships.

"Nak.. nandyan na yung sundo mo..",sabi ni Mama mula sa sala. Nandito kasi ako sa kwarto ko

"Opo! Lalabas na po ako!",sigaw ko mula rito

Tinignan ko ulit yung itsura ko sa salamin bago lumabas. Haay.. Ang ganda ko talaga! Choss! Nag-feeling eh?

Paglabas ko, nakita ko si Derrick na naka-tuxedo. Bakit parang lalong pumogi si Derrick??

"Hi Derrick!",sabi ko nung nasa gate na ko.

"Oh.. He---",sabi niya tapos tumitig

Oh-kay.. Problema nito?

"Uy! Anyare sayo?",sabi ko at tinusok-tusok yung pisngi niya. Ang lambot..

"U-uh.. Wala.wala.. Hehe.. Ang ganda mo ngayon ah!",sabi niya

Natuwa naman daw ako. Hihi!

"Ngayon lang?",tanong ko

"Psh.. Oo na.. Lagi kang maganda..",sabi niya at ngumiti.

Nginitian ko rin siya. Biglang may pumasok sa isip ko. Bakit kaya di nalang si Derrick yung mahalin ko?

Siya yung laging nasa tabi ko. Hindi niya ko iniiwan at lagi nya rin akong napapasaya. Ang kaso, baka hindi niya rin ako magustuhan..


"Anak, umuwi ng maaga ah!",sabi ni Mama

"Opo.. uuwi po ako kaagad pagkatapos..",sabi ko

"Derrick ingatan mo yan ah!",sabi ni Ate Kat

"Opo!",sabi ni Derrick na nakangiti

Nagsimula na kaming maglakad. Oo.. maglalakad lang kami. Remember? Malapit lang yung school sa bahay.

Nakakahiya nga eh. May mga taong tumitingin samin.

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now