Chapter 4

160 9 4
                                    

Sol's POV


Linggo ngayon at magsisimba ako.Nakapagsimba na kasi ang mga minamahal kong kapatid kanina at di ako sinama kaya mag-isa nalang ako ngayong hapon.

Pagkatapos kong i-ready to go ang sarili ko eh nag-abang na ako ng jeep sa labas ng bahay.Alangan namang sa loob diba?

Nung meron ng jeep ay pinara ko at sumakay na. Kahit malapit lang yung simbahan eh sumakay na ko,ngayon lang naman dahil nagdidilim na.Kay,anong connect?

Sandali lang eh nakarating narin sa harap ng simbahan kaya bumaba na ko.

Kharen's POV

"Clyddeeee! Pwede ba itigil mo na yan?!",sigaw ko kay Clyde dahil sobrang kuliiit!

"Ayaw ko!",sabi naman niya sakin at pinagpatuloy ang ginagawa niya

"Aish!Bahala ka nga sa buhay mo!Kakainin ko yung KnickKnacks sa ref di kita bibigyan!",tapos tumayo na ko papuntang kusina

"Eeehh!!Isusumbong kita kay Mama Leo!",Abaa! Binantaan pa ko! ,"Mama Leo oh!Si Khakhaa!",sinumbong nga talaga ako kay Mama!

"Oh bakit?Ano yun?",si Mama siguro

Lumabas na kong kusina dala-dala yung KnickKnacks.

"Oh?Ano tong sinasabi ni Clyde ha?",sabi sakin ni Mama

"Ala!Siya kaya yung pasaway!Pinaghahagis ba naman yung mga laruan niya?Muntik na nga po kong tamaan sa mukha kanina eh!",kala ni Clyde ah! Ha!

"Ikaw naman pala yung pasaway eh!Ang mabuti pa ilagay mo na yung toys mo sa toy box at kakain na tayo..",tumingin si Clyde sakin na parang naghihingi ng tulong pero binelatan ko lang siya!Haha!

Hmp.Makapag-facebook na nga lang sa cellphone ko.

Pumunta ko sa best spot para maki-wifi.Dun ako sa sofa which is nasa dingding ng bahay.Nakiki-connect lang kasi kami sa tito ko na nasa kabilang bahay lang din.

Yung makulit kanina ay si Clyde.Siya po ang anak ng aking pinsan at siya yung inaalagaan ni Mama.Nandito kami ngayon sa bahay nila.

Maya-maya eh na-open ko na rin yung facebook ko. Scroll down lang ako ng scroll down sa news feed ko nung may isang status na nakapukaw ng atensiyon ko.

*Wag kang magmamahal ng taong di ka gusto.
Dahil para ka lang nagwawalis ng nakabukas ang electricfan.
Lahat ng EFFORT mo, NASASAYANG!!!*

Tama nga naman ang quote na yun. Relate daw ako! Biglang bumukas yung pinto kaya napaayos ako ng upo.Yung Lola't Lolo lang pala ni Clyde.At dahil nandito na sila,uuwi na kami ni Mama.. at mapuputol na ang bonding ko with Facebook.

Sol's POV

Tapos na ang misa and I'm on my. way home na.Pero naglalakad nalang ako ngayon.

Sayang kasi sa pera eh,kasi nga diba malapit lang.Nag-iipon rin kasi ako.Bakit kaya di ko naisip yan kanina?

Habang naglalakad ako ay napansin kong may sumusunod sakin. Naka-jogging pants siya tapos naka-jacket na may hood.

Medyo natatakot na ko kasi diba.. Malay niyo rape-in ako niyan!O kaya i-salvage! O baka kunin ang liver, atay at balun-balunan ko if ever na meron nga ko!

Kaya medyo binilisan ko yung lakad pero di masyadong obvious. Sige.. Lakad lang Sol!

Pero nagulat nalang ako nung nasa tabi ko na siya tapos..

"Ahh Miss sandali.. May tatanong lang ako",sabi sakin nung lalaki

Napatingin naman ako sa kanya at.. Ooh Lala!! Ang wafuuuu!! Hotness..

"Uhh.. Miss.."

Nako.. Kung ito ang mangre-rape sakin eh gora na!! Choss! Ang landi ko na!

"Uh Miss,pwede bang magtanong?!!"

Natauhan naman ako nung medyo lumakas yung boses niya.

"H-ha? Ano yon?",nakakahiya! Kanina pa ata ko nakatitig sa kanya.Baka isipin neto, pinagnanasaan ko siya!

"Itatanong ko lang sana kung san papunta yung Mini Stop?", sabi niya

"Ha?Baket?Aalis ba siya?",tanong ko naman dun sa lalaki.

"Haha!Hindi.. I mean,paano ako makakapunta dun?",ang gwapo ng tawa niya!

"Ahh.. ganun ba? Itong daang to.. diretsuhin mo hanggang kanto, tapos pagdating mo sa kanto liko ka sa kanan tapos diretsuhin mo lang din yun hanggang makarating ka sa gasoline station tapos yung tabi nun eh Mini Stop na..",paliwanag ko sa kanya.

"Ahh..",tapos ngumiti siya ,"ok sige..",tapos nag-jogging na siya. Tiningnan ko lang siyang at ang gwapo pati ng likod niya!

Pero maya-maya eh tumalikod siya at tumakbo pabalik.. sakin?

"Thank you nga pala..",sabi niya habang nakangiti.. ang gwapo~

Tapos umalis na siya.. Ako na!Ako na ang kinikilig!!

Kharen's POV

Pagka-uwi namin dito sa bahay eh inutusan ako ni Mama na magpa-load, kaya ito, naglalakad na ko papunta sa tindahan ni Mang Obet!

At kung minamalas nga naman eh katapat nun ang bahay nila Jerme.

Nung nasa tapat na ko ng tindahan ay sinabi kong ,"Pa-load po!",tapos agad ko nang sinulat yung number ni Mama tsaka kung magkano dun sa papel na binigay sakin..

Habang hinihintay ko yung sukli ko ay may isa pang nagpa-load.At kung minamalas nga naman talaga ako.Si Jerme lang naman ang nagpa-load!

Hindi ko nalang siya pinansin.Pagkabigay sakin nung sukli eh tumalikod na ko.

"Akala ko ba bati na tayo?",hmm?

Humarap naman ako sa kanya. Nakatingin din siya sakin.

"Oo nga.."

"Eh bakit nung tumabi ako sayo,di mo ko pinansin?"

Nagtaka naman daw ako sa kanya. Big deal ba yun?

"Aish! Ano tong mga sinasabi ko! Umuwi ka na nga!",sabi niya. Oh tignan niyo! May topak na naman siya!

Makauwi na nga! Baka mahawa pa ko sa mood swings niya!

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now