Chapter 9

89 9 5
                                    

Kharen's POV

One week..

One week ko na siyang di pinapansin.  Oh diba? Nakatagal pa ko ng one week?

Pero sa totoo lang. Na-miss ko siya sa one week na yun. Eh kaso ano namang gagawin ko? Eh putol na ang ties namin. Wow.. ties.. ang lalim!

Pero on a serious note. Wala namang espesyal na nangyari sa one week na yun. Napalitan lang ang principal namin. Ganun naman dito eh. Yearly nagpapalit ng Principal.

At kaninang umaga. Nag-launch na ng Nutrition Month yung mga Clubs ng H.E. Dept. At ngayon naman ay Chemistry na ang subject.

Ramdam ko ang situation ni Que. Pareho kasi kaming tahimik ni Jerme. Eh pareho niya rin kaming seatmate kaya wala siyang makausap ng matino.

"Que pahiram ng red ballpen.."

Nagulat ako kasi magkasabay naming sinabi ni Jerme yun at sabay pa kaming nakahawak sa ballpen. Pero hindi magkapatong yung kamay namin ah! Masyadong Cliché. Magkadikit lang..

"A-ah.. Kay Sol nalang ako maghihiram..",sabi ko

"Hindi.. ikaw na maunang gumamit..",sabi naman niya..

At ang napapagitnaan naman namin na si Que nakatitig lang saming dalawa.

"Hindi.. ikaw nalang.. Manghihiram nalang ako kay Sol..", sabi ko

"Ay ewan ko sa inyo! Ako nalang muna gagamit! Ang aarte niyo!",sabi ni Que tsaka kinuha yung ball pen

Humarap naman ako sa kabilang side ko which is si Sol..

"Sol.. pahiram naman ng red ballpen.."

Binigay naman niya sakin.

"Oh? Bakit namumula ka?",tanong ni Sol

Kinapa ko naman yung mukha ko. Namumula ako? Nakakahiya!

"Haha! Alam ko na kung bakit ka naubusan ng red ballpen..",napatingin naman ako sakanya..,"Napunta lahat ng tinta sa mukha mo!",sabi niya pa tsaka ko tinawanan.

Hindu nalang ako kumibo, baka lalo pa niya ko asarin.

"Okay.. So what other Special Properties of Matter do you know?",tanong ni Sir

Nagtaas naman ng kamay si Sol.

"Yes, Sol?"

"Elasticity, Sir!"

"Correct! Elasticity.. It is the ability to be molded to anything.. Isa sa magandang example dito yung mga Plastic na tao.. They can mold themselves to different characters or attitudes.."

May point si Sir dun ah! Parang may pinanghuhugutan?


NGAYON ay last subject period na namin. At di na kami makapaghintay na makauwi. Ang dilim na kasi ng langit at nagbabadyang umulan.

Pero sad to say.. Baka abutin ako ng ulan dahil mamayang uwian may ipapagawa pa sakin si Mam sa Faculty Room.

May naaamoy akong mabango kaya hinanap ko. Ito palang katabi ko yun.. Si Rissa..

"Ang bango mo naman Rissa..",sabi ko sa kanya..

"Oo.. Mayaman kasi eh..",may nag-side comment

"Sus! Sa outside lang mabango yan! Pero inside hindi..",pabiro na sabi ni Que habang bumubulong sakin.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Loka loka talaga!

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now