Chapter 21

70 6 2
                                    

Derrick's POV

Nandito na ulit ako sa lamesa namin. Nakabalik na lahat dito pero wala si Kharen. Nasan kaya sya? Baka may kasayaw na classmate namin?

"Asan si Kharen?",tanong ni Jerme kay Que

"Ewan ko nga eh.. Sinayaw ata ng iba nating classmate..",sabi ni Que

Pare-pareho lang pala kami ng iniisip..

"Hahanapin ko siya.",sabi ni Jerme

"Jay..Wag na.. Babalik naman siguro yun.. Malay mo, may kasayaw lang na ibang lalaki.. Malay mo yung crush nya yun kaya natagalan..",sabi nung Via

Ano bang akala nito kay Kharen? Papansin?

"For your information. Lalaki ang lumalapit kay Kharen. Hindi sya katulad ng iba diyan na desperadang mapansin ng lalaki.",sabi ni Yen at inirapan si Via

Napatahimik naman siya nun. Nakakatuwa ang mga kaibigan ni Kharen. Ipinagtatanggol sya kahit wala sya dito.

KALAHATING oras na yata pero hindi parin bumabalik si Kharen. Nakabalik-balik na dito sila Sol pero wala parin siya.

Si Jerme,kasayaw niya yung girlfriend niya. Sila na pala ni Via.

Inamin yun mismo ni Via nung nagkataong kaming dalawa yung nasa lamesa. Pero sa totoo lang, ang sama ng ugali ng babaeng yun.

May kasayaw ang girls kaya ako lang ang nandito. Hinihintay ko si Kharen. Umupo si Via sa upuan sa tabi ko. Himala at di nya kasama si Jerme.

"Alam mo.. I'm warning you.. Lumayo-layo ka sa Kharen na yun..", sabi niya

Tinignan ko naman sya ng nakakunot ang noo.

"Anong ibig mong sabihin?", tanong ko dahil wala naman akong nakikitang masama sa pakikipag-kaibigan kay Kharen

"Hindi mo ba alam?", sabi niya

"Ang ano?", nagtaka naman ako

"She's a warfreak! Yung classmate mong si Mannel.. She snaked him from her girlfriend!Kaya nga nilalayo ko si Jerme sa kanya.. baka pag nalaman na boyfriend ko,agawin pa.", sabi niya

Parang di naman kapani-paniwala ang sinasabi nitong babaeng to

"Alam mo.. wag kang nag-i-imbento ng mga bagay para makasira ka lang..", sabi ko at tinignan sya ng masama

"Hmp. Bahala ka kung ayaw mong maniwala.. Basta sinasabi kong lalandiin ka lang niyan at iiwan ka rin pag may nahanap ng iba..", mataray nya pang sabi

"Pag di ka pa tumigil.. Tatamaan ka na sakin.. Kahit babae ka pa,di kita sasantuhin."

Nagagalit na talaga ako.Wala syang karapatang siraan si Kharen. Akala ko pa naman mabait sya. Plastic pala.

"You're Impossible Derrick! Gusto mo magtanong ka pa sa mga kaklase mo eh.. Tss.. I'm just warning you but I think I just wasted my time..", sabi niya tsaka tumayo at umalis

Buti at nakapagtimpi pa ko sa babaeng yun kung hindi ay baka ano ma ang nagawa ko

"Uy.. Derrick! Pose!",si Kenneth, classmate namin at may dalang camera

Ngumiti naman ako. Ayaw ko namang masabihan ng KJ.

Iniisip ko parin hanggang ngayon yung ni Via. Totoo ba yun?

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now